Kabanata 10

65 6 0
                                    

Kabanata 10

Touch

Hindi na humaba ang usapan namin ni Carlton, umalis na din siya pagkatapos niyang ibigay ang pagkain. Napatingin naman ako sa kanyang binigay na pagkain, napabuntong hininga ako baka masanay ako na laging dinadalhan ng pagkain.

Gusto kong magpalipas ng araw sa condo lang ngunit sobrang boring naman. Malinis na ito at wala na akong magagawa. Napanguso ako at tiningnan ang cellphone. Hindi ko alam pero bigla itong tumunog, isang unknown number na naman ang tumatawag sa akin.

"Nagbago na naman ba siya ng number?" Bulong ko.

Hindi ako nag alinlangan na sagutin yun ngunit wala akong narinig na salita sa kabilang linya. Sobrang nakakabingi ang katahimikan dito.

"Hello?" Kumunot na ang noo ko at chineck pa kung patay na ba ang tawag ngunit hindi pa naman. "Hello?" Paulit ulit ko iyong binigkas ngunit nananatili pa din tahimik ang nasa kabilang linya.

I was about to end the call when a familiar voice speak in the other line. "Patricia?" My heart beat so fast along with the fear. I'm so speechless and I did not realize the call is ended.

Napatulala ako. Hindi ako nagkakamali sa boses na iyon, My mom? Sandali pa ay tinawagan ko ulit ang numero na tumawag sa akin kanina ngunit out of coverage na ito. Nakailang missed call ako pa ako pero wala talagang nasagot.

Napaupo ako dahil hindi ko kakayanin tumayo ng matagal baka mamaya ay mabuwal ako sa pagkakatayo. Nanginginig ang tuhod ko pati na din ang aking kamay.

Napahawak ako sa sentido at mariin na pumikit. Sandali pa ay may tumulong luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung saan yun galing pero ang tanging nararamdaman ko ngayon ay takot na baka saktan at kunin ulit ako ngunit may parte sa akin na gusto ko siyang makita.

I try again to call the number, lalo lang bumilis dahil nagring ito bigla. Maya maya pa ay sumagot ito.

Tahimik ako at ang nasa kabilang linya. Sobrang naiiyak na ako, gusto ko siyang makausap kahit natatakot at naduduwag ako. "M-mommy?" I whispered.

"Patricia. Anak." Ang huling salitang binigkas ng nasa kabilang linya ang nagpalambot ng puso ko. Is this for real? Totoo ba to? Bahagya kong kinurot ang sarili ko para naman kung nananaginip ako ay magising agad. "Anak ko." Napahagulhol ako sa iyak. I realize that I really miss her even there's a memory and past na sinasaktan niya ako.

"Mom. Where are you?"

"I'm here at the front of your door." Dali dali akong tumakbo at binuksan ang pintuan.

Nabigo ako dahil wala namang tao. "Mom. Where are you?"

Isang malakas na tawa ang narinig ko sa kabilang linya. Paulit ulit ang tawa na iyon tiningnan ko ang cp ko at patuloy pa din ang tawag. Nagsitaasan anh aking balahibo dahil dun at walang pag aalinlangang pinatay ang tawag. Dali dali kong sinara ang pinto at binalock ang number na iyon.

Sobrang nakakakilabot ang tawa. Napaupo ako at inilayo naman ang cellphon sa sarili. Bigla tuloy akong napa isip kung iyon nga ba si Mommy. Pero bakit sobrang magkatunog ang boses nila kahit matagal ko ng di nakikita ang aking ina, di ko malilimutan ang tawa at boses.

Napasabunot ako sa sarili ko at sinusubukan ikalma ang sarili nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko isang mensahe iyon sa unknown number.

Gaya ng ginawa ko wala ulit akong pag aalinlangang tingnan iyon. May senend itong litrato at nang buksan ko ay bigla na lang akong napasigaw.

Lustful Desire Series #2:Carlton Del RiosWhere stories live. Discover now