Kabanata 1

19.3K 352 28
                                    

Kabanata 1
Boxers

"Done... Breakfast is ready," sabi ni Aidan habang inilalapag ang pagkain sa lamesa. As usual, siya nanaman ang gumawa ng aming umagahan.

I'm wearing a simple sando and shorts. Sinuot ko ang aking eyeglasses sa side desk. Hindi naman gano'n kalabo ang mata ko. I only wear this in the morning and in school since sensitibo ang aking mga mata.

The delicious aroma of food filled the air. It was a familiar scent, and I can obviously tell what exactly it is. Kahit ilang araw na namin itong ulam, hindi ko pa rin mapigilan ang pagkalam ng aking sikmura sa amoy palang.

"I heard that!" at tumawa siya.

I scratched my head in frustration.

"Oo na!"

Umupo ako sa hapag at napangiti sa simpleng itlog at bacon na niluto niya. Hindi na nagbago yung food choice niya para sa breakfast araw-araw. Malamang, ito lang talaga ang kaya niyang lutuin, but who was I to judge? Hindi rin naman ako marunong magluto.

"How was it?" tanong niya nung sumubo ako ng makaisa. He sound like a kid wanting to know his parent's opinion about the first dish he ever cooked.

"Are you joking? May espesyal ba sa niluto mo ngayon?"

"I mean, gusto ko lang malaman kung tama lang. Baka kasi na-overcook," then he smiled awkwardly.

"God, Aidan. Of course, it is good enough. Na-master mo na yung pagluluto niyan for two months," biro ko sa kaniya at napailing.

Napakamot siya sa kaniyang leeg.

"Sorry. Alam kong sawa ka na din," nahihiya niyang sambit at hinubad ang kaniyang apron. Talaga nga namang nagsuot pa siya nito.

He revealed his well-chiseled body. Humikab siya at itinaas ang kaniyang maskuladong braso. Boxers lang ang suot niya sa bahay palagi. Magbibihis lang siya kapag may inaasahang bisita.

His skin had a creamy white tone, perfectly even across his body.

And his face... incredibly handsome. His nose was sharply defined, and his eyebrows were thick. His eyes had a penetrating intensity, like a raven locking onto its prey. His lips were perfectly shaped.

Every movement and reflex of his muscles was like watching art in motion.

Even if it sounds disgusting, I admit that he's undeniably irresistable. Kung ito ang makikita mo sa umaga, kahit hindi ka na kumain ng breakfast ay mabubusog ka na sa view.

Napaiwas ako nung namataan niya na nakatingin ako sa kaniya. Mabilis akong sumubo ng pagkain at kinabahan.

"Tira'n mo 'ko ng ulam. Maliligo muna ako," paalam niya sa'kin.

Pumasok siya sa bathroom dala ang kaniyang tuwalya. I heard the stream of shower.

"Sa weekends, try ko mag-search sa youtube kung paano magluto ng hotdog. Just to switch things up a bit," aniya habang naliligo.

Bigla naman akong nasamid. Seriously? Fried foods nananamn? That is as if nothing has changed.

Natawa ako ng malakas.

"I'm just kidding, Sef," aniya sa loob ng bathroom. ngunit hindi pa rin ako tumigil. "Ano ba?! Hindi naman yun masyadong nakakatawa."

He is clearly offended.

"Akala ko kasi seryoso ka do'n. Lalo mo lang pino-prove yung sarili mo na hanggang sa fried foods kalang magaling," sabi ko.

Bigla siyang dumungaw mula sa bathroom habang basa ang kaniyang mukha, kaya nagulat naman ako.

Temptations With My Home Partner [BxB, SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon