CHAPTER FIVE.

7 3 0
                                    


Chapter five.

" Hanggang kailan mo ba ako susundan ha?."

Kanina nya pa ako sinusundan simula nong pumasok ako sa campus, nong nakaraang araw pa syang ganyan.

" Hanggang sa sagotin mo ko, di kita tatantanan." nakangisi nitong banat.

Umiwas ako ng tingin ng maramdaman kong biglang uminit yung pisngi ko.

Nong nakaraang araw  kasi sabi nya liligawan nya daw ako, di ko yun sineryuso. Di ko naman alam na seryuso sya eh.

" Wala ka bang klase at sinusundan mo ko?." tanong ko sakanya.

Napakamot naman ito sa sariling batok.

" May last class pa pala ako love." binulong lang nito yung huli.

Pag harap ko sakanya, bigla nyang hinalikan ang right cheek ko.

Hindi ko na sya nasuntok dahil tumakbo na ang kumag.

Nanliligaw palang pero nanghahalik na! Yung totoo meganon?.

" Lagi ko kayong nakikigang magkasama ni Mr. Takashi."

Apaka chismosa talaga nitong si luna. Sya yung katabi ko at laging kausap sa classroom.

Dahil wala ang girls sya muna ang kasama ko, kami naman ang magbobonding. Nakakasawa nadin kasi yung mga mukha nila minsan.

Lalo na yung mukha ni caily.

" Magkaibigan lang kami non." i lied.

Yaw ko nga sabihin sakanya na nanliligaw sakin yun, baka magulat nalang ako kalat na sa campus. Sikat pa naman yong si ken.

Tumawa ito. " Parang hindi yun yung nakikiga ko." sinundot sundot pa nito ang tagiliran ko.

Tiningnan ko sya ng masama. Nag peace sign lang ang gaga. Pasalamat sya mahal ko sya kung hindi nako, ipapasagasa ko talaga sya.

" Btw maui are you free this coming Sunday?. "huminto ito sa paglalakad,huminto rin ako.

Napaisip naman ako kung meron akong gagawin, bukod sa humilata wala na." anong meron sa Sunday?." tanong ko dito.

" invite sana kita sa bible study namin. "

Nag patuloy na kami ulit sa paglalakad pauwi.

" Mukha ba akong umaattend don huh?." itinuro ko pa ang sarili ko para feel nya. Tinanwanan lang ako nito.

Minsan pag kasama si luna. Mas mahaba ang tawa kesa sa kwento nya.

"Pag iisipan ko." tuloy ko.

Argh! It's Saturday na sawakas. Nag aayang lumabas si ken ngayon. Kaya kahit gusto ko pang matulog, pinigilan ko.

Minsan lang ako magka date kaya lulubosin ko na. Hehehehehe.

Nagsuot lang ako ng off shoulder na dress na hanggang ibabaw ng tuhod. Nag flat shoes lang ako at syempre shoulder bag.

Tiningnan ko ang relo na nasa kanan ng kamay ko.

9:30am.

Ang usapan namin ni ken ay 10 kami aalis, di nya sinabi kung saan kami pupunta. Surprise daw eh.

"San ang lakad maui?." tanong ni hell na kakagising lang. " or should i say san ang date ang aga mo?." tinaas baba nito ang kilay at nakangisi ng nakakaloko.

I rolled my eyes towards her." don't know di naman nya sinabi kung saan kami pupunta eh."

Kumunot ang noo ko ng biglang tumawa sya ng napakalakas yung tipong wala ng bukas yung tawa nya.

Magigising ang kapit bahay sa tawa nya.

" Inaamin mo bang may date ka talaga." nanlalaki pa ang mga nitong singkit.

Binato ko sakanya ang unan na nasa tabi ko. Agad naman nitong nasalo. " Ano naman kung may date ako? Bawal ba?."

Tinarayan lang ako ng gaga at bumalik na ito sa pagtulog.

Lumabas na ako ng kwarto namin, naabotan ko sa sala si ksyche na nagbabasa nanaman. Himala pag wala syang binabasa.

" San ang date maui?." nakatingin parin ito sa libro nya.

" Sa mars. " pabiro kong sagot sakanya.

Tumingin na ito sakin. At nakataas nanaman ang kilay nya.

" Kakailanganin nyo ng space ship kong ganon." bumalik na ulit ito sa pagbabasa.

Napatingin ako sa orasan na nasa taas ng cabinet.

9:45am.

Shit! Sabi ni ken susundoin nya ako before mag 10.

" Alis na ako sis." hinalikan ko sya sya sa magkabilang pisngi.

Tumatakbo agad ako pagkalabas na pagkalabas ko sa apartment namin. Sabi ko kay ken hintayin nya ako sa may minmart malapit lang din sa apartment namin.

Naglakad lang ako ng konti.saktong pagkadating ko don ay kakarating lang nya din. Sakay ng fortuner nyang kotse.

Lumabas ito ng sasakyan. Nakangiti itong kumakaway kaway pa sakin. Para syang bata.

Nakasuot sya ng jeans at gray t-shirt saka nike shoes. Simple but still handsome.

"Hey san ba tayo pupunta?." tanong ko sakanya.

" Surprise nga diba." halos di na makita yung mata nya pag ngungumingiti sya, katulad ngayon.

Natawa ako ng pinagbuksan nya ako ng pinto.gentlemen ang peg nya ah.

" Thanks."

Tinangoan lang nya ako at isinara na nya ang pinto. Patakbo itong umikot papunta sa driver sit. Pagkapasok nya sa loob ay agad na kaming umalis.

Kung saan mang lupalop kami ng pilipinas pupunta.

" Malayo ba pupuntahan natin?." tanong ko sakanya.

Tumingin muna ito saglit sakin, bago nya ibinalik ang tingin sa harapan.

" Medyo, okay lang naman kung matutulog ka muna." sagot nito.

Ayaw ko namang matulog habang papunta kami don, kawawa naman sya alang kausap pag tinulogan ko sya.

" Diba nililigawan mo ko?." tanong ko dito na syang ikinatingin nya saglit sakin.

" uhuh. "tumango tango pa sya.

" Bat mo pala ako nagustohan? Wala naman kagusto gusto sakin. " totoo naman yon eh pout.

" Wag kang ngumoso dyan, nawawala ako sa focus eh. "agad ko sya hinampas ng mahina sa dibdib na ikinatawa lang nya.

Parang timang lang. Chour kinilig ako don.

" Gusto kita yon ang mahalaga sakin maui, no reason basta gusto kita. " kinuha nito ang kamay ko na nasa hita. Dinala nito iyon sa kanyang labi at hinalikan.

Shit! Yung heart ko. Never pang may humalik sa kamay ko.

" Wag kang ganyan baka masagot kita agad. " pabiro kong sabi sakanya na tinawanan lang ako.

Ang happy nya din eh, laging tumatawa.

" Ang happy mo noh?." tinaasan ko sya ng kilay ng tumingin sya sakin saglit.

Tinawanan lang nya ako. " Syempre ikaw kasama ko kaya happy ako. "kinindatan nya ako at hinalikan ulit ang kamay ko.

Fuck! Signal no. 2 na, oh god wag mo naman agad paabotin sa signal no. 5 masyado pang maaga.

Huminto muna kami dahil biglang nag red yung stop light, di kami nakaabot.

" Maui. "

Agad kong nilingon si ken, at hindi sinasadyang napalapat yung lips ko sa lips nya!.

Bat naman kasi ang lapit nya. Nanlalaki ang mga singkit nyang mata, syempre ganon din yung akin.

Fuck! Sabi sayo lord na wag mo munang paabotin ng signal no. 5 eh.

This is insane. Fuck!

----------------------------------------------

:)

 Can't Forget You (LS#1) Where stories live. Discover now