Chapter Five

2.8K 86 26
                                    


"CHANGE tactic," suhestiyon ni Max nang ibalita ni Candy dito at kay Nicole ang progress ng pakikipaglapit niya kay Elliot. "At sa akin ka makinig, huwag diyan sa pinsan mo," paunang payo pa nito.

"At bakit naman?" mataray na sita dito ni Nicole.

"Dahil ngayon ko lang na-realize, madami na pala akong babaeng na-friend zone, kasama ka na!" sabi ni Max saka tumawa ito nang pagkalakas-lakas.

Classmates sa college sina Max at Nicole sa kursong business management. Unang nagtrabaho si Max sa isang international luxury cruise ship, umangat nang umangat ang puwesto nito mula sa pagiging bartender hanggang sa maging manager na ng club. Pero dumating din ang panahong na-bore ito sa ginagawa kaya gamit ang naipong pera ay nakipagsosyo ito ng negosyo kay Nicole na noon nama'y katulong ng ina't amain nito sa pagpapatakbo ng furniture business.

"Anyway, seryoso ako," pagkuwa'y sabi ni Max. "Madaming taktika ang ginamit sa akin ng mga girls para mapansin ko sila, pero sorry na lang sila kasi nga ay hindi ko talaga gusto ang mga Eba."

"So, you're saying na magagamit ko ang mga tactic na 'yun kay Elliot?" interesadong tanong ni Candy kay Max.

"Bakit naman hindi?" Tumayo si Max mula sa mesa nito at sumandal sa mesa ni Nicole na kaharap naman ng mesa ni Candy. "Pero siyempre, hindi ko lang sure kung magwo-work ba talaga ang natatandaan kong tactics na ginamit sa akin. Iba-iba naman kasi ang mga lalaki, 'di ba?"

"Okay, we're listening," ani Nicole. Sumalumbaba ito sa mesa.

"First and foremost, you girls should understand na kahit gusto ng mga guys ang independent women ay masarap pa rin sa feeling nila na humihingi ka ng tulong sa kanila. There was this girl before, katrabaho ko sa barko; pati pagbukas ng garapon o bote ay nagpapatulong siya sa akin. She was thinking na mapi-feel kong napaka-macho ko pag ginagawa ko 'yun para sa kanya, pero 'yun nga..." Tumawa si Max. "Pagka-irita lang ang naramdaman ko sa kanya dahil hindi nga kasi ako tunay na lalaki."

Tiningnan ni Nicole si Candy. "Napaka-independent mo pa naman, Candida! Lagi mong pinapalabas na hindi mo kailangan ang mga lalaki," sabi nito sa kanya. "Max is right. You should make Elliot feel that you need him sometimes. Natural nang may superhero complex ang mga lalaki, 'no? Saka masarap sa feeling 'yung inaalagaan ka ng other half mo kahit kaya mong alagaan ang sarili mo. Feel na feel ko pa ring pinagbubuksan ako ng pinto ni Drew ko, 'no? And he always likes doing it kasi it makes him feel important, caring and protective to me."

"Oo na!" nakangiwing sang-ayon ni Candy. Ano ba magagawa niya, e pinalaki siyang independent ng kanyang mga magulang. Ever since ay 'buntot mo, hila mo' ang panuntunan sa kanilang bahay. "Okay, so ano pa'ng tactic ang puwede kong gamitin kay Elliot?"

"May isang girl na umamin na gumamit sa akin ng pakunwaring-iwas tactic," sabi ni Max.

"Pakunwaring-iwas tactic?" duet na sabi nina Candy at Nicole sa sinabi ni Max.

"Yup!" tatango-tangong sabi naman nito. "Kunwari hindi siya interesado sa akin. Nagpapanggap siyang may ibang lalaking kinahuhumalingan at sinasabi sa akin 'yun. Magpapaganda siya, magpapa-sexy, ipaparada niya ang sarili sa akin. Tatakam-takamin ako, pero sinasabi niyang may iba siyang lalaking idini-date."

Pumitik ang mga daliri ni Nicole. "That could work!" palatak nito. "Nakakasaling nga sa ego ng isang lalaki ang ganoon, 'yung parang hindi mo siya pinag-iinteresan tapos ipinaparada mo naman ang sarili mo sa kanya. It could make him wonder about you, you know."

"Right," ani Max. "Some guys don't want to be chased. Gusto nila sila ang maghahabol, so mas magwo-work siguro kung hindi mo talaga ipapa-obvious kay Elliot na hinahabol mo siya."

Escaping the Friend Zone (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon