CHAPTER 5

5 0 0
                                    

VINCENT'S POV

Nang magising ako kinabukasan ay wala na sa kama si Sir Alonzo. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras.

6:58AM!!

SHIT!

Agad akong napabangon at didiretso na sana sa CR na katabi lang ng kusina pero napahinto ako nang makarinig ako ng tila hinahalong pagkain.

Nang lumingon ako ay nakita ko si Sir Alonzo na nagluluto? Suot pa rin nito ang damit ko.

"G-good morning, Sir. Andito pa ho pala kayo. Hindi na kayo dapat nag-abalang magluto." bati ko rito saka dahan-dahang lumapit. Nagsasangag siya.

"Good morning. Okay lang. Medyo nagutom kasi ako pagkagising ko kaya hiniram ko muna 'tong kitchen at ingredients mo. Sorry. I'll pay for it, don't worry." sagot nito habang abala pa rin.

Himala at walang kunot sa mukha niya. Mukhang relax. Hindi na siguro badtrip sa mukha ko.

"It's fine, Sir. You don't have to pay for it. Tulungan ko po kayo Sir?" tanong ko.

"No. Mukhang maliligo ka na. Go ahead. Pagkatapos mo, sabay na tayong mag-breakfast." tanggi nito saka bahagyang ngumiti.

Half-smile mo lang Sir busog na 'ko. Charot!

"Sige po, Sir. Thank you." sagot ko na lang saka na pumasok sa CR.

Binilisan ko lang ang pagligo dahil male-late na ako sa work at nakakahiyang paghintayin si Sir Alonzo.

"Are you done? Come on, join me." alok nito saka inilapag ang hawak nitong dalawang tasa ng kape.

Umupo naman ako sa katapat na upuan. Dito lang din sa kitchen ang dining area ko. 1LDK lang itong apartment kaya may kaliitan para sa hindi sanay sa maliit na tirahan.

May plato at kubyertos na rin na nakahanda para sa 'kin.

Ang asikaso naman nito masyado. Mukha ba akong bata? Isa pa, parang siya ang nakatira dito at ako ang bisita.

Lalagyan niya na sana ang plato ko ng sinangag pero pinigilan ko siya at hinawakan ang kamay- -este ang lagayan.

"Ako na po Sir. Nakakahiya namang pinagsisilbihan niyo ako lalo't boss ko kayo at kayo ang bisita." sabi ko.

Agad niya namang akong hinayaan kumuha ng pagkain ko.

"Sorry. It's just my way of apologizing for the trouble I've caused you last night." sagot niya.

"Okay lang 'yon, Sir. Kahit sino naman siguro tutulong kung may nangangailangan." sagot ko habang tumutusok ng hotdog.

"I don't think so." sagot niya.

Napatingala ako at nakita kong nag-umpisa na siyang kumain kaya kumain na lang din ako.

May bad experience ba 'to?

"Siya nga pala, can you tell me your address? Ipapadala ko sana yung suit ko, mukhang wala na akong time para umuwi." tanong nito.

Uminom muna ako ng kape saka nilunok ang nginunguya ko bago sumagot.

"Sige Sir. Pwedeng i-type ko na lang sa phone mo Sir para mabilis?" tanong ko.

Natigilan siya.

"Ugh shit! I forgot na lowbatt ang phone ko!" sabi nito.

"Ay gano'n. Eh pa'no po 'yan?" tanong ko.

"Eh 'di I have no choice kundi umuwi." sagot niya saka naiiling na bumalik sa pagkain.

"Hala! Nakalimutan ko pong labhan yung sinuot niyo kagabi and may ano po 'yon eh, dumi." natatarantang sagot ko.

"It's fine. You actually don't have to wash it. Magpapa-late na lang siguro ako."

THE DAY I MET YOUWhere stories live. Discover now