Kabanata 3

157 10 6
                                    

Kabanata 3

Memory

Warning: R-18 (this content is disturbing and maybe traumatizing)

Wala akong tigil sa kakaiyak, habang patuloy ang pag aaway ni mommy at daddy. "Mom, Dad!" Sigaw ko ngunit hindi pa din sila tumitigil.

Hinawakan ako ni dad sa kamay at hinarap ako sa kanya. "Anak sumama ka na kay daddy." Hindi ako makapagsalita sa sobrang iyak.

"Subukan mong sumama diyan patricia, hindi ko patutulugin ang konsensya mo." Duro pa sakin ni mommy.

Hindi ako makapagdesisyon, hindi ako makaimik, nakatulala lang ako habng sobra ang iyak at sakit na nararamdaman. Hindi ko alam, bakit ba ganito ang tadhana napakadaya. Dati naman sobrang saya namin at maituturing na perpektong pamilya. Kinaiingitan pa nga ako ng mga kaklase pero ngayon sila na ang kinaiingitan ko. Ngayon naniniwala na akong walang perpekto sa mundong ito, lahat may mababago at hindi lagi masya sa buhay.

"Patricia, wag kang makinig sa mommy mo. Nandun ang iyong tita sanya."

"At talaga ba david? Talagang papakilala mo ang anak ko sa kabet mo?" Sigaw ni mommy. Hinila niya ako sa braso para mapalapit sa kanya. Pinantay niya ang kanyang mukha sa akin, bakas sa aking ina ang pagkadepress dahil sa itim nito sa baba ng kanyang mata. Sobrang natatakot ako kay mommy halos hindi ko na siya makilala. "Patricia anak, diba mahal na mahal mo si mommy" hinawi niya pa ang buhok ko habang may ngiti sa labi. Nanibago ako sa inasta niya, nung wala naman dito si dad ay sinasabunutan niya pa ako at pinapalo. "Kay mommy ka lang ha." Sobrang nakakakilabot ang bulong na yun, nag-echo yun sa aking tenga at paulit ulit.

Napasigaw ako at tinakpan ang aking tenga, habang nakaupo. "Anak." Saad ni dad.

"Wag kang lumapit, dahil sa akin lang ang anak ko." Si mommy habang pinapalandas ang kamay niya sa aking buhok.

"Nasisiraan ka na ng ulo emilia." Sa tono ni dad ay alam kong galit na siya. Nilapitan niya ako ngunit nahawakan agad ni mommy ang buhok ko.

Napakahigpit, ang sakit. "Mommy, bitawan niyo po ako."

"Emilia." Pagbabanta sa boses ni daddy. "Pag hindi mo binitawan si patricia, sasaktan talaga kita." Sa puntong yun ay binatawan ako ni mommy.

Pinaharap niya ako sa kanya. "Kapag sumama ka sa daddy mo, magpapakamatay ako. Tandaan mong ako lang naman ang nagmahal sayo ng tunay, kung mahal ka ng daddy mo edi sana hindi niya tayo iniwan. Ilang beses akong nagmakaawa sa lalaking yan na wag tayong iwan patricia, alang alang sayo ngunit hindi yan nakinig. Kase wala yang pakialam sa atin, sayo!"

Binatawan ako ni mommy at tinulak papunta kay dad. "Sige, sumama ka tingnan na lang natin." Hinawakan ako ni dad at pinaupo. "Anak, wag kang maniniwala sa mommy mo."

Wala akong nasabi, hindi ako umimik kahit gustuhin ko mang magtanong kay dad kung bakit nga ba niya kami iniwan ay wala ni kahit na isang salita ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko sanay magtanong ng madami, gusto ko sanang sabihin na bumalik na lang kami sa dati. Sobrang dami kong gusto pero hindi ko masabi.

"Ano bakit hindi mo sabihin kay patricia ang totoo kung bakit mo kami iniwan, bakit hindi mo sinama si sanya dito ha?"

"Emilia, tumigil ka na." Kasabay ang pagtapo ni mommy ng gamit sa harapan ni dad.

"Tahimik na kami dito, lumayas ka na dito."

"Tahimik? Nababalitaan ko na sinasaktan mo ang anak ko emilia." Tinawanan lang ni mommy si dad.

Nakaupo lang ako at pinapanood silang magtalo. Sinubukan ko pa ulit pumagitna ngunit hindi sinasadyang naitulak ako ni mommy dahilan kung bakit napatama ang ulo ko sa sahig, ngunit parang wala silang pakialam at hindi ako nakikita. Wala akong nagawa nung araw na yun, tumakbo ako at pumunta sa kwarto, dun ko lang din napagtanto na may sugat pala ako sa may bandang noo. Rinig na rinig ng dalwang tenga ko kung anong pinag aawayan nilang dalwa.

Lustful Desire Series #2:Carlton Del RiosDonde viven las historias. Descúbrelo ahora