CHAPTER 1

23 2 2
                                    

VINCENT'S POV

"Good morning everyone. I would like you to meet Mr. Alonzo. He came from the headquarters and he will be our new Executive Director. Let us all welcome him." anunsyo ni Mr. Santiago sa amin.

We all clapped our hands, welcoming the guy in front of us. He has this aura as if he's telling us not to get close to him.

"Thank you for welcoming me. I am Kenji Alonzo. I hope to work well with all of you." he said with his serious face.

We once again clapped our hands and that ends it. We all went to continue with our work.

"Ang gwapo naman niya, sis! Mukhang yummy!"

"Oo nga, sis! Akala ko nga matanda na yung ipapalit nila kay Ma'am Sheryl eh. Buti na lang young and fresh. Nakakagana tuloy mag-work."

Rinig kong kinikilig na bulungan ng office mates ko.

Ha! Mga feelingera! As if namang papatulan sila ni Sir Alonzo. Eh mukha ngang aloof eh.

Napailing na lang ako at bumalik sa ginagawa ko.

- - -

Break time na. Nakaupo ako dito sa office' canteen. Kumakain ng lunch mag-isa. Absent kasi ang kaisa-isang friend ko rito na si Mitch. Masama raw ang pakiramdam.

Sus! Alam ko namang nag-overnight lang 'yon sa condo ng boyfriend niya at tinanghali ng gising kaya hindi nakapasok. Bruhang 'yon, masyadong clingy sa boyfriend tapos iiyak-iyak kapag iniwan. Hmp!

Inubos ko na lang kaagad ang lunch ko at nagsimula na akong maglakad papunta sa elevator. Nasa 1st floor kasi ang canteen at nasa 5th floor naman ang desk ko. 12 floors ang meron sa building ng pinapasukan kong clothing company.

Papasok na sana ako pero napahinto ako nang may makabunggo ako na papasok rin sana sa elevator.

"Sorry." we said in unison.

Napatingin ako. Si Sir Alonzo pala. Sa dami nang makakasabay ko, eto talagang boss ko?

"No, its okay." we said again in unison.

"Uh. You go first, Sir." I politely said.

"Okay. Thanks." he replied then he entered the elevator.

I followed behind him. Then I pressed the number 5 on the wall.

I looked at him. He looked back at me with a confused look.

"What?" he asked.

He has this frowned yet confused face.

"Uhm. What floor, Sir?" I shyly asked.

"Oh! 12th floor, please."

12th? Sa 11th floor ang office ng Executive Director 'di ba?

"Ah. Okay, Sir." I replied then pressed the number 11 button.

Silence . . .

*ting*

The elevator's door opened and I stepped out without looking back. And before I hear the elevator's door closed, I heard Sir Alonzo's voice.

"Thanks, Vincent."

Napalingon ako pero sakto namang pagsara ng pinto ng elevator.

Nag-thank you ba siya? Nabingi ata ako? And how did he know my name?

Hindi ko na lang 'yon pinansin at bumalik na ako sa upuan ko at ipinagpatuloy ang nahintong trabaho ko.

4:45PM

15 minutes before the office hour's over. Patapos na ako sa ginagawa kong paperworks pero kulang ang 15 minutes. Mag-oovertime na lang siguro ako para hindi ako matambakan kapag ipinagpabukas ko pa 'to. Wala naman si Mitch. Siya lang naman ang laging nagmamadaling hilahin ako pauwi dahil naghihintay raw ang boyfriend niya sa labas ng office.

Hello? Ako ba ang hinihintay? Nasa akin ba ang kotse? Ilang beses ko na sinasabing mauna na lang sila pero ayaw niya raw akong iwan sa office kasi nakakalungkot daw mag-isa. Palibhasa hindi sanay nang walang boyfriend si gaga.

7:10PM

Napamura ako nang makita ko kung anong oras na. Sabi ko tatapusin ko lang 'tong ginagawa ko pero nasobrahan na naman ako sa overtime. Hays ganito ba kapag walang naghihintay? Hindi namamalayan ang oras?

Nagsimula na akong maglipit at maghanda para umuwi. Hindi ko namalayan na tapos na pala yung ginagawa ko at ibang trabaho na pala yung tinatapos ko.

'Siraulo ka talaga, Vincent. Nalipasan ka na naman ng gutom.' Sermon ko sa sarili ko.

Nasa harap na ako ng elevator at hinihintay na lang itong bumukas.

Nang bumukas ito ay napatigil ako. Si Sir Alonzo lang naman ang nasa loob. Busy sa phone. Maya-maya'y napaangat ito ng tingin. Natagalan kasi akong pumasok.

"Overtime?" he asked.

"Yes, Sir Alonzo." I replied then I walked inside

"Hmm. Good job." he said.

"Thank you. You too, Sir." I replied.

I pressed the number 1 button.

*ting*

As soon as the elevator opened, I got off then started walking towards the exit of the building. Behind me is Sir Alonzo, checking his phone. Which maid me remember that I forgot to book a Grab taxi, so I also took my phone out to do so.

*beep*

Tumingala ako. Isang black car ang huminto sa harap namin ni Sir Alonzo nang makalabas kami sa building. Agad naman siyang lumapit doon.

'Sana all may driver.'

"Good night, Vincent. Be careful on your way home" he said then he got inside of his car.

Nakatulala ako nang makarinig ako ng busina. Eto na pala yung Grab. Agad naman akong sumakay at nag-seatbelt.

Anong trip ni Sir? Quota na siya sa pagtawag sa pangalan ko ha. First day pa lang namin nag-meet pero naka first name basis na agad siya. Close kami? At may pa 'Be careful' pa ha. Nakakaloka.

THE DAY I MET YOUWhere stories live. Discover now