Chapter 22: Ipis

51 4 4
                                    

Elsea P.O.V

Apat na araw!!  Apat na araw ng hindi ko nakikita si Usagi simula nung sinabi nya sakin yung sekreto nya!!

~~Flashback~~

"Ano bang ng yayari at pinag babantaan ka nila? Umamin ka nga sakin Usagi, nilalandi mo ba si Dark? " deretsong tanong ko kay Usagi

"Hindi" tipid naman nyang tanong

"Eh ano? Bakit si Dark ang bahala sayo??!! "Galit na tanong ko.  Aba! Kahit bestfriend ko to papatulan ko sya kapag nilandi nya si Dark..  Kahit sinong lalandi papatulan ko

Huminga muna sya ng malalim"May napasok akong gulo Elsea" seryosong sabi nya

"Anong gulo? " mataray na tanong ko sa kanya

"Hinahanap nila sakin yung angels..  " sabi nya

What?  Bakit naman hinahanap sa kanya yung angels? Teka, pano nya nalamang may mga anghel dito?

"Angels? "Pag uulit ko, baka kase nag kamali Lang ako ng dinig

"Oo..  Elsea... May sasabihin ako sayo..  Alam Kong magugulat sa sasabihin ko. . "Huminga uli sya ng malalim tsaka tumingin ng seryoso sa mga mata ko"alam ko kung anong klaseng nilala ka" seryosong sabi nya

Natahimik ako saglit .. Inaantay ko kung nag papatawa lang ba sya kase imposibleng malaman nya yung tunay Kong pag katao, unless kung sinabi ng malanding babae na yon ang sekreto ko, sya Lang naman nakakaalam kase nga diba nakita nya ko kagabi

"Pinag sasabi mo? " kunwaring hindi ko alam na tanong sa kanya

"Elsea, nakakakita ako ng mga nilalang na hindi tao..  Hindi namin kauri.. "Sabi nya

"Hindi nyo kauri ? " kunot nuong tanong ko..  Aba! Parang sinasabi nyang iba ako ahh..  Well iba naman talaga ako

"Oo..  May mga demons, monster, mermaids at angels akong nakikita sa school na to" sabi nya

Tsk, talaga Lang huh -__-

Nag Cross arms ako at tinaasana sya ng kilay"Tsk, siguro naalog Yang utak mo kaya Kong ano ano Yang pinagsasabi mo -_-" sabi KO.

Baka kase niloloko Lang hya ako..  Tsk..  Pano naman nya yun nalalaman eh halata namang karaniwang tao Lang sya.. Oh baka naman witch to dahil may amulet syang suot suot ..

The Demon Prince and The Importunate AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon