Chapter 6

200 8 5
                                    

Daytime Firefly

Chapter 6

Mei Santiago POV

Mahigit dalawang linggo na ang lumipas nang lumipat ako dito sa Maynila. At sa dalawang linggo na ito ramdam ko na ang pagbabago ng buong buhay ko. Pakiramdam ko sobrang dami na ng nangyari.

Inaantok akong bumaba papunta sa dining room para kumain na ng umagahan. “Good morning…” inaantok kong sabi habang kinukusot yung mata ko.

“Oh, good morning, kumain ka na. May ipapakita nga pala ako sayo.” Masaya niyang sabi habang may kunukuha sa sala.

“Hm? Ano yun?”

“TA-DAAAAAAAA!!! Yung bagong uniform mo~” sabi niya habang hawak-hawak yung uniform. “Ang cute diba? Tamang-tama lang kasi Monday ngayon.”

Nagulat ako.

Eto ang unang beses na magsusuot ako ng uniform na hindi long sleeve!! Naeexcite kong sabi sa isip ko habang tinitingnan yung uniform ko. Ang bagong uniform ko ngayon ay normal na uniform na hindi mahaba ang sleeves at medyo maikli ang palda kumpara sa dati kong uniform. Ang kulay ng medyas ko ay itim na medyo loose.

Bagay kaya sa akin? Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad papasok ng school.

“Good morning, dumating na pala yung uniform mo.” Sabi nung babae na may maikling, kulay brown na buhok.

“Ang cute ng uniform natin diba?” dagdag pa nung isang babae na may kulay itim at kulot na buhok.

“Huh? Ah, oo.”      

Hm, sa tingin ko sila sina…

“Good morning, Lucy, Mary.” Sabi ko pagkatapos matagal na inisip ang pangalan nila.

“Sige, kita na lang tayo sa classroom.” Naglakad na sila papalayo.

Sa susunod, susubukan kong ako ang unang kakausap sa kanila. Tiningnan ko silang maglakad papapasok ng school building.

Kahit kaunti lang, paunti-unti ng nagbabago ang mga bagay.

“Yuck! Ano yan? Ang pangit mo.” Deretsong sabi nito. Kahit hindi ko nakikita yung taong nagsasalita kilala ko na kaagad kung sino ito. Si Emily.

“Ah, Emi, good morn―” humarap ako sa kanya para batiin siya kaso hindi ko ito natuloy ng magsalita ulit siya.

“Pwede bang huwag mo ako kausapin ng ganyan yung itsura mo?” mataray at maarte nitong sabi. “Baka isipin ng iba, i’m also lame like you.”

“….”

Pero hindi ba ikaw ang unang kumausap sa akin? Pangangatwiran ko sa isip ko.

“Ahhh nakakinis ka talaga!” sabi niya habang naglalakad papalayo.

Marami na talagang nagbabago sa buhay ko, halimbawa na lang…

Napansin ko si Adrian na naglalakad papasok ng school.

“ADRIAN! GOOD MORNIIIING.” Malakas kong sabi habang kinakawayan siya. Napahinto si Emily sa paglalakad.

“…….” Hindi ako singaot ni Adrian kundi tiningnan lang ng masama. Dinedma niya ako at naglakad na ulit.

Etong lalaking ito… nakaramdam ako ng inis.

“Oi, ikaw! Kung magtatawag ka diyan gawin mo kapag ready na ako.” Inis na sabi ni Emily sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil naiinis pa rin ako kay Adrian.

Daytime Firefly (completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant