Chapter Six

3.1K 76 25
                                    


TUMALAB nga yata kay Elliot ang pasisinungaling ni Candy dahil hindi na siya nito tinantanan pa ng katatanong tungkol sa pakikipagbalikan niya kay Max. Heto at katatapos nilang manood ng pelikulang Legends of the Fall at kumakain ng sitsaron nang tanungin siya uli nito ng 'update'.

Humalukipkip si Candy habang nag-iisip ng isasagot.

"Well?" untag naman ni Elliot, mukhang na-corner siya nito ngayong gabi.

"H-hindi pa rin interesado sa akin. Ewan ko ba, nagpapaka-sweet naman ako sa kanya."

"Baka meron na siyang ibang ka-date?"

"Wala. W-wala na siyang naka-date pa after kaming naghiwalay."

Napahimas sa baba si Elliot, parang nagdadalawang-isip sabihin ang gustong sabihin. "Do you have a problem with intimacy, Candy?" pagkuwa'y tanong nito makaraan ang ilang segundo.

"W-what do you mean?"

"Well, you know... kissing, and—"

"Na h-hindi ako marunong humalik, ganoon?"

Tumawa ang binata. "Parang ganoon nga. Pero hindi ko naman nakikitang problema 'yan kung magaling magturo si Max."

Inirapan niya ito. "I'd like to think that I kiss very well, thank you very much!" pa-singhal na sabi niya.

Wala siguro sa itsura niya ang pagiging good kisser, ganoon? Ugh. Come to think of it nga naman, hindi niya naman alam talaga kung magaling siyang humalik. Hindi naman siya nagtanong sa dalawang lalaking nakahalikan na niya at wala namang sinasabi ang mga ito.

"You think?"

She scoffed at him. "What are you trying to imply, Elliot?"

Tumatawang nagkibit-balikat ang lalaking lihim niyang sinisinta. "Just sayin'! Napapaisip lang ako."

"Teka nga muna, basehan niyo bang mga lalaki ang intimacy para hiwalayan o hindi ang isang babae?" mataray niyang tanong.

"Depende sa lalaki," ngingiti-ngiti namang sagot ni Elliot.

"E, kung ikaw ang ka-date ko? At hindi ako marunong humalik?"

Nagbago ang tono ng pananalita nito, mukhang nagseryoso bigla. "Problema ba 'yun? Tuturuan kita. I won't let go you that easy, Candy."

"Oh, well, marunong naman ako humalik so—"

"Yeah, right."

Pinandilatan niya ito. "Halikan kita diyan makita mo," biglang nanulas mula sa bibig niya at huli na para bawiin iyon.

"Hinahamon mo ba ako, Candida?" game na game namang sabi ni Elliot. Aba, pinatulan talaga ang sinabi niya?

Hindi nakapagsalita si Candy. Pinanginigan siya ng mga tuhod at ipinagpasalamat niyang nakaupo siya sa mga sandaling iyon. Naghahamunan sila ng halik ni Elliot!

"Well?" naghihintay na pukaw sa kanya ng binata.

Napalunok siya.

"You don't wanna kiss me?" halos paanas na tanong ni Elliot, may mababanaag na disappointmet sa mukha nito.

Muli siyang napalunok. Oh, my God. Ano ba'ng gagawin niya?

Mahinang tumawa si Elliot. "Chicken," tudyo nito sa kanya saka sumandal sa upuan.

Noon na siya nagkaroon ng lakas ng loob, hinawakan ng isang kamay niya ang kuwelyo ni Elliot para hilain ang mukha ito paharap sa kanya. And then she did it. She planted her lips against his. One, two, three seconds... Then she withdrew.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Escaping the Friend Zone (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now