CHAPTER 4

4 0 0
                                    

VINCENT'S POV

Day off ko ngayon pero imbis na magpahinga, heto ako at naggagayak umalis.

Paano ba naman, ang agang nangbulahaw ni Mitch. Katok nang katok kanina sa pinto. Nag-aaya na mag-date. May pupuntahan daw sila ni Archie sa Taytay, Rizal. Hindi ako sigurado. Yung may wind mill daw.

Sinabi ko nang ayoko dahil magiging third wheel na naman ako at makaka-istorbo sa kanila pero ang kulit ng bruha. Si Archie pa raw ang nag-suggest na isama ako. Dapat raw kapag day off ay mag-unwind ako hindi yung puro tulog lang. Kaya eto, napilitan na naman akong pumayag.

*knock* *knock*

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa 'kin si Mitch na nakasuot ng leggings, rubber shoes, at jacket.

"Are you done, Vince?" tanong nito sa 'kin.

"Almost. Inaayos ko lang ang dadalhin ko." sagot ko.

Tiningnan ko ulit ang suot niya. Tinaasan naman ako nito ng kilay.

"Ahm. What's with the leggings? Hindi ba may kalamigan do'n? You should wear a pants instead." dagdag ko.

"You have a point. Actually, 'yan nga yung kanina ko pang iniisip eh. Sige, magpapalit muna ako. Bayiiieeee!" sagot niya saka ito bumalik sa apartment niya.

Napailing na lang ako at saka itinuloy ang ginagawa.

- - - -

After 1hour of drive, we arrived at our destination.

Pagkababa pa lang ng kotse ay naramdaman ko kaagad ang lamig ng hangin. Napayakap ako sa sarili ko. Buti na lang ay medyo makapal ang naisuot kong jacket.

"Ano, baks? Ang sarap sa feeling 'no?" tanong ni Mitch na nakayakap sa boyfriend niya.

Napairap ako.

Respeto sa single oh!

"Oo sana. Kaso panira kayo ng view. Dun nga kayo sa malayo. Naiinsulto ako."

"Ay ang sama! Oh well, wala kasing yayakap sa 'yo eh. Hahaha!" asar sa 'kin nito.

"Babe, huwag mo namang asarin si Vince. Kita mo nang walang boyfriend eh." gatong pa ni Archie.

"Alam niyo, maghihiwalay kayong dalawa kapag binato ko kayo ng sapatos ko. Dun nga kayo! Shoo!" inis na taboy ko sa kanila.

Tumatawa naman silang umalis.

Bwisit. Ulit-ulitin bang wala akong boyfriend.

Naglakad-lakad ako hanggang sa napansin kong masyado na akong napalayo. Pero mas maganda ang view dito. Puro green ang nakikita ko. Samahan pa ng masarap na simoy ng hangin. Kung pwede lang humilata at matulog dito, siguradong kanina pa ako nahihimbing.

- - -

After 45 minutes ay nag-decide kaming kumain. Libre ni Archie. Sila nag-aya eh. Bahala sila gumastos. Haha

"So, uuwi na tayo after this?" tanong ko saka isinubo ang fries na hawak ko.

"Hmm. Parang ang aga pa masyado. 5pm pa lang. Maybe we should go to a bar after this. Shot lang tayo." suggestion ni Mitch.

"Good idea. It's been a week na rin noong huling inom ko." pagsang-ayon ni Archie.

"Naalala niyo naman sigurong may pasok tayo tomorrow, right?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

"Yup. Of course. Shot lang naman eh. Like one to two buckets. It's been a while Vince! Isa pa, me and Archie actually planned this to celebrate your birthday kasi nga hindi tayo nakapag-celebrate that day dahil sa problema sa event."

THE DAY I MET YOUWhere stories live. Discover now