Chapter One

5.8K 110 26
                                    


"ELIONG?" usal ni Candy nang sagutin ang tumatawag sa kanyang smartphone.

"It's Elliot," pagtatama naman ng lalaking kausap niya na slang pa ang pagkaka-pronounce ng Elliot. "Candida naman, hindi na tayo high school, baguhin mo na ang palayaw ko."

"Candy," pagtatama niya naman sa itinawag ni Eliong— este Elliot sa kanya.

Kung bakit ba kasi Candida ang ipinangalan sa kanya ng Tatay niya. Candido daw kasi ang pangalan ng paternal grandfather niya at kamamatay lang nito bago siya ipinanganak noon. Kaya, in loving memory of Candido Escobar, naging siya tuloy si Candida.

"A-anong atin? Napatawag ka?" medyo natataranta pa niyang sita dito.

Crush niya noong high school si Elliot. Hindi na niya matandaan kung paano nag-umpisa, basta parang nagising na lang siya isang araw na napansin na rin niya sa wakas kung bakit madaming babae sa campus ang nagkaka-crush kay Elliot. Napansin na rin niyang guwapo rin pala ito kahit tinutukso niyang parang nakapomada ang ayos ng makintab na buhok nitong nakahati sa gilid. Pagkatapos ay nakakaramdam na siya ng kilig kung nag-uusap silang dalawa noon, kung nililibre siya nito ng meryenda sa cafeteria... Kasali sila ni Elliot sa isang malaking barkada noong high school at iyon ang bentahe niya laban sa ibang babaeng may gusto dito. Effortless ang lumapit sa lalaki.

Dahil bata pa siya noon at hindi niya naman keri lumandi at magpa-cute, hindi nalaman ng sino man sa madla ang kanyang pagsintang pururot sa lalaki. Paano naman kasi magpapa-cute ang isang babaeng haragan? Ang sagwa tingnan!

Ni wala siyang lakas ng loob na isulat sa slam book ang pangalan ni Elliot sa question na Who is your crush? Ang tanging naisulat niya doon ay ChocNut. Hindi siya napiga kailanman ng mga kabarkada niya kung sino si ChocNut. Hinding-hindi siya aamin kahit ibitin pa siya ng patiwarik habang nanonood ng Twilight nang paulit-ulit!

Kaya naman so close yet so far ang drama ni Candy noon kay Elliot. Akala niya ay naglaho na ang paghanga niya sa lalaki pagka-graduate nila ng high school. Pero dahil sa taon-taon na may reunion ang kanilang barkada, ay taon-taon din niyang namamalas kung paano gumuguwapo si Elliot sa paglipas ng panahon. Ayun, lalo lang siya tuloy nagka-crush sa lokong iyon.

"Nagkita kami ni Emman noong isang araw, sabi niya nandito ka daw sa Makati?" tanong ni Elliot. "Nagtatrabaho ka daw dito?"

"Yup, sa restaurant ng pinsan ko at kaibigan niya."

Halos limang buwan na ring nagtatrabaho si Candy bilang assistant manager ng isang magandang bar, grill and restaurant. Iniwanan niya ang pagiging head cook sa isang seafood restaurant sa Rosario, ang kanyang hometown sa Norte.

"Sa Daffodil, tama?"

"Yup!" Napakamot siya sa ilong. "Bakit mo tinatanong—"

"Andito rin ako sa Makati."

Muntik pa siyang mahulog mula sa kinauupuang silya sa kusina ng bahay ni Nicole, ang kanyang pinsan. Doon siya nakatira habang nagtatrabaho sa Daffodil.

"I thought your clinic is in Marikina?" nagtataka niyang sita kay Elliot, hawak ang kumakabog na dibdib. Ang crush niya, nasa Makati din daw!

"Lumipat na kami last month. In fact, isang sakayan lang ang layo mula sa Daffodil, mga ten to fifteen minutes siguro kapag hindi masyadong traffic."

Oh, wow!

"Candy?" tawag sa kanya ni Elliot nang hindi siya makapagsalita. "'You still there?"

"Uhm, yeah."

"I hope you don't mind, kinuha ko kasi ang contact number mo mula kay Emman."

Escaping the Friend Zone (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now