CHAPTER SEVENTEEN.

4 0 0
                                    


Chapter seventeen.

Hinilot Hilot ko ang sarili kong sintido Dahil sa pinag gagawa ngayon ni Hell. Tapos na ang bakasyon at pasokan nanaman. At itong si Hell kaya pala nawala ng ilang araw para makipag basag ulo.

" KUNG MAY PROBLEMA KA, SABIHAN MO KAMI!! HINDI YONG MAGUGULAT NALANG KAMI NA KAILANGAN KA NA PALA NAMING SUNDOIN SA PRESINTO!!!." Namumula na sa Galit si Ksyche kaka sermon kay Hell.

Si Hell naman ayon nakayuko lang at hindi umiimik.Hindi nalang kami umiimik baka samin pa ibuntong ni Ksyche ang galit nya.

Napatingin kaming lahat kay Hell ng Iniangat nito ang ulo, pati si Ksyche na sumisigaw kaka sermon at napatigil din. Isa isa kami tiningnan ni Hell sa mata Bago sya tumingin ng deretso kay Ksyche.

" KAHIT SABIHIN KO SAYO! SAINYO!!!." itinuro nya kami, Nagsi patakan na ang mga luha nya. Agad naman nya yong pinunasan at nagpatuloy. " HINDING HINDI NYO KO MAIINTINDIHAN!!! ITONG DINADALA KONG PROBLEMA PAG SINABI KO SAINYO! MAG IIBA NA ANG TINGIN NYO SAKIN. "

Hahabolin ko sana si Hell ng bigla syang Tumakbo palabas ng hawakan ni Kelly ang kamay ko para pigilan sa pag sunod. Kaya naman si Ksyche nalang ang humabol kay Hell.

Napaupo nalang ako sa Sobrang pagod. Pagod sa mga nangyayari!. Kahit kailan Hindi pa kami nag aaway ng ganito. Ngayon palang.

Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa Lamesa. Isa pa tong si Ken ilang araw ng di nag rereply sakin. Pag sasabihin kong pupuntahan ko sya sasabihin nyang Busy sya.

Ilang araw nalang din ay February na, Mag vavalentines narin pala, napa buntong hininga nalang ako sa sobrang rami kong iniisip.

Isang linggo na ang lumipas at Hindi ko parin nakakausap  si ken. Tahimik na sumipsip nalang ako sa milktea na binili ko sa cafeteria habang naka upo sa bench malapit sa soccer feild.

Napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa Hita ko nang biglang nag ingay, Agad ko yong kinuha at sinagot ang tawag ng makita kong si ken yon.

Sasagotin ko na sana nang pinatay nya din agad.simula nong new year naging malamig na sya sakin. Inintindi ko yon dahil iniisip ko na busy lang sya. Pero yong ganto na hindi ko na to mapapalampas.

Napabuntong hininga nalang ako sa sobrang rami kong iniisip. Iniangat ko ang tingin ko ng may tumapat na pares ng sapatos sa harapan ko.

" Anong.. Ginagawa mo dito?." Kunot noong tanong ko kay zaky.

" Ikaw dapat ang tanongin ko nyan, anong ginagawa mo pa ng ganitong oras. Kanina pa uwian nyo ah?."

Nagkibit balikat ako. " Tinatamad pa akong umuwi."

"  Street foods park tayo? My treat." Pag aaya nya sakin.

Napatuwid ako ng upo nang marinig ko ang Street food. " Aba! Game me dyan!."

Napatawa naman sya sa sinabi ko. Sabay kaming naglakad palabas ng campus. Dahil malapit lang naman ang park na yon sa campus naglakad nalang kami papunta don.

Hindi mawala ang ngiti ko habang naglalakad kami. Men! Street food yon sinong di sasaya. Naririnig ko rin ang mahihinang tawa ni zaky habang pinapanood ako.

Nakangiti ko syang hinarap at inakbayan. Dahil mas matangkad sya bahagya pa syang napayuko. Parang kanina lang down to earth ang peg ko. Alam talaga nya kong anong gusto ko.

Bumitaw din ako sakanya nang makarating kami. Kulang nalang maging heart ang mata ko habang nililibot ko ang paningin ko sa mga iba't ibang street food  store sa paligid.

" Hey! Dahan dahan sa panguya di ka mauubosan maui." Natatawang pinunasan ni zaky ang gilid ng labi ko

Ipinagkibit balikat ko nalang yon dahil mas busy ako sa pagkain ko ng isaw. Arghh!! This is heaven. Ang tagal na rin nong huling kain ko nito.

Naglibot libot pa kami sa mga store at kumain ng kung ano anong pagkain. Hinihimas ko ang tyan ko sa sobrang kabusogan.

" Thanks Zaky,."

Nginitian nya lang ako at ginulo ang buhok ko. Pabiro ko syang tinulak na itinawa nya lang.

Napahinto ako sa paglalakad at halos hindi ko na maigalaw ang paa ko sa nakikita ko. Si Ken kasama si lexi at mukhang masaya pa sila habang nakatingin sa isang gift store.

Alam mo yong masakit? Yong sinasabi nya lang sayong wala lang yon. Ngayon magkasama sila at sobrang saya.

Kung sinabi nyang ayaw na nya edi sana sinabi nya hindi yong harap harapan ko pang makikita na ganito.

" Umuwi na ta---, Hey! What happen?." Nagaalang tanong ni zaky.

Pumunta sya sa harapan ko kaya hindi ko na nakita kong saan pumunta sila ken. Naramdaman ko nalang nang may nagpupunas sa pisngi ko.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Fuck!! Ang sakit na niloloko ka na pala patalikod. I've been love him!!. Bakit sa lahat ng babae sya pa?!!. Yong pinagseselosan ko noon kasama na nya ngayon.

Inalalayan na ako ni zaky papunta sa kotse nya na nakaparada hindi kalayoan sa campus namin. Tulala lang ako habang bumabyahe kami pauwi. Hindi ko rin namalayan na nasa harapan na pala kami ng apartment.

" Thanks zaky." Nginitian ko sya ng kaunti. " Wag kang mag alala okay lang ako."

Bumaba na ako, hindi ko na pinansin ang pagtawag nya sakin. Tumakbo na ako papasok sa apartment. Dumeretso agad ako sa kwarto namin ni Hell.

Agad tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha habang kaharap si zaky. padausdos akong umupo sa pintoan. Fuck!! Ang sakit sakit sa dibdib. Malakas kong hinampas ang dibdib ko.. Gusto kong mamanhid kahit ngayon lang... Hindi ko kayang dalhin yong sakit.

Binuksan ko ang cellphone ko at agad kong tinext si ken.

To: Labs❤️

I'm breaking up with you.

Inalis ko na lahat ng messenges nya sakin pati narin ang number nya denelete ko. Punyeta sya may pa wala lang yon wala lang yon pa sya tapos ngayon mahuhuli ko silang magkalingkisan.

Like wtf?! Ilang linggo syang walang parandam yon pala lumalandi!.
.

Ayaw ko ng marinig kong anong explaination nya sa nakita ko. Ang iba sasabihin na kausapin ko na muna sya para malaman ko ang reason nya. Wtf?! Okay sana kong nagpaparamdam sya baka intindihin ko pa sya.

Pero ngayon ayaw ko na! Pagod na akong umintindi!. Nakakasawa na pagod na pagod na ako sakanya.

-------------

It's been a year since that day happen simula non wala na akong narinig tungkol sakanya parang bigla nalang syang naglaho nang parang bula.

Pero.. Akala ko yon na ang pinakamasakit na nangyari sakin.. But 6 months after that my father died because of accident. Grabe ang panlulumo ko non. I'm thankful na kasama ko sila Hell, My true friends.

Hindi nila ako hinayaang magisa.. Hindi ko alam ang gagawin ko kong wala sila.

" Maui tapos mo na yong Requirements sa History natin?." Tanong ni luna.

Napakurap kurap ako sa itsura nya ngayon. Like tf?! Is this luna? Nasaan na yong lunang may hawak na bible.

" Bag ganyan itsura mo? Nag rebelde kaba sa Church nyo?." takang tanong ko sakanya.

Napakunot noo naman sya sa sinabi ko." Oh ito... Uso daw to ngayon kaya sinuot ko."

Tube top and miniskirt, hindi yan ang suot ng isang maka diyos na gaya ni luna.

Maybe this is the end of my part in his story, at least may memories naman kami, masaya na ako don.

I'm gonna be a doctor soon...as a professional of course kung sakaling sila ang gagamotin ko sa future hindi ko sila papatayin.

I guess i should forgive him and my self to move forward. It's been a year now alam kong masaya na yon sa buhay nya ngayon kasama ang tunay nyang mahal.

" Hey Maui!!!! Halika na tulala ka nanaman dyan."

" Shut up!, Hell."

-------------------------------------

Arigato guzaimas for reading my story.

May nxt chapter pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Can't Forget You (LS#1) Where stories live. Discover now