Pangarap

142 1 0
                                    

Ang nag-iisa nating mithiin,

Bagay na kayang-kaya nating abutin.

Kasing layo man ng bituin,

Makakamit pa rin.


Dahilan kung bakit tayo naging matapang,

Anuman ang pagsubok at hadlang.

Kumukumpleto sa'ting buhay na may pagkukulang,

Naging inspirasyon ang ating mga magulang.


Sanhi kung bakit tayo nagpaparaya,

Para makamit ang ating ligaya.

Nagbibigay sa'tin ng saya,

Nagpapatunay sa'ting kaya.


Balang araw tayo ay magtatagumpay,

Makamit ang bituin sa buhay.

Marating ang pinakahihintay,

Ang pangarap sa'tin ay maibigay.


Exact Date Created:11/13/20

Book of PoetryWhere stories live. Discover now