CHAPTER SIX.

8 2 0
                                    


Chapter six.

Ang akward ng atmosphere dito sa sasakyan, after kasi nung panyayari na yun di na ako makatatingin sakanya ng deretso.

Pero In fairness ang lambot ng lips nya then ang bango din ng hininga nya, amoy close up. Hahahaha.

" Malapit na ba tayo?." i ask him without looking at him. Tumingin nalang ako sa bintana at inenjoy ang tanawin.

Nahihiya parin akong humarap.

" Malapit na." binuksan nito ang bintana na nasa tabi nya. Bat parang ako lang affected sa kiss na yun.

He's so calm Kanina pa. Samantalang ako ito halos maihi. Why so unfair huh?.

Ngayon ko lang napansin na nasa tagaytay kami, nakita ko kasi si taal habang nag da-drive si ken.

Nag drive talaga sya mula manila hanggang dito para sakin. Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang kumabog yon.

Heart kalma.

Huminto kami sa isang Hotel. At sa itsura palang alam mong mamahalin at sosyalin ang pumupunta dito. Buti nalang nag dress ako.

Humawak ako sa shirt ni ken habang naglalakad kami.napatingin sya sakin at inilipat ang kamay ko sa braso nya para don ako kumapit.

" Anong gagawin natin dito? Puro mayayaman lang nagpupunta dito eh." pout.

He chuckle. " we will gonna eat first."

I just nod. May kinausap munang babae saglit si ken pagkatapos ay inihatid na kami ng isang waiter sa table namin.

Ipinaghila muna nya ako ng upuan bago ito umupo sa sariling upuan. What a gentleman.

Binigyan kami ng waiter ng tig isang menu.

" ahm... Italian pasta nalang yung akin saka water." tumango naman si ken at sinabi na naman nya sa waiter ang order namin.

Ipinatong ni ken ang dalawang siko sa lamesa at ipinatong nito ang ulo doon pag katapos ay tumingin sakin ito na parang nang aasar.

Yung tingin nya kasi, laging kumikislap na parang natutuwa sya sa isang bagay.

"Bat ganyan ka makatingin?." tinaasan ko sya ng kilay.

" Pano ba ako tumingin?." nakataas ang sulok ng labi nito na halatang nang aasar. Inirapan ko sya na ikinatawa naman nito ng mahina.

" Tingin na parang kakainin mo ko ng buhay ganon." natatawang sabi ko sakanya. Mas lalong lumiit ang mata nya ng tumawa sya.

" Gusto naman talaga kitang kaninin." seryuso itong nakatingin sakin. Ang bastos!

Agad kong sinipa ang paa nya na nasa ilalim ng lamesa. Tumawa lang ito at talagang natutuwa sa pinag gagawa sakin.

Tumigil lang ito kakatawa ng dumating na ang order namin.

Nag umpisa na kami sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami. May iba pa raw kaming pupuntahan sabi ni ken.

" San ba tayo pupunta?." tanong ko sakanya habang naglalakad kami. " Hindi ba tayo sasakay?." napansin ko kasing nilagpasan lang namin yung sasakyan nya.

" Gusto kong maglakad kasama ka." Nakangiti ito. pero hindi nakatingin sakin.

Napangiti na rin ako. Simple effort pero nakakatouch.

" What if habang nag lalakad tayo, Mag tanongan tayo about life ganon." suggest ko sakanya. " parang getting to know each other ganon. "

Maglalakad lang daw kami papunta sa destination namin. So mas mabuting gawin namin yun para makilala namin ang isa't isa.

" Sure Ikaw na ang mauna. " ipinasok nito ang kamay sa bulsa.

" Sige, Ilan na ex mo?."  unang tanong ko sakanya na ikinatingin nya sakin.

" Tatlo na." seryuso nitong sagot. " my turn,  How many exes do you have?."

Napaisip naman ako. Chour kunwari iniisip ko kung ilan na naging ex ko kahit ni isa wala pa.

Mabait kasi ako.

" Never had." i shrugged my shoulder. Di naman kasi big deal sakin yun.

He just nod. Napatingin ako sa kabilang kamay nya na sumasangi sa kamay ko. Palihim akong napangiti dahil don. Feeling ko nag shoshoot kami ng movie tapos kami yung lead actor and actress.

" What's your favorite color?." sa susunod ko na sya tatanongin ng personal info nya.

Tumingin naman ito sakin na nagugulohan. " Sagotin mo nalang." pout.

He chuckle and he intertwined our hands. " Balck and white."

Itinaas ko ang kamay namin at tiningnan ang paghawak ng kamay nya sa kamay ko. Sakto lang ang kamay nya sa kamay ko. Parang ginawa talaga yun para sakin.

"Nandito na tayo." 

Biglang nag ningning ang mga mata ko ng malaman kung nasaan kami. Yung place kasi sobrang calming ito ang gusto kong atmosphere na lagi kong hinahanap hanap.

" Aakyat tayo dyan?." tanong ko sakanya habang nakatingin sa mataas na pabundok.

" Yep. Mag hihiking tayo." Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ng marahan.

Best date ever to. Mas gusto kung ganito ang date namin kesa sa mamahaling restaurant at mall. Parang ang boring lang kasi pag ganon.

Sabay naming inakyat ang bundok. Sabi nya kanina habang papaakyat kami papunta daw to sa may taal pero pupuntahan lang daw namin yung tuktok nito dahil delikado daw.

Dahan dahan lang ang bawat pag apak ko sa lupa. Medyo maputik kasi at mataas ang damo. At ang nag padagdag pa ng struggled ko ay ang damit ko.

Naka dress ako at off shoulder pa.

" Di mo manlang ako sinabihan na bundok pala ang aakyatin natin." nakasimangot kung saad. "edi sana nakapag pantalon ako."

Excited ako kanina kasi ganto ang gagawin namin. Ngayon hindi na, naiinis ako sa bawat dampi ng damo sa hita ko.

Mukhang napapansin yun ni ken dahil tuwing may dumadampi sa hita ko lagi kung tinatangal ang pag kakahawak ko sakanya para kamotin ang hita ko.

Muntik na akong mapasigaw ng bigla nalang nya akong binuhat. As in pang bridal style na buhat pa ang ginawa nya.

Dahil nahihiya ako itinago ko nalang ang mukha ko sa dibdib nya. Sigurado akong pulang pula ngayon ang mukha ko.

Ibinaba na nya ako ng malapit na kami sa tuktok nito. Hinawakan nya ulit ang kamay ko at sabay na kaming nag lakad.

Habol ko ang sarili kong hininga ng makarating kami sa tuktok non. At lahat ay worth it kasi ang gandaa ng tanawin mula dito sa taas.

Kitang kita yung taal lake dito.

" BEST DATE EVER WOOOO!!!!."

Natatawa naman sakin si ken pag katapos kung sumigaw. Bakit ba gusto ko lang na malaman nyang ito ang best date para sakin.

" Yes. This is the best date ever." bulong nito pagkatapos ay hinawakan nito ang mukha ko at hinalikan ako sa noo.

Just wait ken, just wait.

-------------------------------------
:)





 Can't Forget You (LS#1) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang