Chapter 31

48 2 0
                                    

Daytime Firefly

Chapter 31

Mei Santiago POV

"Sir. okay lang ba kung kanibukasan nun i-celbrate natin yung birthday mo?"

"Sure. But in one condition. Gusto ko tayong dalawa lang."

"O-okay po..."

"Then I'll be looking forward to it."

~*~

December 11...hindi na ako makapagintay.

At tulad ng naisip ko, mabilis na lumipas ang araw at hindi ko namalayan December na pala. Isang linggo na lang birthday na ni Sir.

Hay, ano kayang regalo ang magpapasaya sa kanya? Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad ngayon sa Hallway at papunta na sa classroom.

"Mei~ pupunta nagbabalak kaming pumunta sa mall this weekend, sama ka?" tanong ni Lucy habang nakangiti at nakamewang.

"Mall?"

Siguro marami akong makikitang pang regalo doon na medyo mura-mura. Saka wala din naman akong gagawin sa weekend eh.

"Sige, sasama ako."

"Yey! Bile sabihin na natin kayna Mary at Emi na sasama ka." Tumakbo na kami papunta sa classroom habang hila-hila ako. Pagkadating namin dun agad na sinabi ni Lucy sa kanila na sasama ako.

"Mabuti naman. Ilang araw ka na din kasing hindi nasama sa amin eh." binigyan ko si Mary ng isang ngiti. Tulad ng sabi niya ilang beses na akong hindi nakasama kapag mamasyal sila kasi busy ako sa pag-aaral.

Napansin ko si Emily na nagbabasa ng magazine. Tumabi ako sa kanya at nakibasa din.

"Emi...paano ba magkakapera ng mablis?"

"Huh, why are you asking me that?"

"Wala lang...basta sagutin mo na lang ako."

"Gaano ka ba ka-desperadong magka pera? Well not that I care. If you want to earn money then you have to work for it. Bakit hindi ka mag part-time?"

"Part-time?"

Pagkauwi ko, agad kong tinanong si Tito kung tumatanggap siya ng part-time job sa café niya.

"Part-time? Nakakagulat naman, first time mong magtanong ng ganyan."

"Sorry, may kailangan kasi akong bilin eh."

"Okay lang, okay lang. Masaya din namang magkaroon ng babae sa café. Tamang-tama pupunta na ako dun, maghanda ka na."

Mabuti na lang... Salamat naman at pumayag si Tito. Sigurado ako makakabile na ako ng cake at regalo ngayon.

Pagkatapos ko mag-ayos pumunta na kam kaagad sa Café.

"Mei, kunin mo nga yung order nung nasa table #6."

"Opo." Pupunta na sana ako dun ng bigla akong madapa at hindi dun nagtapos yun...

KINABUKASAN

"Good morning, hm, Mei anong nangyari sa'yo ba't ang dami mong band-aid?" nagaalalang tanong ni Mary sa akin.

"Nadapa lang ako kaninang umaga."

"Nadapa?!"

"Mai Mai, Lucy, Mary, pumasok na kayo sa classroom at maguumpisa na tayo." Utos ni Sir. habang hawak yung class record niya. Papasok na sana siya sa classroom pero ng makita niya ako. "Mai Mai, anong nangyari sa'yo?"

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon