CHAPTER FOURTEEN.

4 0 0
                                    


Chapter fourteen.

Fudge, sinong gagawa ng Ganto kay Hell? Para syang ginawang baboy.

Napatingin ako kay Kelly na kakarating lang din nya. Nakasuot pa to ng weird na suit. Naka jumpsuits ito at nakikita ang galit sa mata nya.

Fuck... Ano bang nangyayari.

Buong astra ay nandito, kahit si ksyche kanina ay sumama agad ng malaman nyang si Hell ang na Ospital.

Hinawakan ni ken ang kamay ko ng maramdaman nyang nanginginig ito. Sabi ni ken samin na nakita lang daw nya si Hell ni naka handusay sa daan.

Pupuntahan nya dapat ako, para sabihin na di sya maka reply dahil na lowbat sya. Nasa daan na daw sya nong time na yon ng makita nya si Hell na nakahandusay at dugoan malapit sa Apartment namin.

" TANGINA NYO, SISIGURADOHIN KONG UUBOSIN KO KAYO."

Lahat kami nagulat sa biglang sigaw ni Kelly habang nakatingin ito sa katawan ni Hell na nasa loob ng isang kwarto.ang nag hihiwalay lang samin ay ang salamin na parang bintana.

"Kumalma ka, kelly." mahinang bulong ni ksyche.

Agad naman kumalma si Kelly. Nahkatinginan kaming dalawa na para bang kami lang ang walang alam dito.

Ano nga ba ang nangyayari?.

Sabay sabay kaming tumayo ng dumating na ang doctor ni Hell.

" Kayo ba ang pamilya ni Ms. Triviana?." tanong nito.

" Kami po ang mga Kaibigan ni Hell, Doc." Si ksyche ang sumagot.

Tumikhim muna anf doctor. " She's in coma, walang kasiguradohan ang pag gising nya."

Lahat kami ay nagkatinginan at halatang nagulat don.

Whatt??!!! Coma??!! Fuck Hell.

"Isang linggo nalang Christmas na." malungkot na saad ni caily.

Nandito parin kaming lahat sa labas ng kwarto ni Hell. Umuwi na si Ken, Bigla raw syang nagkaroon ng Emergency.

" Di pa ako sure kung uuwi ako, Busy pa kasi sila mama at papa sa business." nagpangalumbaba ako.

Hays. Being rich is not that fun, akala nila maganda at masaya pag marami kang pera. Kami nila Mama at papa halos minsan lang kami magkita sa isang buwan. Minsan nga di na nagkikita eh.

" Ako rin, Sila Mama rin di daw makakauwi." naging matamlay si phoebe ng sinabi nya yon.

Napatingin ako kay kelly na nakayuko lang sa inuupoan. Sya kaya anong plano nya sa pasko?. Saaming pito sya ang pinaka malihim sa personal nyang buhay.

" Uuwi muna kami Maui at Kelly kayo muna magbantay kay Hell." Seryusong bilin ni ksyche.

Tumango nalang kami bilang sagot. Kaming dalawa nalang ang natira ni Kelly. Asual ganon parin ang position nya. Di kaya mangalay sya?.

Gumalaw lang sya sa kinauupoan ng may tumawag sakanya. Napag desisyonan kong puntahan nalang sa loob si Hell. Para bigyan ng privacy si Kelly sa kausap nya. Mukha kasing seryuso ang pag uusapan nila.

Pwede naman na daw pumasok sa loob, basta nakasuot ng protective suit. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ni Hell. Naiiyak ako sa itsura nya ngayon.

Ang dami nyang basa at mga tubo na nakakabit sa katawan nya. May tama din sya sa ulo, sabi ni Doc pinalo daw yong ulo gamit ang baseball bat.

Hinawakan ko ang kamay nya. " Hell Gising na, please."

" Oh, Sino nagbabantay ngayon kay Hell?." takang tanong ni kisha.

" Pumunta don si zaky, Sabi nya sya na daw muna magbabantay." Walang ganang sagot ni Kelly. Dumeretso na ito sa kwarto nila.

Buti nalang dumating si Zaky kanina para makapag pahinga kami ni kelly. Bukas pa naman ang alis ni Ken.

Pinauna na nya ang family nya sa florida. Doon kasi nila balak mag pasko.

Medyo malungkot kasi ilang linggo din kami di magkikita.

Napatingin ako sa kama ni Hell. Na mimiss ko na agad ang presensya nya dito sa kwarto. Yong pang huhuli nya ng insekto.

Nakatulog ako buong maghapon, nagising ako nong kinatok ako ni Caily. Sabay sabay kaming kumain ng haponan.

" Maui, Sama ka?." Tanong ni caily habang kumakain.

Napahinto naman ako sa pagsubo ko. " Saan ang punta?."

" Kay Hell." Si phoebe ang sumagot sakin.

" Nope, Baka bukas pa ako ng Hapon makabisita sakanya."

Agad naman silang pumayag don, Nabangit ko kasi sakanila nong nakaraan na ihahatid ko sa airport si Ken.

Kaming Tatlo nalang ang Natira dito. Si Kelly, ako, at si Kisha na ewan ko rin bakit nagpaiwan.

Nag scroll at nakipag chat lang ako buong gabi kay Ken.

MAAGA akong gumising, alas onse daw kasi ang flite nya. Buti nalang nagising ako ng alas singko.

Susundoin naman nya ako dito kaya less hassle. Alas sais na nong natapos akong mag ayos ng sarili. Nakipag away pa ako sa tubig dahil ang lamig nya.

Siguro pinasingot nanaman ako ng katol ni Kelly habang natutulog. Nabaliw ako kanina eh.

Nagulat ako kay Ken na nakaupo sa isa sa mga sofa sa sala pagkalabas ko ng kwarto. At nagulat din ako na nandoon si Zaky.

" Don't you Ever dare to touch what's mine Mr. Quin." Seryusong banta ni Ken.

Pinag uusapan nila? Hindi nila ako napansin na lumabas sa kwarto dahil sa sobrang seryuso nila.

Tumawa lang ng mahina si Zaky.

Hinalikan ko sa cheeks si Zaky at sa lips naman si ken. Pareho silang nagulat sa pagsulpot ko kung saan.

" Zaky anong Ginagawa mo dito? Magpahinga kana." Sabi ko sakanya.

" Makita lang kita, Nakapag pahinga na ako." Nakatingin ito sakin habang sinasabi yon.

Naka singot ba ng usok si zaky kanina?

Di na ako nakasagot ng bigla akong hinila ni Ken palabas ng apartment. Problema ng dalawang to?.

" Let's Go, Baka ma traffic pa tayo." Seryusong Seryuso ang mukha ni Ken Habang hinihila ako.

Aga Aga ang iinit ng ulo.

Nakarating kami sa Airport around 8:30 Kumain pa kami Ng breakfast sa Jabi.

Sinamahan ko si Ken na maghintay sa flite nya.

" Wag kang lumalapit masyado sa Zaky na yon." Seryusong banta nito.

" Huh? Bakit?! Magkaibigan lang kami." nakakunot noong paliwanag ko.

Bat ba ang init ng dugo nya kay Zaky?.

" Ahh.... Basta!." umiwas ito ng tingin sakin.

Halatang Halata kana Ken. Nagseselos sya kay Zaky?. Fudge magkaibigan lang kami nong tukmol nayon.

10:30 na. Inanounce na Ang Flite ni Ken. Malungkot akong ngumiti sakanya.

" Don't Be sad, Pag uwi ko May pasalubong ako sayo." ginulo Gulo nito ang buhok ko at niyakap ako ng mahigpit.

Hinalikan nya ako sa Noo at sa Labi bago sya tumatakbong pumunta sa Board.

Nawala ang atensyon ko kay ken ng Biglang mag vibrate ang phone ko.

" Hello. " Agad kong sagot ng makitang si Ksyche yon.

[\ M-a-ui s-i Hell..... Wala N-a. /*

Agad kong nabitawan ang cellphone ko at Halos nabingi ako don.

This is just a dream right?.

___________________________________

Hope you like it:)

 Can't Forget You (LS#1) Where stories live. Discover now