Minamahal ko

142 1 0
                                    


Nais kong malaman mo na iniibig kita
Hindi mo ba napapansin ang aking pagsinta
Hindi ko maamin ang aking nadarama
Sa aking takot na ikaw ay mawala


Ako ay umaaasa sa iyong pagmamahal
Ikaw ay hihintayin gaano man katagal
Nanlambot puso ko na singtigas ng bakal
Sa mga ngiti mong singtamis ng asukal


Nais na kalimutan
ang aking nararamdaman
Ikaw lang ay masilayan
Damdamin ko ay gumagaan


Sa titig mo ako ay natutunaw
Presensiya mo ang bumubuo sa aking araw
Sa kalokohan mo ako ay nababaliw
Kakulitan mo sa akin ay nagpapaaliw


Iniiwasan ko na dahil sa iyo ay masaktan
Iniiwasan ka dahil hindi ko nais masaktan
Iniiwasan ka sa tuwing ako ay nasasaktan
Iniiwasan ka dahil ako na ay nasasaktan


Gagawin kahit ano para lamang sayo
Sapat na ang makita ka mula sa malayo
Puso ko ay ninakaw mo
Damdamin ko ay nasaktan mo


Ibinigay ko ang lahat
Sa tingin ko iyon na ay sapat
Naging parte ka sa buhay ko kaya ako ay nagpapasalamat
Sana balang araw mahanap ko ang sa akin ay karapatdapat


Nais ko na malaman mo
Na pag-ibig ko ay totoo
Ito ay tandaan mo
O minamahal ko



edc: 01/10/22

Book of PoetryWhere stories live. Discover now