CHAPTER TEN...

8 1 2
                                    

Chapter ten.

"Kumusta meeting with the parent ayos ba?."

Napatigil ako sa pag bukas ng kaldero. Tiningnan ko si Hell na nakatingin sa garapon ng catterpillar nya.

Ibinalik ko sa kaldero ang tingin ko. " Ayon sinagot ko na si Ken."

Di ko mapigilan yung ngiti ko ng maalala ko yon. Yucc self ang landi mo.

"WHATTT?????!!!!!!!!!."

Muntik ko ng maihulog ang takip ng kaldero ng sabay sabay silang sumigaw. Teka bat andito na tong lima na to kanina si hell lang nasa kusina ahh.

Tiningnan ko sila isa isa ng masama. Agad naman akong nag taka ng makitang hindi ata libro ang hawak ng ksyche ngayon.

" Himala ksyche Di mo hawak ang libro mo." ibinalik ko na ang tingin ko sa kaldero at nagsandok na ng pagkain.

Umupo ako sa tabi ni hell na ang hawak naman ngayon ay butterfly. Buti nalang butterfly at hindi langaw.

"Kasi itong si ksyche may b------." Agad tinakpan ni ksyche ang bibig ni caily.

Hmm... Smell fishy ulit.

" Ano naman kung di books ang hawak ko? Masama na bang humawak ako ng cellphone?." patabog itong tumayo at umalis ng kusina.

Nagkatinginan kaming lahat at sabay sabay na tumawa.

" Gagiii ngayon ko lang nakitang ganon ka badtrip si ksyche." tumatawang saad ni kelly at may paturo pa sa nilabasang pinto ni ksyche.

" Ano ba kasi yon caily at ayaw ipasabi ni ksyche ahh." Nagtatakang tanong ni phoebe.

" Secret yon ayaw muna daw ipaalam ni ksyche, kaya ko lang naman nalaman kasi bigla ko silang nakita sa rooftop." Natatawang kwento ni caily na may pa action pa.

" Kilala ko kung sino yon." seryusong saad ni kisha na nililinisan nanaman ang kuko.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. Buti nalang nalihis na ang topic at hindi na tungkol sakin.

Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng shorts ko ng bigla itong mag vibrate.

From:Labs❤️

Good Morning, Eat your breakfast na, see you later.

To:Labs❤️

Ikaw din wag kang papa gutom.

" Aba may pa labs na si mareng maui nyo ohh, tawag dyan sanaol."

Agad kong ibinato kay phoebe ang unan na yakap ni caily. Di ko sya natamaan bigla kasing tumakbo papuntang sala.

Lagot ka saking babae ka mamaya.

" Bakit pati yung snoopy ko nadamag ahh."

Nag peace sign ako kay caily." Sorry caily di ko napansin na si snoopy pala yan, akala ko unan lang eh."

Mahal na mahal nyan ang snoopy nyang teddy bear, ang weweird talaga ng kasama ko sa bahay.

It's Monday at may pasok ako ngayon.pumasok na ako sa kwarto namin. Naabotan kong may kausap si hell sa cellphone nito at seryusong seryuso pa ang mukha.

Ngayon ko lang nakitang ganyan ang mukha nya.

" Yes. Sige bukas, don parin, oo dalhin mo yon ng mawala na sya."

Di ko nalang sila pinansin at naligo na ako. Nakatapis lang ako ng twalya ng lumabas. Kami lang naman nandito eh.

Wala na si hell paglabas ko. Medyo nagtaka lang ako sa mga gamit nya sa kama nya. May nakalabas kasi dong isang itim na duffle bag at itim na suit.

May outing ba sila?.

Di ko nalang ulit yon pinansin at naghanap nalang ako ng susuotin ko. Isinuot ko na ang uniform namin na white slack at white shoes at white blouse.

Naglagay lang ako ng konting kulorete at itinali ko ang buhok ko into bun. sa mukha at kinuha ko na ang bag ko. Lumabas na ako pag katapos kong mag ayos.

Palabas na sana ako ng apartment ng mapansin ko si kelly at Hell sa balkonahe na seryusong seryuso sa pinag uusapan. Hindi ko na sana sila papansinin ng di sinasadyang marinig ko ang pinag uusapan nila.

" Hell delikado yang gagawin mo." halata sa boses ni kelly na nagtitimpi syang sigawan si Hell.

" Ayon nalang ang naiisip ko, anong gusto mong gawin ko hayaan ko silang mamatay?."

" Hindi ka Hero Hell isa kang----."

Di ko na natuloy ang pakikinig ng biglang nag vibrate ang cellphone ko sa bag.

From: Labs❤️

Andito na ako.

Lumabas na ako ng apartment at dali daling pumunta sa pinaghihintayan nya sakin. Hinihingal pa ako ng makarating ako doon.

" Bakit ka naman kasi tumakbo, Alam mo ng may asthma ka diba." Kunot noong sermon nito sakin.

Inilalayan nya akong pumasok sa loob ng sasakyan nya. Sya na rin ang nag seat belt sakin. Di naman ako inatake eh. Hiningal lang naman ako.

Pumasok narin ito sa driver seat."  Okay kalang ba? Bakit parang medyo maputla ka?."

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nito. " Wala naman."

Pinaandar na nito ang sasakyan, mamaya malate pa kami kung hindi kami aalis agad.

Ewan ko kung bakit pero parang biglang bumigat yung pamiramdam ko nong marinig ko yung sinabi ni kelly kanina kay hell.

Anong delikado?
Bakit may mamatay?

" Ayos kalang? Kanina ka pa tulala. "

Gulat akong napatingin kay ken na nakatingin sakin. Agad akong tumingin sa bintana ng sasakyan nya. At nandito na nga kami.

Bakit di ko namalayan.

"Huh?! Ayos lang ako, Wag mo kong intindihin."

Bubuksan ko na sana ang pintoan ng bigla yon mag lock. Agad akong tumingin sakanya at halos mahulog ako sa upuan ko ng bigla nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"Anong problema?." seryusong tanong nito. "Boyfriend mo ko maui pwede kang magsabi sakin, kanina ko pa nahahalata na wala ka sasarili."

Pinag dikit ko ang dalawang nanlalamig kong kamay. " Hindi ko rin alam, bigla nalang kasing bumigat yong pakiramdam ko."

Inalis nito ang sariling seat belt at hinila ako papalapit sakanya." Walang mangyayaring masama. "

Napapikit ako ng halikan nya ako sa noo sa ilong at sa labi.

" Wag ka ng mag isip ng kung ano ano, okay?. " malumanay ang boses nito.

Tumango ako bilang sagot. " I hope so ken."

Inihatid na nya muna ako sa room ko bago sya pumunta sa sariling classroom.

" See you later." hinalikan ulit nya ang noo ko bago ito umalis.

Pabagsak akong umupo sa tabi ni luna.

"Nabalitaan mo na ba?."

Kinunotan ko naman sya ng noo para sabihing di ko alam.

" sila lexi, pinopormahan daw yong bebe mo."

" ginigigil talaga ako ng babaeng yan!!!."

-----------------------------------------
:)





 Can't Forget You (LS#1) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang