Kabanata 12

38 5 0
                                    

Kabanata 12

Suspicion

Tuloy tuloy ang pag agos ng luha sa aking pisngi. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko si daddy.

Tita comforting him. "You don't kill her david alam mo yan." Paulit ulit niya yung sinasabi.

May mga bagay talaga na hindi ko pa alam at tanging sina daddy lang ang may alam ng katotohanan. Kaya saan ba ako tutungo? Ano bang dapat kong paniwalaang?

"Patricia..." si tita na umiiyak na din. "Hindi ang daddy mo ang pumatay sa mommy mo." Napatingin ako kay dad na umiiyak pa din. "It's just..." huminga siya ng maluwag. "Accident."

Pagod na pagod ako at kaunte na lang ay baka bibigay na ang talukap ng aking mata. Hindi ako makaimik kahit gusto ko namang magsalita.

Tumayo ako at pumuntang kusina. Muntik pa akong mabuwal dahil sa nanghihinang mga tuhod. Uminom ako at kumuha na din ng tubig para kay daddy. Malapit na ako ngunit napatigil ako dahil sa sinasabi ni tita. Mahina ang boses niya pero naririnig ko dahil na din sa katahimikan.

"David wag mong akuin ang hindi mo naman kasalanan." Kumunot ang noo ko.

"Kung sasabihin ko ang totoo baka hindi kayanin ni patricia." Bulong pa ni daddy.

Hindi na ako makatiis at nag salita. "Ano bang katotohanan?" Gustong gusto ko ng malaman ngunit nakikita ko sa mata ni dad ang pag aalinlangan.

Bumulong si tita sa kanya na ikinailing naman ni dad. I was about to speak when tita cut my word.

"You kill her."

Sa sinabi ni tita nabitawan ko ang dala kong baso. What?

Tumuloy ang luha na tinigil ko kanina. Napahawak ako sa aking sentido, napatalikod ako para sana tumakbo ngunit natigilan ako nang para bang may mga senaryo akong nakikita sa paligid ko.

Hawak hawak ko sa kamay ang aking ina habang ito ay duguan. Umiiyak ako habang ang aking isang kamay ay may hawak na kutsilyo na puno ng dugo.

Nanginginig akong tumingin sa aking kamay, parang bumakas ang dugo dun. Napaupo ako at humagolhol. Paanong ako?

"Patricia." Makalmang tawag sa akong ni dad ngunit hindi ko siya nilingon. Napahawak ako sa aking sentido dahil paulit ulit na bumabalik ang senaryo sa aking isipan. Ano bang nangyayare? Naguguluhan na talaga ako.

Gusto ko ng huminga ng maluwag at maging maayos na. Ano bang meron sa utak ko at di ko maalala lahat? Muli ay tumingin ako sa paligid, sobrang labo na, halos hindi ko na makita sina tita at dad. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa luha o baka mawawalan na naman ako ng...

Bago pa man matuloy ang iniisip ko, nagdilim na ang aking paningin at hindi ito dahil sa luha ko.

I was craying that day, hinihintay ang pagbabalik ni mommy. Gusto ko mang sumama kay dad pero hindi ko talaga kayang iwanan ang aking ina.

Ilang oras akong naghihintay sa labas ng pintuan ng matanaw ko ang hinihintay ko. Malaki ang pagkakahawig ko sa aking ina, sa kutis pa lamang ay sadyang dito ako nagmana, maganda siya lalo na pagnakaayos napabayaan lang niya ang kanyang sarili dahil sa pag iwan ni dad. Kahit kelan hindi ko sinisi si dad kung bakit nagkaganto si mommy, pero hindi ko talaga maisip kung bakit siya iniwan gayung nagmamahalan naman sila.

"Patrica" Hindi ko alam na nakalapit na pala siya, nakatitig pa din ako habang paunti unting bumabagsak ang luha sa aking pisngi. "Halika dito anak." Tinulungan niya akong makatayo at niyakap ng mahigpit.

"Wag na wag kang lalapit sa kabit ng daddy mo, she so danger." Kumunot ang noo ko, siya ang nananakit sa akin at hindi si tita.

"But mom, she so good than you." Hinihintay ko na ang kamay na dadampi sa aking pisngi ngunit wala akong naramdam.

Lustful Desire Series #2:Carlton Del RiosWhere stories live. Discover now