Bakit mo ako iniwan?

144 1 0
                                    

Hindi maiwasang pumasok sa isipan ko,
minahal mo ba talaga ako?
dahil hindi ko maintindihan,
bakit mo ako iniwan?


bigla ka nalang nawala
na animo'y bula
labis akong nasaktan sa ginawa mo
dahil parang wala akong halaga para sayo


parang napakadali lang para sayo
nakahanap ka agad ng bago na kapalit ko
mukhang masaya ka na
sa piling ng iba


samantalang ako ay hirap na hirap
sapagkat hindi ko pa matanggap
gusto ko'ng magalit sayo
ngunit mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko para sayo


labis akong nasaktan at nahihirapan
kaya ninais ko na ikaw ay makalimutan
hindi ko alam kung bakit minsan ako ay umaasa
nagbabakasakaling babalik ka pa


minsan ay nawawalan ako ng pag-asa
sa tuwing nakikita ka na masaya sa piling niya
napapaisip ako kung bakit hindi ako sapat para manatili ka
napakadaming kong tanong kung bakit umalis ka


nais ko'ng malaman
ang sagot sa aking mga katanungan
sapagkat hindi ko alam ang dahilan
kung bakit mo ako iniwan


110323













Book of PoetryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang