CHAPTER TWELVE.

3 0 0
                                    


Chapter twelve.

" Saan kayo mag papasko?."

Napalingon ako kay ken na umiinom ng beer na nasa can.

" Maybe in Australia, sila grandma kasi gusto kaming makita, ikaw?."

Napainom din ako sa beer in can na hawak ko at huminga ng malalim. Tumingin ako sa kalangitan na puno ng mga bituin. Ang ganda.

" ako?."

Tumango ito.

" Actually ewan ko eh, sila mama walang balak, medyo busy din kasi sila sa businesses nila." tinitigan ko ang hawak na beer na parang nandoon ang sagot.

" So it's just me na mag aout of town?." he chuckled na parang natuwa talaga sya.

Minsan baliw din tong si ken eh, ewan ko kung bakit ko to sinagot.

" Siguro, basta ah.. Pasalubong ko." tumawa ako sa naging itsura nya.

Para syang natatae na ewan.

"Let's sleep na, Maaga pa ang balik natin bukas."

Hinawakan nya ang kamay ko at marahan nya akong hinila papasok sa loob ng vila.

Hinalikan nya muna ako sa noo at sa labi bago sya pumasok sa sarili nyang kwarto.

" Hoy! Gaga saan ka nanaman galing at di ka umuwi kagabi ahh."

Okay. Yan nanaman si Hell sa sermon nya. Diko  nalang sya pinansin. Binati ko lang si zaky na nasa sala at nagkakape.

Anong ginagawa ng lalaking to sa apartment ng ganto kaaga.

Umupo ako sa tabi ni zaky." Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?. "

Napatigil ito sa pag inom ng kape, inilapag nya muna ito sa center table na nasa harapan nya.

" Bakit masama bang dalawin kayo ah?." he arched hes brow.

Inirapan ko lang sya at pumunta na sa kusina. Minsan talaga naiisip ko na ako lang ang matino dito sa lugar na to.

Saka bakit parang ang tahimik ata ng apartment, saan nanaman kaya nag susuot yong mga babaeng yon

Binuksan ko ang ref, kumuha ako ng isang bottled water. Pag harap ko ay halos mahulog ang panga ko sa nakita ko.

" Anong ginagawa mo dito?."

Inilapag ko ang tubig kong hawak sa lamesa at nilapitan si ken. Umupo ako sa tabi nya.

Mukha syang badtrip, buti nalang pinapasok sya ni Hell ng hindi hinahampas  ng walis tambo.

" Tsk.." ginulo nito ang buhok at ipinatong nito ang ulo sa balikat ko.

Hinawakan ko naman ang likod nya at hinimas himas yon para kumalma sya.

" Anong nangyari ba?." mahina kong bulong.

Inayos muna nito ang sarili at tumingin sakin na parang inaway sya ng kung sino sa labas.

" Surprise sana kita ngayon na pupuntahan kita dito, kaso sino yong lalaki kanina sa labas nyo?."

Huh? Si zaky ba tinutukoy nya?.

" Si zaky ba? Bakit anong ginawa nya sayo?."

Nakakunot kong tanong sakanya.

" Ewan ko kung sya bayon, Bigla nalang nya ako binungo sa balikat ang sakit kaya." Hinawakan niya ang balikat na parang masakit talaga." Buti nalang di ko sya pinatolan eh."

Hinila ko sya patayo, agad naman itong sumunod sakin. Pumunta kami sa kwarto namin. Pinaupo ko sya sa kama ko, umupo naman ako sa kama ni Hell.bali mag ka harap kaming dalawa.

" Bakit ba andito ka ah? Magkasama palang tayo kanina. "

Mahina akong tumawa ng ngumoso ito.

" Eh, Sa na miss kita ehh."

Hinila nya ako palapit sakanya at niyakap ako. Napangiti nalang ako at niyakap ko rin sya pabalik. Nag papalambing ang baby damolag.

" Yong dyan mag papaskong may jowa, sanaol."

Binelatan ko lang si kelly na inirapan ako. Bitter ang gaga.

" Maui, Si zaky?." Takang tanong ni ksyche.

Napatigil naman ako sa pagsubo ng ice cream na hawak ko ngayon.

" Huh? Ewan ko bakit anong meron?. " takang tanong ko rin sakanila.

Lahat sila napatigil sa ginagawa at napatingin sakin at sabay sabay na napailing. Amp. Mga baliw.

" Hindi mo alam?." nakakunot noong tanong ni kisha habang nag nanail cutter ng kuko.

Umiling ako sakanya ng syang ikinatigil nito sa ginagawa.

" Diba niyaya ka nyang - - - - - - - -." 

Napatigil sa pagsasalita si kisha ng takpan ni Hell yong bibig nya.

At ayon ng rambolan nanaman ang dalawa. Mga sira ulo amp. Pumasok nalang ako sa kwarto namin at doon nalang itinuloy ang pag kain ng ice cream.

" Sama ka Meteor Bar?." tanong ni Hell na kakapasok lang.

Napatingin ako sa orasan. 8:30 pm.

" Sige."

Tinext ko muna si Ken na mag Babar kami. After kong maligo ay tapos na si Hell sa pag aayos nya sa sarili nya. Naka suot sya ng high-waisted leather short at off shoulder croptop na black. Pinarisan nya yon ng angkle boots. Over all naka black sya.

Sinuot ko nalang ang palda ko na hanggang tuhod na may linings na black at white croptop sando. Nag lugay nalang ako nag lagay ng minimal make up pinarisan ko yon ng angkle boots din na black.

Sabay kaming lumabas ni Hell at mukhang sabay sabay kaming natapos dahil sabay sabay kaming lumabas ng mga kwarto namin.

Dahil Marami kami at hindi kasya sa sasakyan na pag desisyonan nalang namin na mag convoy papunta don. Sumakay nalang ako sa motor ni Hell.

Feeling ko kasi masaya ngayong mag motor. Kumapit muna ako sa bewang ni Hell bago nya yon pinaandar.

Buti nalang nakapag pa reserve ng table si Kisha kaya di na kami nahirapan mag hanap ng table. Marami kasing tao ngayon dito dahil Christmas break na.

" Dance Floor muna kami ahh." paalam ni Kelly at hinila si Hell papunta sa dance floor.

Lima nalang kaming natira. Nag order lang sila ng Beer dahil ayaw daw ni ksyche mag uwi ng mga lasing.

" Diba si Ken yon, maui." Turo ni ksyche na nasa tabi ko napala.

Sinundan ko kung saan sya nakaturo. Nanglaki ang mata mo ng makitang si Ken nga yon. Teka di naman sya nag sabi na pupunta sya dito saka di ko rin sinabi na dito kami mag babar.

Tiningnan ko ang cellphone ko kong may reply sya. Pero wala.

Nagkakatuwaan silang mag babarkada. Ngumingiti lang sya ng tipid pag nag jojoke ang kaibigan nya.

Tatawagin ko sana sya ng biglan umupo sa Hita nya si Lexi. Ay pota kang babae ka. Makati ka talagang gaga ka ahh.

Pupuntahan ko sana sila ng pinigilan ako ni ksyche. Tinasaan ko sya ng kilay. Inilingan nya lang ako.

Ng ibinalik ko ang tingin sakanila halos manghina ako ng halikan sya ni Lexi sa lips halatang nagulat din si Ken don.

Dahil di ko na kinaya ang nakikita ko. Tumakbo nalang ako palabas. Hindi ko pinansin sila ksyche na tinawag ako.

Potangina nila.

________________________________________

:)


 Can't Forget You (LS#1) Where stories live. Discover now