Kabanata 2

12K 297 30
                                    

Kabanata 2
Crazy Obsession

The school grounds were severely flocked by student athletes, and their boisterous chatters are filling the air. Nakita pa namin ni Aidan ang mga kaibigan na na kasalukuyang nagpa-practice ng basketball. Kinawayan siya ng mga ito.

"Sige, Yoseff. Una na 'ko," paalam niya.

"Galingan mo," cheer up ko.

Ngumiti naman siya at nagpatuloy na sa kaniyang mga barkada. Excuse sila dahil malapit na ang sports event. Sa tingin ko, hindi maganda na maging part siya muna ng naturang event. His grades were at risk, and I wished he'd prioritize his studies for now.

Nung nakarating ako sa classroom ko ay agad na sinalubong ako ng kaibigan kong si Leila. She's showing me her phone and gave me a knowing look, yet I'm still puzzled by her sudden actions.

"Hindi mo ba maalala?" tanong niya, kaso hindi ako kumibo. "Huy! Papasa na!"

Bigla akong napasampal sa aking noo nung nalaman ko kung ano ang sadya niya. This girl was beyond obsessed!

"Seryoso ka ba talaga? Araw-araw mo nang hinihingi 'yan... Hindi pa rin ako papayag," sabi ko at naglakad papunta sa silya ko at umupo. Hinubad ko ang aking bag. Sumunod lang si Leila sa'kin at tumayo sa harap ko.

"Ano ka ba?! Kahit isang picture lang. Wala akong maisip na ipalit sa wallpaper ko, e," aniya at pinakita ang pikachu niyang wallpaper. Leila was not even a Pokemon fan, yet she was obsessed with Pikachu. Naalala ko nung huling bisita ko sa bahay nila, mayroon siyang malaking collection ng iba't ibang items na may pikachu theme. Weird, kasi hindi naman talaga siya nanunuod ng Pokemon.

"Seriously? Kaya wala akong planong kumuha ng picture na hinihingi mo sa'kin, e. What if someone saw that on your phone? For sure, tatanungin nila kung sino yung kumuha niyan. Either way, that idea is ridiculously disgusting. Don't ever push me again."

"Edi hindi ko na iwo-wallpaper. I will keep it in my phone for personal use. Sige na! Just one picture, please."

"No."

Pumorma ang malaking busangot sa kaniyang mga labi habang nagmamakaawa sa'kin. She doesn't look convincing, though. Her fake whimpers just annoy me.

"Kailangan ko ng inspiration para sa gagawin kong sports news. At isa pa, plano ko rin na gawa'n siya ng isang bionote at kasama na maipublish sa school journal. Ano? For academic purposes naman ito," aniya at humagikgik.

"Gumagawa ka lang ng excuse, Lei. And its terribly lame. I will never take a picture of him in my house. There's a possibility that he might take an action against us once we get caught. Delikado yung gagawin ko," mariin kong sabi sa kaniya.

Umirap siya sa'kin at biglang binulsa ang kaniyang phone.

"You are also making your excuse too, Sef, but I don't believe you. Tinatamad ka lang na gawin yung request ko. At saka, hindi ko naman talaga hahayaang kumalat 'yon kapag nakuha ko na. I'm still aware na may girlfriend siya at the moment. I'm not foolish enough to put myself in danger," aniya na may halong pag-aatungal at umupo sa tabi ko.

She's a hard nut. Baka bukas ay ulitin pa niya ang panghihingi sa'kin ng pictures ni Aidan habang almost naked ito sa buong bahay. But no, mas okay na kung ako lang ang tanging makakakita sa kaniya ng ganoon.

Isang maling send ko lang sa ibang tao ng larawan ni Aidan, agad itong kakalat. Matunog ang kaniyang pangalan sa buong campus. He is always a gossip by everyone, bagay na hindi ko maintindihan. Looks? Ambabaw naman.

"I'm still waiting, Seffy. Just in case na humingi ka ng favor sa'kin, 'yan ang magiging kapalit," aniya at makahulugang kumindat sa'kin. Umiling lang ako. She's always been flirty with everyone, including me. But those actions were just platonical for her, pero para sa iba ay medyo mahitad sa paningin.

Temptations With My Home Partner [BxB, SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon