Kabanata 8

46 6 0
                                    

Kabanata 8

Confess

Lumipas ang araw, kaunting araw na lang din magpapasukan na kami. Sinamahan ako ni sarry noong nakaraang araw para sa enrollment at simula nung nag mall kami hanggang ngayon di ko pa nakikita si Carlton. Hindi ko siya hinahanap napapansin ko lang.

Bakit ko ba iniisip ang lalaki na yun, iiwasan ko na nga iniisip ko pa. Nag focus na lang ako sa pagkain, sobrang laki ng pinag iba ko hindi katulad nung nakaraang araw. Dati sa isang linggo may araw dun na nahihimatay ako, pero ngayon napakagaan sa pakiramdam. Naiwasan ko na din ang pananaginip, binalita ko agad yun kay Doc. Marco ngunit sabi niya ay wag daw akong pakakasiguro. He suggest na magpacheck pa din at pumayag naman ako. Naalala ko ang sinabi sa akin ni sarry na mas nakakatulong sa sitwasyon ko pag pakiramdam na minamahal at pagnatutunan na ding magmahal.

I'm inlove, hindi sa kung sino man kundi sa sarili ko. Inayos ko ang sarili ko, kumain lang ako ng tinapay para sa breakfast balak ko kase ulit mag jogging sa labas.

Paglabas ko ng building, sumalubong agad sa aking ang simoy ng hangin. Napakasarap sa pakiramdam, kahit maaraw hindi naman ito masakit sa balat. Napaka perpekto nga ito para makapag jogging. Tumakbo ako tatambay na lang ulit ako sa tambayan ko noong nakaraan. Tahimik at mas makakahinga ako ng maluwag.

Tumatakbo lang ako, enjoying the view. Napatigil ako bigla dahil may pumarada sa harap ko na isang magarang sasakyan. "Miss, pwedeng makuha ang number mo?" Hindi ko sila pinansin at diretso lang ako sa pagtakbo ngunit hinaharangan na nila ang daan ko. "Please miss, gusto ka lang namin makilala." Lumiko ako kung saan hindi nakaharang ang sasakyan pero tuloy pa din ang sunod nila. Napansin kong puro lalaki sila sa sasakyan at alam kong masama ang intensyon nila.

Huminto ako at huminto din ang sasakyan, lumabas dun ang matangkad na lalaki ngunit nakakatakot ito. "Napakapakipot mo naman, alam ko namang gusto mo din." Nagtataka ako kung anong sinasabi niya. Tumakbo ako ngunit hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko, maputi ako kaya bumakat dun ang kamay ng lalaki.

Bigla akong kinabahan, ibang kaba na ito. Nakakatakot na, masama ang tingin sa akin ng lalaki. "Bitawan niyo ako kuya."

Tumawa siya ng malakas na nag echo sa aking tenga. Napasigaw ako dahil dun sumakit din ang ulo kaya napapikit ako ng mariin. May bigla akong naalala, sobrang natatakot na ako. Paulit ulit ang tawa sa aking tenga, pilit ko din inaalis ang mahigpit niyang pagkakahawak sa aking braso. "Miss, kung gusto mo sumama ka na lang."

Pumalag ako. "Kuya please bitawan niyo na ako." Nagmura pa ang lalaki at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa aking braso. "Nasasaktan na po ako." Nangingilid na ang aking luha sa mata. Ilang beses ako nagmakaawa ngunit tumatawa lang ito.

Hanggang sa may sumigaw na sobrang pamilyar na boses. Naramdaman ko nag unti unting pag bitaw sa aking braso ng lalaki, hindi ko namalayan na nakahandusay na pala ito.

"Don't you fucking touch her! You bastard!" Sumigaw pa ang pamilyar na boses. Ako naman ay tumago sa gilid, takot na takot. Nakatakip ang tenga at mariin akong pumikit. Isa lang ang masasabi ko, parang nangyare na ito. Napakapamilyar ng senaryo na ito, parehas din may nag tatalo at nasa sulok lang din ako na umiiyak

Kinikilabutan na ako sa takot. "Bakit ka ba nangingiaalm ha?" Sigaw pa nung lalaki.

Wala na ako sa sarili, hindi ko hinayaang marinig ko lahat ng sinasabi nila. Alam ko na nag aaway na sila, umiiyak ako, patuloy lang ang iyak. Napatingin ako sa braso ko na namumula dahil sa hawak.

Hinawakan ko ito at biglang may ala alang bumabalik sa akin.

"Please untie me." Boses iyon ng babae na nakatali. Sa pagkakatanda ko kasama iyon sa panaginip ko

Lustful Desire Series #2:Carlton Del RiosWhere stories live. Discover now