Chapter Four

2.7K 77 21
                                    


MAGANDA pala ang legs ni Candida, hindi naiwasang maisaisip ni Elliot isang umaga na nalabasan niya ito sa patio ng townhouse na nagma-mop ng tiles ng sahig doon.

At teka, bakit ba nililinis nito ang patio niya?

"Good morning!" nakangiting bati sa kanya ni Candy at gustong mapahiya sa sarili si Elliot dahil inuna pa niyang titigan ang legs nitong nakalabas mula sa suot nitong maikling maong na shorts kaysa sa pagbati dito ng magandang umaga.

"'Morning!" bati niya pabalik sa dalaga at dagling inilayo ang paningin mula sa mga hita nito.

Holy sh*t. He never thought that Candy had a pair of killer legs! They were long, shapely and looked so smooth and supple. Pantay din ang kulay ng mga iyon na light brown.

"Ahm, what are you doing? Hindi mo na kailangang linisin ang tapat ko, Candy," nakangiting sabi niya dito.

"Okay lang 'yun," sabi naman nito at hindi itinigil ang pagma-mop. "Maaga akong nagising at wala akong magawa bago pumasok sa Daffodil kaya naisip kong maglinis ng patio, sinipag naman ako masyado kaya sinali ko na ang sa iyo."

"Thank you, but, please, do not do this again. May tagalinis naman akong pumupunta dito twice a week."

"Okay lang, sabi."

"Nag-almusal ka na ba?" Pinilit ni Elliot na huwag ibalik sa legs ni Candy ang kanyang mga mata.

Damn it! Kaibigan niya ang babae, hindi niya dapat pagpiyestahan ang legs nito. Baka isipin nitong manyakis siya't hampasin siya nito ng mop. Or worse, mukha niya ang gawing mop nito sa sahig! Yeah, knowing how feisty she was, he wouldn't be surprised if she would really do that to him.

Umiling si Candy. "Mamaya na lang, pagkatapos nito."

"Palabas ako para bumili ng almusal. Baka may gusto kang ipabili?" alok niya.

"Naku, huwag na, Elliot. May kape at tinapay naman ako diyan."

"How about pancakes from McDonald's ayaw mo?" pilit niya pa rin.

Namura ni Elliot ang sarili nang yumukod si Candy upang buhatin ang timbang may lamang likidong pinaghalong tubig at sabong panglinis ng sahig. Kitang-kita niya ang maumbok na pang-upo ng dalaga at halos nasisilip na niya ang mga singit nito.

Bigla yatang uminit ang hangin. Sweet Lord!

"Candy? Pancakes?" halos wala sa sariling usal niya.

Mabilis uling inilayo ni Elliot ang mga mata nang muli siyang harapin ni Candy. "Sige na nga. Ikaw ang bahala," nakangiting pagpayag nito sa kanyang alok.

"We can eat here in the patio," sabi naman niyang tumingin sa maliit na mesa doon na yari sa wrought iron.

Iniwasan na niyang alalahanin pang si Aleli dati ang madalas niyang kasamang kumain ng almusal kung nag-o-overnight ito dati sa kanyang condo noon. Wala na sila ni Aleli. Ni hindi na siya nito tinatawagan at wala kahit text man lang. Dati ay wala pang one month ang kanilang break-up ay nagpaparamdam na ito sa kanya. Pero maraming buwan na ang lumipas ay wala na siyang narinig pa mula kay Aleli. Iniwasan niya namang kontakin ito mula nang pagbagsakan siya ng telepono nang tawagan niya ito tatlong buwan mula nang maghiwalay sila. May pride naman siya kahit paano.

Maybe Aleli had already found another man? Shit. Maybe...

May kirot ding naramdaman si Elliot sa naisip na posibilidad. Oh, well, life goes on. Hindi naman tumitigil ang pag-inog ng kanyang mundo kung wala siyang girlfriend. Napapalagi ang pagsama niya sa night out sa best friend niyang si Armand. Classmate niya ito sa college at isang orthodontist, nasa Quezon City ang clinic nito. Tumawag nga ito sa kanya kagabi, nagyayaya na naman. Pero tinatamad siyang lumabas nitong nakaraang mga gabi. Tumatanda na nga yata siya. Madami na siyang nakakasawaang gawin.

Escaping the Friend Zone (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now