Kabanata 2

186 7 9
                                    

Kabanata 2

Del Rios

Exactly 9:00 nagising ako bigla, sobrang dilim ng paligid at tanging lampara lang ang nagbibigay liwanag sa kwarto ko. Parang sobrang bigat ng aking katawan, dala siguro ng pagod kanina. Naagaw ng atensyon ko ang biglang pagtunong ng cellphone ko. Tumatawag pala si Sarina, siya lang ang nag iisa kong kaibigan, since na magkaibigan din si tita susan at ang kanyang mommy ay madali kaming nagkasundo nung mga bata pa kami hanggang sa sabay na kaming grumaduate ng elementary at high school. Ngayong 4th year college ay same school din kami pero hindi kami magkaparehas ng course na kinuha.

Psychology ang kinuha niya, lagi ko pa ngang niloloko si sarry na siya ang mag-alam sa akin pag nasiraan na ako ng bait, alam niya din kung anong sitwasyon ko ngayon.

Saglit pa ay sinagot ko na ang tawag, ngayon ko lang din nakita na sobrang dami na palang missed call galing sa kanya.

Sa kabilang linya, alam ko na agad kung nasaan siya. Siguro nagbabar na naman ang babae na yun. "Nabalitaan kong lumipat ka na sa condo!" Nailayo ko bigla ang cp ko sa tenga dahil sa sobrang lakas. "Sobrang nakakatampo ka di mo man lang ako sinabihan. Diba best friend mo ko." Sa tuno niya ay alam kung medyo lasing na siya

Umirap ako sa kawalan. "My god sarry, sinabihan ko sina tito renz na sabihan ka. Saka bat ba nasa bar ka?"

Rinig ko pa sa kabilang linya na parang may kinakausap siyang lalaki. Papatayin ko na sana ngunit nagulat ako sa sunod na sinabi ng kausap niya. "Baby" sa malambing na boses, nagsitayuan ang balahibo ko. Hindi naman sakin nasasabi ni sarry na may boyfriend na siya.

"Sarry?" I said, she forgot that she was talking to me. Paulit ulit ko siyang tinawag ngunit hindi naman siya nagsasalita. Siguro dahil sa ingay din kaya di niya ako naririnig.

Papatayin ko na ulit sana ng may marinig na naman ako sa kabilang linya, na lalong ikinagulat ko. "Bitawan mo ako Marco." Doc. marco? Hindi ko alam kung siya nga pero yun lang ang nasa isipan ko. Hindi ko na pinatagal ang tawag, binaba ko na ito at nag tipa ng mensahe para kay Sarry, na bukas na kami mag usap.

Napailing na lang ako, Masaya naman ako kung may boyfriend na nga si sarry. Humiga na lang ulit ako para umidlip ulit buti na lang at dinalaw ako ng antok.

Sobra ang adjustment ko ngayon dahil ako lang mag isa, buti na lang kahit papaano marunong akong magluto. Kakapanibago pa din dahil ikaw lang mag isa ang mag uumagahan. I already prepared food for my breakfast. Tinawagan ko din si dad kanina para kamustahin, gusto pa nga niyang padalhan ako ng katulong para daw may taga pag luto ako but I refuse buti na lang at pumayag naman.

Humingi ako ng malalim at sinimulan ng kumain, I also decided to go outside para naman makalanghap ako ng sariwang hangin. Pagkatapos kong kumain, lumabas agad ako ng unit, sasakay nasana ako sa elevator ngunit nakita ko si sarry na may mga dalang pagkain.

"Sarry?" She giggle and hug me.
"Kala mo ha, naiinis pa din ako sayo. Buti na lang best friend kita." Tinaasan niya pa ako ng kilay at pinakita sa akin ang mga dala niya. "Let's go to your room. Saan ka ba pupunta?"

"Sa labas sana magpapahangin." I said, naglalakad na kami patungo sa condo ko. Siguro ay mamaya na lang ako lalabas at isasama ko na lang siya para may makausap din ako. "Anong nangyare sayo kagabi? Kinalimutan mo na kausap mo ako kagabi." I opened the door, pagkabukas ko ay umupo agad siya sa sofa na para bang pagod na pagod. "Narinig ko pa na may kausap ka, You also mentioned marco's name huh?"

Sa kanyang pagkakaupo ay napatayo siya at lumapit sa akin. "Ano pang narinig mo pat?" Natataranta niyang sabi.

I chuckled. "Sarry." Humarap ako sa kanya at seryoso na tumingin. "Magkasama ba kayo ni Doc. Marco kagabi?" Kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. "He even call you baby." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Ngunit imbes na sagutin ako ay umiwas siya.Kinuha niya ang kanyang dala at nilabas yun isa isa. Mahina akong napatawa.

Lustful Desire Series #2:Carlton Del RiosWhere stories live. Discover now