Mahal ko

141 1 0
                                    

Simula nang ako ay iniwan mo

marami na ang nagbago

nawala na ang dating sigla sa mga mata ko

wala nang bahid ng ngiti sa mga labi ko


nagbabadya ang mga luha sa aking mga mata

sapagkat labis akong nasaktan sa iyong ginawa

hindi mapigilang tumulo ang mga luha

ngunit wala na akong magagawa


ninais ko na makalimutan ka

sapagkat ako'y nahihirapan na

minahal lang naman kita

ngunit hindi iyon naging sapat para manatili ka


nabalot ako sa kalungkutan

nabibingi sa katahimikan

nakatulala sa kawalan

iniwan mo akong luhaan


hindi ko alam kung ano ang gagawin

kung ikaw pa ba ay hihintayin

nagbabakasakali na ikaw ay babalik sa akin

ngunit ninais ko na bumitiw na rin


minsan ako ay umaasa

bakasakaling babalik ka pa

ngunit nawawalan ako ng pag-asa

sa tuwing nakikita ka na masaya


ninais ko ng mga kasagutan

sa aking mga katanungan

sapagkat napakadali lang sa iyo na ako ay bitiwan

nakahanap ka agad ng kapalit

matapos mo akong iniwan


parang wala lang akong halaga para sayo

kaya hindi ko alam kung minahal mo ba talaga ako

pinaramdam at sinabi mo na mahal mo ako

ngunit ngayon hindi ko alam kung ano ang totoo

sinira mo ang tiwala na ibinigay ko sa'yo

kaya ngayon ay labis na ang takot ko

hindi ko alam kung magmamahal pa ulit ako


sapagkat ikaw lang ang minahal ko nang ganito





110523






Book of PoetryWhere stories live. Discover now