Chapter Three

3K 71 20
                                    


"WHO is this Candy girl again?" tanong kay Elliot ng kanyang Ate Amor nang tawagan niya ito sa telepono isang gabi at ipanukala ditong paupahan nito ang pag-aari nitong townhouse.

Bumili noon ng townhouse ang kanyang mga magulang para kay Amor na naging tahanan nito mula noong kolehiyo. Noong isang taon lang ay ibinenta ng may-ari ang townhouse na katapat ni Amor sa murang halaga at binili naman iyon ng mga magulang nila at ibinigay kay Elliot. Ngunit noong nakaraang buwan lamang doon lumipat si Elliot galing sa condominium unit na naging tirahan niya mula nang mag-college siya.

Elliot was always privileged in life. Maalwang buhay ang nagisnan nilang magkapatid. Ang paternal grandparents nila sa Rosario ay nagmamay-ari ng malalawak na lupain, ang iba'y nasa gilid ng dagat at ang iba naman ay pinapasaka. Kumita ang mga ito nang husto nang bilhin ng mga land developer ang mga beachfront lots na pagmamay-ari ng mga ito. Nagmamay-ari din ang mga ito ng chains ng hardware store sa norte na pinamamahalaan ng pamilya ng tiyo ni Elliot.

Isang dating surgeon ang ama ni Elliot na nagpakadalubhasa sa Amerika, dalawang dekada din itong nagtrabaho doon bago nagpasyang manatili na lamang sa Pilipinas at sa mga kababayan ibahagi ang serbisyo nito. Isang mahusay na abogada naman ang kanyang ina. Ngayong taon ay napagkasunduan na ng mag-asawa na mag-retiro mula sa kani-kanilang trabaho.

"Classmate ko siya noon sa St. Michael's High at barkada ko. Sige na, hindi mo pa naman maibebenta," pamimilit ni Elliot sa nakatatandang kapatid.

"Sigurado kang classmate mo lang 'yan?"

"Oo. Nakita mo na siya noon sa bahay, noong minsang birthday ko."

Tumawa si Amor. "Akala ko may kapalit na si Aleli? But, oh. What am I thinking? I'm sure magkakabalikan kayo uli." Lakas talaga nitong mang-asar. Palibhasa ay engaged na ito sa nobyong piloto at ikakasal na sa susunod na taon. Isang pediatrician si Amor at iniwan ang trabaho sa isang maliit na ospital sa Makati upang makisosyo sa isang clinic kasama ang kaibigan nitong doktor sa Imus, Cavite. Doon na daw ito magse-settle down.

Nagkamot si Elliot sa sintido. "Ayan ka naman, Ate."

And the truth was, he was already getting sick of it! Napakadaming babae diyan ang naghihintay na maging girlfriend niya. He had dated some of these girls while he was free, but they were all just flings. Sa huli ay si Aleli pa rin ang hinahanap-hanap niya...

Aleli was his first love. First everything actually. They dated briefly in high school and that was the best memory of his teen years. Sa Maynila din nag-aral ng college si Aleli kaya sinamantala niya iyon upang maging girlfriend nito. Kaso, pagkatapos nila ng kolehiyo ay walang natatagalang trabaho sa siyudad si Aleli kaya panay ang uwi nito sa probinsiya kahit sinusustentuhan niya naman kung wala itong pera. Noon na din nag-umpisang maging on and off ang kanilang relasyon.

"Did you ever ask her to marry you, Elliot?"

Hindi siya agad nakasagot sa tanong na iyon ni Amor. He wanted to marry Aleli, of course. Pero hindi pa siya handang alukin ito ng kasal. Hindi pa siya handang maging ama, hindi pa siya handang matali sa habangbuhay na responsibilidad. Masama mang isipin ay ini-enjoy pa niya ang buhay binata. He wanted to be married in later life, maybe in his mid-thirties.

Napabuntong-hininga siya. Baka iyon ang hinihintay sa kanya ni Aleli? Ang alukin niya ito ng kasal? But he wouldn't want to give her something that he couldn't do right away. Isa pa, parang kuntento naman si Aleli sa set-up nila, hindi ito kailanman nagbukas ng paksa tungkol sa kasalan.

"No, not yet."

"You know, hindi na kayo bumabata, Elliot."

"Alam ko naman 'yun. Pero hindi pa ako handa sa pag-aasawa. Alangan namang pilitin ko ang sarili ko para doon. Aleli didn't seem that interested, too."

Escaping the Friend Zone (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now