Chapter 37: Imposible

51 2 0
                                    

Daemon POV

"Ang tatanga nyo naman !" galit na sigaw ni dad samin "Dalawa lang yung anghel pero natakasan kayo ! Naka contact lense na nga kayo para di kayo masisilaw sa liwanag nila pero natakasan pa din kayo ? Sila na sana ang sagot para maka pag himaksik tayo ng tuloy tuloy para walang magagawa yang si Zeus !" dugtong pa nito

"Sinabi kona sayo tito ,ako nalang kase* naka smirk na sabi ni Lucifer

"I'm sorry dad ,hindi lang namin alam na ganun ang mang yayari" paumanhin ko

"Daedae .. Gusto kong planuhin nyo maiigi kong pano nyo yan gagawin hindi yung basta basta nalang at hindi nag iisip .. Ikaw naman Succubus ,hindi porke mapapangasawa ka ni Daedae ay mananakit kana ng mortal .." sabi pa ni dad

"Daedae ,ano ba pinag sasabi ni Haruhi ? Niloko mo daw sya ?" tanong naman ni mommy

"Hindi ko alam sa babaeng yon" wala namang samood na sagot ko

"Hay nako ! Bumalik na kayo don sa school .. May outing daw kayo sa monday .. Bantayan nyo maiigi si Haruhi pati na din yung Usagi at yung Elsea .. May posibilidad na iligtas uli sila ng mga anghel " sabi ni dad

"Sige po tito ,aalis na po kami" magalang na paalam ni Sawako

Tumango nalang si Dad at umalis na nga kami ..Pag kawala kase ng liwanag kanina ,nawala na din sila Haruhi .. Lagi nalang kaming tinatakasan ng mga yon . Mga duwag .. Tsk

Pero napapaisip ako .. Nabagabag kase sakin si Haruhi ..Kanina nung umiiyak sya dahil daw sa niloko ko sya .. Hindi ko talaga maintindihan ung babaeng yon .. Bakit ba kase pinag pipilitan nyang sya si Nessa ? Oo ,mag ka mukha sila pero .. Yung buhok kase eh .. Yung buhok nya yung dahilan kung bakit ayaw kong maniwala

"Mahal na prinsepe" napatingin ako kay Dark ng tawagin ako "Lalim ng iniisip mo ah .. Kanina pa nag paalam si Sawako ,mag papaalam na din ako" sabi nya .. Tumango nalang ako .. Andito na pala ako ko sa tapat ng dorm ko

Pumasok nako sa loob at dumeretso sa cr para mag linis ng katawan .. Pagkatapos ay nahiga nako sa kama at tumingin sa kisame .. Inaantay ko nalang na makatulog ako at ng yari  nga dahil na din sa pagod

~~~~

"Demon ! Bumalik ka !" napadilat ako ng mata kong maka rinig ng pamilyar na boses  .. Hindi ako pe peding mag kamali "Ang gulo nanaman ng buhok mo ,bakit naka simangot ka ?" tanong nya sakin

The Demon Prince and The Importunate AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon