Kabanata 12

7.9K 241 26
                                    

Kabanata 12
Your Boyfriend?

(SPG Alert!)

Last night, umabot pa kami ng isang oras ng walang patid. Hindi ko na nabilang kung ilang beses naming ginawa 'yon, at naubos ang natitira kong lakas buong gabi. I remember, nung sinabi kong gutom na ako, sa wakas ay tumigil na siya. Mabuti nalang at siya na ang nagsubo sa'kin ng pizza dahil hindi ko na kayang humawak ng isa.

Ngayong umaga, kinakailangan ko pang uminom ng pain reliever bago pumasok ulit sa trabaho. Mabuti nalang ay mayroon na kami sa medicine kit.

Then there's Aidan who have no mercy, dahil tinatawanan pa ako habang paika-ika akong naglalakad sa loob ng bahay. Inalok niya ako ng tulong, ngunit sa inis ko ay tinanggihan ko siya.

"You need some help, seriously," pagpipilit niya sa akin kahit ilang beses ko na siyang pinipigilan. Wala naman siyang kusa para alalayan ako. Kasalukuyan pa rin siyang kumakain sa mesa.

"Hindi na. Sige, tawanan mo nalang ako ulit. Pagpatuloy mo lang 'yan," sarkastikong sabi ko at tumayo na sa mesa pagkatapos uminom ng gamot dahil nakakain na ako. Meds should be taken after the meal.

Tumungo ako sa kuwarto upang kuhanin ang aking damit at tuwalya bago maligo. Ngunit paglabas ko ay bumungad sa aking harapan si Aidan na halos kadikit ng aking mukha ang kaniyang hubad na dibdib. Agad akong napaatras.

"Gumilid ka nga," utos ko sa kaniya. Hindi niya ako pinakinggan, sa halip ay tinungtong ang kaniyang siko sa gilid ng pintuan, hinaharangan pa ako lalo habang ine-expose ang kaniyang biceps.

He just shrugged. Ayaw sumunod sa akin. Kaya ang ginawa ko ay kinurot ko ang kaniyang abs at agad siyang napaatras.

"Aray!..."

"Ang tigas kasi ng ulo mo," sambit ko sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad ng ika-ika, ngunit ilang hakbang ko palang patungo sa banyo, naramdaman ko ang mga kamay at bisig ni Aidan na pumalibot sa aking baywang at binti, pagkatapos ay binuhat ako. "Hoy! Ibaba mo 'ko... Kaya ko nga kasi yung sarili ko!"

Hindi siya sumagot hanggang mapunta kami sa loob ng banyo. Humagikgik pa siya kahit na nagpupumiglas ako sa kaniya. Sadyang mas malakas siya kaya talo ako.

Ibinaba na niya ako sa banyo at tinaggal ang aking eyeglasses.

"Hintayin mo 'ko. Sabay tayong maliligo," aniya at lumabas.

Mukhang kukuhanin niya saglit ang kaniyang tuwalya at damit, saka ilalabas ang aking salamin. Maya maya pa ay nakabalik na siya, at tama nga ako tungkol sa mga idadala niya. Sinabit niya ang mga ito sa rack kasama ang mga dala ko rin.

"W-Wait lang. Huwag kang lumapit," sabi ko habang sinasandal ang likod sa tiles na pader. Never pa akong nagkaroon ng kasama sa pagligo. "Hindi pwede. Hindi ako sanay na may kasabay, Aidan. Labas!"

"Masasanay ka rin," nakangisi niyang saad sa akin dumako ang kaniyang kamay sa laylayan ng aking t-shirt. Mabilis niya itong inangat at hindi ko namalayan na hubad na agad ako. "Makakatipid tayo nito sa tubig."

It was bullshit. It is very obvious that he's superbly rich, even though he doesn't say anything about his financial background. The way he talks about money is like he doesn't mind to dissipate it much. Kailan pa niya naisip na magtipid kami? I bet, he can afford a six digit price of water bill.

Mabilis kong tinakpan ang aking dibdib, partially covering my upper body. Utterly non-sense as it seems.

"Para kang babae diyan," turo niya sa mga braso ko, then he chuckled. Hindi ko pa rin ito binababa. Dahan-dahan siyang humahakbang patungo sa direksyon ko. Umaatras naman ako hanggang sa natunton ko ang pinakasulok ng banyo. Doon at dinikit niya ang kaniyang mga kamay sa pader upang ikulong ako sa kaniya.

Temptations With My Home Partner [BxB, SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon