CHAPTER 6 (UNEDITED)

3 0 0
                                    

VINCENT'S POV

Kasalukuyan kaming kumakain ni Mitch sa canteen dito sa loob din ng building. Ay ako lang pala. Busy kasi sa pagmumukmok itong isa.

"Sayang naman 'yan, Mitch. Hindi ka na lang sana bumili kung hindi mo rin kakainin." sabi ko habang nakatingin sa menudo at rice na nasa plato niya na nilalamog niya gamit ang kutsara.

"Eh 'di sa 'yo na lang. Hmp!" pataray nitong sagot saka binitawan ang kutsara saka inilapit sa 'kin ang plato niya.

"Ayoko nga. Pinagbuntunan mo na ng sama ng loob 'yan eh. Mamaya niyan sa 'kin pa mapunta 'yang kaartehan mo." sagot ko saka iniurong pabalik sa kaniya ang plato niya.

"Arte mo naman." sabi niya saka umirap.

Aba. Ang taray ah.

"Porke't hindi ka lang masisipot ni Archie sa monthsary niyo, para ka nang hiniwalayan d'yan. Nakita mo nang may urgent business trip yung tao that day. Gusto mo bang matanggal 'yon sa trabaho?"

Architect nga pala si Archie. (Oh 'di ba magka-rhyme? Joke)
At medyo may kalayuan ang lugar kung nasaan ang project nila ngayon. Next  week na pupunta si Archie doon sa site para mag-check ng project nila. 1 week mawawala si Archie  at nasaktuhan naman na monthsary nila ni Mitch ay within that week din. Kaya todo arte 'tong babae dahil first time nangyari ang ganito.

"Eehh! Hindi naman sa gano'n! S'yempre alam mo namang hindi ako sanay na hindi kami magkasama sa monthsary eh. Naiintindihan ko naman pero hindi ko pa rin maiwasang magtampo." nakabusangot na sagot niya.

"Oo na. Basta huwag kang umarte ng gan'yan sa harap ni Archie bago umalis yung tao, baka madisgrasya pa 'yon sa site kakaisip kung pa'no ka susuyuin. Sige ka, baka forever na kayong walang monthsary." sabi ko saka isinubo ang huling subo ng lunch ko na adobo with rice.

"Vince naman eh! Huwag ka ngang magsalita ng gan'yan! Ang nega mo talaga eh!" nag-iinarteng sabi niya saka ako hinampas-hampas sa braso.

"Aray! Oo na! Sinasabihan lang naman kita. Ilugar mo 'yang pag-iinarte mo." umiiwas na sagot ko habang hinihimas ko ang braso kong hinampas niya.

Kahit kailan talaga mapanakit eh.

"Sus! Akala mo naman may jowa kung makapag-advice. Charot!" asar niya saka tumawa.

Napairap naman ako. Mang-asar daw ba.

"Speaking of jowa. Here comes your future jowas. With s kasi you have two options. Yiee ganda ni bakla, akala mo babae manamit!" parang tangang asar nito sa 'kin at dinutdot pa ang tagiliran ko.

Kumunot naman ang noo ko.

"Anong pinagsasabi mo? Sabi ko kasi sa 'yo kainin mo 'yang lunch mo eh. Napasukan ka ata ng hangin." natatawang sabi ko.

"Tungek! Tumingin ka kasi sa harap!" sabi niya saka iginalaw ang mukha ko paharap sa direksyong sinasabi niya.

Nakita ko si Sir Aldrin na papalapit at kumakaway, kasunod si Sir Alonzo na nakapamulsa. Anong ginagawa ng dalawang 'to dito sa employees' canteen?

"Hey, Vince! Long time no see!" bati sa 'kin ni Sir Aldrin habang nakangiti.

Ramdam ko ang titig ng mga tao sa 'min. Nakakailang.

Para namang kinikiliti itong katabi ko na panay ang hampas sa 'kin.

"Ah. Sir Aldrin. Long time no see po." ganting bati ko saka ngumiti ng bahagya.

"Good day Sir Alonzo, Sir Aldrin!" bati ni Mitch sa kanilang dalawa.

Aba at nakiki-Sir Aldrin ah.

THE DAY I MET YOUWhere stories live. Discover now