CHAPTER THREE.

16 4 3
                                    


Chapter3.

"Hoy hell mamigay ka naman napaka takaw mo talaga."

"Bakit ako nong nanghingi sayo di mo ko binigyan?."

Nag aaway nanaman silang dalawa, actually kahapon payang dalawang yan eh, kelly and hell lagi nagaaway dahil sa pagkain.

Akala naman nitong dalawang to di sila mayaman.

"Dinaig nyo pa yung spg sa ginagawa nyo." tinignan ko sila ng masama.

Napahinto naman silang dalawa sa pag aaway dahil sa letseng tig pisong chichirya.

" Si hell kasi ayaw mamigay ng kiss nya." nakanguso pa ito habang nakatingin ng masama kay hell.

Napa irap nalang ako sa kawalan, mga isip talaga.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko. "parang ang mahal ng pinag aawayan nyong dalawa."

Pumunta nalang ako sa kusina, pinuntahan ko ang ref at kinuha ang tubig don, pagkatapos ay kumuha ng baso at uminom. Nauhaw ako sa dalawang garapa na yon.

Naglakad nako palabas ng kusina at pumunta sa kwarto namin ni hell, dito na muna ako ayaw ko munang pumunta sa sala dahil sa dalawang yon.

Paniguradong lagot nanaman sila kay ksyche pag naabotan sila.

Nag scroll lang ako sa facebook, nag rereact pag nagustohan ang post. Ang boring talaga pag sabado walang magawa.

Busy ako sa pag sscroll ng may nag pop up na chat.

Ken Takashi: hello there maui.

Tatlong araw na ang lumipas simula ng inihatid nya ako dito sa apartment namin, at ngayon lang sya nag paramdam.

Saka kelan ko sya naging friend dito sa fb?.

Maui Luxea: who u?

Kunwari nakalimutan ko sya para di halatang kwass ko sya, napakalandi mo self.

Ken Takashi:awts nakalimutan mo na ako agad?.

Luhh kunwari nasaktan sya kahit sampo kaming ka chat, char.

Maui Luxea: ilan kami?.

Natawa ako sa sarili ko. Yuff

Ken Takashi:ikaw lang gusto ko don't worry.

Shet!!!!! Yung puso ko tumatalon, mas excited pa yong puso ko kesa sakin eh.

"Oy sino yan? Wagas kung makangiti ah."

Muntik ko ng maibato kay hell yong cellphone ko dahil sa gulat, tsk. Istorbo tong garapa na to sa lablayp ko yawa.

"Nagbabasa ako ng novel gaga." masungit kong sagot sakanya.

"Nagbabasa raw ng novel pero may ken tapos nasa messenger, wag ako daii nako." nakataas ang kilay nya at nakatingin sakin na para bang may ginawa ako.

"Wala lang yon." maikli kong sagot.

Nag shrugged lang sya ng balikat nya at kinuha na nito ang garapon ng gagamba nyang galing paraw ng texas.

Pati gagamba imported.

Napatingin ako sa phone ko, bigla kasing nag vibrate.

Kisha💩: Sabihin mo sa girls bar tayo mamaya.

Kumunot ang noo ko sa text ng garapa na to, anyare bat nag aya to?. Akala ko ba nxt week pa punta namin ng bar.

Nireplyan ko lang sya ng "k", katamad mag type.

Pero sya type ko. Chour.

Lumabas na ako sa kwarto namin para sabihin yon sa girls,paniguradong mag dadala nanaman ako ng mga lasing mamaya.

" BAR DAW US SABI NI KISHA."

Si kelly ang unang tumingin sakin at nag ningning ang mga mata ng gaga. Di naman sya party girl eh slight lang.

"Akala ko ba nxt week pa?." tanong ni ksyche.

Nag shrugged lang ako ng balikat sakanya, maski ako di ko rin alam kung bakit biglang nag aya si kisha, may prob nanaman siguro.

"Ano g kayo?." tanong ko sakanila.

"I'm in"

"oo naman bar yon eh."

"yeah."

"sure."

"Kayo nalang busy ako."

Napatingin kaming lima kay ksyche dahil sa sagot nito.

" Wag kang kj ksyche." masungit na turan ni kelly dito.

Pigil ko ang tawa ko dahil kay kelly, mukha kasi syang tanga pag nag susungit sungitan, namumula yung ilong kakapigil sa tawa.

Alien ata tong si kelly eh.

"Busy talaga ako guys sorry." malungkot na sagot ki ksyche.

"Okay lang, kami nalang ang sasama kay kisha." saad ko.

Nagsi tangoan naman sila sa suggestion ko.

"Alis na tayo bago mag 10 traffic daw sa may edsa eh." si phoebe habang nakatingin sa cellphone.

Sumang ayon naman kaming lahat don. 11 palang naman ng umaga, marami pang time para mag relax.

"Maui sabi ni hell kanina may ka text ka daw pangalan ken." natatawang saad ni caily.

Mautot sana sya dyan.

"Fake news yang si hell, puro gc nga lang ka chat ko eh puro academics pa yung topic." pag sisinungaling ko.

Ayaw ko ngang umamin pag tutulongan ako ng mga garapatang ton eh.

Napatingin ako kay hell na ang sama ng tingin sakin. "Anong fake news kang gaga ka? Halos mapunit nga yung bed sheet mo dahil sa kilig."

Inirapan ko nga sya, napakachismosa talaga nitong si hell, Lahat ng chimis alam nyan, hindi lang sa insekto magaling yan pati rin sa chismisan.

"Gaga ka natatawa ako hindi kinikilig." masungit kong sagot dito.

Sasagot pa sana si hell ng may pumasok sa pinto. Lahat kami napatingin don pati si ksyche na kanina ay nagbabasa.

"Parang ngayon lang bumukas yung pinto kung makatingin kayo sakin para akong alien." natatawang sabi ni kisha.

Yes yuff si kisha yung pumasok.

"Bat u andito diba nasa bahay ka nyo?." tanong sakanya ni phoebe.

"Ayaw ko don puro pagpapakasal nanaman topic." sagot ni kisha.

"Kaya ka nag ayang lumaklak ng alak?." si caily naman ngayon ang nagtanong.

Natatawa ako sa mga pinag gagawa nila, parang may nagawang kasalanan si kisha kung makapag interview tong dalawa.

"Nope, Gusto ko lang mag bonding tayo." sagot ni kisha kay caily.

Aww... What a sweet friend, pero diko sasabihin yan.

"Hoy! Ksyche ano g kana?." tanong ni hell kay ksyche na nagbabasa.

Ibinaba naman nito ang hawak na libro at tumingin samin.

"Count me in." sagot nito.

Sabay sabay naming tinalon si ksyche, tawa kami ng tawa dahil sa itsura ni ksyche para syang pusa na nalamog.

Sabay sabay kaming nag group hug, kahit ang sama ng tingin samin ni ksyche kasi nga nagusot ng kaunti yong libro nya.

" WE ARE ASTRA!!!!." sabay sabay naming sigaw habang naka group hug.

Sila ang pamilya ko,kapatid,kaibigan lahat na. Hindi ko hahayaan na may mawala saming pito.

Cause astra never give in any challenge.

------------------------------
🙂

 Can't Forget You (LS#1) Where stories live. Discover now