Chapter 21: Wag Mokong Iwan

57 4 0
                                    

Haruhi P.O.V

Pag ka tapos Kong ihatid yung bata kay San Pedro ay bumalik agad ako sa hospital dahil may kasunduan kami ,pero pag balik ko wala na sya kaya naman naisipan kong bumalik nalang sa school..

"Bitch! "napalingon ako sa nag salita .. Hanggang ngayon kase diko pa kilala si Bitch. "Asan si Usagi ? >:(" galit na tanong sakin ng magandang babae .  Sa pag kakaalam ko classmate ko sya

"Usagi ?" Kunot nuo kong tanong.   Wait sino nga ba uli si Usagi ? Para kaseng narinig ko na kung sino sya eh--ayy oo nga pala .. Sya yung babaeng naabutan ko sa secret base kasama sila Sawako"Ahh .. Hindi ko alam ,bakit mo na tano---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng nakatanggap ako ng isang nalakas na sampal mula sa kanya

Napansin ko ding marami ng mga tao sa paligid na nanunuod

"Wag ka ng mag maang maangan !! Ikaw ang hinahanap ng mga demons diba ?!! Pati si Usagi nadadamay ng dahil sayo !!! Bakit di kanalang sumuko kina Daemon para naman tigilan na nila si Usagi !!! Pati si Usagi nadadamay na kakapahanap sayo !!!" Sigaw ng babaeng maganda sakin

Si Usagi nadadamay ng dahil sakin?  Hindi naman ata pedi yun

"Asan sya ?" Seryosong tanong ko sa kanya

Nakita Kong lumaki ang Mata nya at sandaling natigilan dahil sa tanong ko pero agad ding naka bawi"Aba ,malay ko .. Ikaw nga dapat ang tinatano--HOY BASTOS BUMALIK KA DITO !!!" Hindi ko na sya pinatapos sa pag sasalita at tumakbo na ako papunta sa office ni Kyle

Malapit na din namang mag takip silim kaya maya maya ay mawawala na ang mga taong inosente..  Pero nag tataka ako, bakit nadamay si Usagi at bakit alam ng babaeng yun na ako ang hinahanap ng demon ?

Agad kong binuksan ang pinto ng office ni Kyle .. Naabutan ko si Sora na naka upo sa harap ng computer ,si Kyle na naka upo sa upuan nya at isang babaeng hindi ko kilala

Nag lakad ako palapit habang silang tatlo ay naka tingin Lang sakin

"Mukhang seryoso ka ah? " puna ni Sora sakin

Tiningnan ko muna yung babae, hindi nya pweding malaman ang pag uusapan namin..  Napansin Kong ang sama sama ng tingin nya sakin ..

"Anong kailangan mo? "Cold na tanong Kyle sakin .. Sinenyasan ko sya na kami kami Lang dapat ang makaka alam .. Tinuro ko yung babaeng matalim Kong makatingin sakin ,mukang na gets naman yun ni Kyke"Lumabas ka muna bukas ka nalang uli bumalik" sabi nya sa babae

Lalong tumalim ang tingin ng babae habang nag lalakad palabas ng office .. Ng maisara na nya ang pinto ay agad akong nag salita

"May nadamay .. Hindi ko alam kung paano sya nadamay pero mukhang kailangan natin syang iligtas" seryoso kong sabi

The Demon Prince and The Importunate AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon