Kabanata 4

168 10 9
                                    

Kabanata 4

Cellphone

Dream is just a figment of imagination, normal lang yun ngunit para sa akin, iyon ang pinaka kinatatakutan ko sa lahat. Napatitig ako sa salamin, napakunot ang noo ko dahil napakafamilliar ng senaryo na ito. Hindi ko alam pero napahawak ako sa aking palapulsuhan bakas dun ang mga sugat na hindi ko naman alam kung saan nang galing yun, tinanong ko yun kay dad pero sinabi lang niya na nagasgasan daw yun nung bata ako dahil sa kalikutan ko. Ngunit parang may mali, bakit ganito na agad ang peklat kung gasgas lang? Bakit parang napakalalim ng sugat. Ang marka nito ay hindi pangkaraniwan at parang may kaunting tahi.

Habang natagal padami na ng padami ang tanong ko sa aking sarili. Kinalma ko ang sarili ko at hinanda na ang sarili para lumabas at mag jogging. This past few days hindi naging maganda ang araw ko kaya siguro naman ay makakatulong din ang pag eexercise upang gumaan ang pakiramdam ko.

I'm wearing a fitted leggings and sportsbra, nag dala na din ako ng inumin at tuwalya. Gumamit ako ng elevator at napaka wrong timing naman lagi dahil kasabay ko pa talag si Mr. Carlton Del Rios. Ngumiti ako sa kanya ngunit ang kanyang mukha ay nanatiling walang reaksyon, sobrang nakakahiya kung bakit ba naman ngumiti pa ako hindi nga pala kami gasinong close. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid, kami lang dalwa sa loob at sobrang nakakailang dahil nasa likodan ko siya.

Napatawa ako dahil para siyang bodyguard ko na nagbabantay sa aking likuran. Pagbukas ng elevator, halos lahat ng staff ay napatingin sa amin, na ikinagulat ko naman.

Baka akala nila, magkasama kami nagkaton lang naman na nagkasabay kami sa elevator. Umuna na ako sa paglalakad, ngunit sa aking paglalakad ay biglang may humila sa aking braso. Nagulat ako dahil sa lakas ng puwerso ng humili sa akin ay napasubsob ako sa kanyang dibdib. Naamoy ko pa ang bango nito, naramdaman ko din ang pagtama ng hininga sa aking mukha, nagsitaasan ang balihibo ko dahil dun. Tumingala ako, agad naman akong napalayo dahil si Carlton ito, napatingin din ako sa kamay niya nakalayo sa aking katawan para hindi niya ako mahawakan, pero siya naman ang humila sa akin, kung hindi niya ako hin_. Tila naputol ang aking iniisip ng magsalita ang lalaki na katabi ni Carlton.

Pansin ko dito ang takot. "S-sorry miss, akala ko kase ikaw yung hinahanap ko." Pagkatapos nun ay umalis agad ang lalaki.

Ako naman nananatili akong nakatayo at tulala sa harapan ni Carlton. Napatingin ako sa paligid ko at nagbubulungan na sila. Unti unti akong tumalikod ngunit nagsalita si Carlton.

"Ikaw yung kagabi diba?" Di ko alam kung sasagot ako, napakagat ako ng labi. Muli ay hinarap siya.

"Oo, sorry kase_" hindi niya na ako pinatapos. Inaro niya sa akin ang kamay niya na may hawak na cellphone. Cellphone ko?

"Naiwan mo yan kagabi, sa condo ko." Napalakas ata ang boses niya dahil lalong nagbulungan ang tao sa paligid, rinig ko din ang bahagyang pagsinghap ng isang babae na nakatingin sa banda namin.

Nag iinit na nag pisngi ko dahil sa kahihiyan, sobrang malas ko naman lagi pag lalabas ako. Kinuha ko yun at nagpasalamat, dali dali akong tumakbo hanggang sa makalayo sa building na iyon. Sobra hingal ko at napaupo ako sa bench ng park.

Masama na nga ang araw ko kahapon, magiging masama pa ata ngayon. Pinanganak ata akong malas, laging negativity ang pumapasok sa buhay ko. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang mga batang naglalaro.

Gusto ko na lang din maging bata, parang walang problema, gusto lang sumaya. Napangiti ako bigla dahil kita ko ang mga ngiting nakaguhit sa kanilang mga labi, sobra silang nag eenjoy.

Lustful Desire Series #2:Carlton Del RiosWhere stories live. Discover now