CHAPTER 2

16 2 5
                                    

VINCENT'S POV

1 week had passed. Hindi ko naman na nakakasabay o nakakasalubong si Sir Alonzo. Actually, hindi ko talaga napapansin dahil sobrang busy lahat ng tao ngayon.

May event kasi four days from now at may isang nagkamali sa purchase order ng supplies ng mga damit na ibebenta sa event na 'yon, kaya nagagahol kaming lahat na ayusin ang problema.

Dahil sa isang pagkakamali lang, lahat ng pinaghirapan namin for the past few months para sa event na 'to ay muntik pang masira. Lalo ngayon na isang sikat na celebrity from other country ang magiging model at main attraction ng event. Kaya sobrang pressure talaga ang nararamdaman naming lahat ngayon.

"Mr. Cerba?" tawag sa 'kin ni Mr. Reyes. Department manager namin.

"Yes, Sir?"

"Pakiayos naman nitong file 209. This is urgent, I need it before 8AM tomorrow. Ms. Avila still has things to do so, can you do me a favor?" pakiusap nit.

Bakas dito ang pagod at maiitim na eyebags. Marahil sa puyat dahil nga sa nangyari.

"Of course, Sir. Ako na po ang bahala." nakangiting sagot ko rito.

"Thank you so much. You're a life saver!" natutuwang sabi ni Sir saka iniabot sa 'kin ang file at dali-daling umalis. Mukhang busy talaga siya.

Napabuntong hininga naman ako. Nakakatuwa naman itong pa-birthday sa 'kin.

"Pst! Vince!" tawag sa 'kin ni Mitch na nasa katabi kong desk. Nakasilip siya sa gilid ko.

"What?" tanong ko habang tinitingnan ko ang file 209

"Do you have time after work? Let's hang out. It's your birthday today. We should celebrate." suggestion niya.

Hinarap ko naman siya.

"Mitch, I don't think this is the right time to do that. Alam mo namang may problema pa tayo rito at urgent pa. Maybe after the event." sagot ko saka ako bumalik sa ginagawa ko.

"Ehhh- Ano ba 'yan! Nakakainis kasi si Sheena, bakit ngayon pa siya nagkamali." nakangusong reklamo niya pa.

"Huwag mo nang sisihin. May problema na nga sa pamilya yung tao. Hindi talaga maiiwasan na magkamali siya."

"Hays oo na. Pero promise ha! After the event magpa-party tayo, okay? S'yempre with my beloved boyfie. Hihi!"

"Oo na. Lagi namang nakabuntot sa 'yo yung boyfriend mo. Kulang na lang isama mo rin dito eh."

"Heh! Palibhasa wala kang lovelife eh." asar niya sa 'kin.

Tumawa lang ako at hindi na siya pinansin.

6:56PM

"Huy! Vince! Ano, walang plano umuwi?" si Mitch.

"Wait lang. Tapusin ko lang 'to. Baka tanghaliin ako ng gising bukas, eh urgent 'to. By 8AM dapat tapos na 'to." sagot ko habang nagta-type sa computer.

"Eh nasa labas na si Archie eh."

"Okay. You go ahead. I'm fine."

"You know that I don't like living you alone here, right? Come on, Vince! Uwi na tayo." she said pleading me, clinging to my arms.

Tumigil ako sa pagta-type saka ko siya hinarap.

"Michele Ayala, I already told you that I need to finish this first so you go home first and rest. Okay?" I said stopping myself from getting annoyed.

I know she's just concern. Lalo't ako na lang ang matitira sa floor namin kapag iniwan niya ako. Pero sometimes, I feel like she's treating me like a kid. Kahit gay ako, lalaki pa rin ako at kaya ko na ang sarili ko. Ayoko rin naman na laging nakakaistorbo sa bonding nila ni Archie.

THE DAY I MET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon