Chapter 7

211 7 4
                                    

Daytime Firefly

Chapter 7

Mei Santiago POV

Kahapon nagtext ang isa sa mga kaibigan ko sa Baguio at humingi siya ng picture ko. Naisipan kong isama si Emily sa picture kaso sabi niya magayos muna ako. Kaya ang dapat na picture lang sa cellphone ay napunta sa picture booth sa mall. At dahil hindi ako sanay, hindi ganun kaganda ang kinalabasan ng picture.

“O my god! Tingnan mo naman yung mukha mo sa picture. Bakit nakapikit ka? Tapos nasa pinaka gilid ka pa. Kalahati lang tuloy yung nakuhanan sayo.” Inis na sabi ni Emily habang tinitingnan ulit yung picture na nakaipit sa I.D. ko. Pabalik na kami ngayon sa classroom at kakatapos lang ng flag ceremony.

“Hindi kasi ako sanay…Ah.” Nakita ko si Adrian, iniwan ko si Emily at lumapit sa kanya. “Adrian, eto oh. Etong picture na ito ay para sayo.” Sabi ko habang iniintay na kunin niya yung picture na nasa kamay ko.

“‘Di ko kaylangan niyan.” Inis niyang sabi.

“Sige na, maayos ko na ngang inaabot sayo eh. Kaya kunin mo na lang.”

“Maayos ko ring sinasabi sa’yo na ayoko.”

“Wala akong pake, marami rin akong pinagdadaanan.” Nilagay ko ito sa bulsa niya. “Ayan, nilagay ko na sa bulsa mo. Sayo na yan ngayon!”

“Ikaw babae ka!” Tumakbo na ako papalayo kaya hindi na siya nakapagreklamo pa.

“Ano na bigay mo ba?” bulong ni Emily sa akin habang hinahatak ako papalayo. Nag thumbs up ako at kitang-kita sa mukha niya ang kaunting saya.

Hindi nagtagal nagring na yung bell kaya nagmadali na kaming pumasok sa classroom.

“Okay―Umupo na kayo. Class is starting.” Seryosong sabi ni Sir. Patago ko siyang tiningnan. “Okay, ibabalik ko na sa inyo yung quiz natin last week.” Nagsimulang magreklamo yung iba kong classmate. “Mabilis lang natin tong gagawin. Argon.” Sinimulan na niya ang pagtawag ng mga pangalan.

Normal lang yung itsura niya, halatang wala lang sa kanya yung nangyari kahapon. Yuon naman talaga ang inaasahan ko eh pero…

“Santiago.” Pagkatawag niya sa pangalan ko agad akong tumayo para kunin yung test paper.

Ang tagal na rin ng tawagin niya ako sa apelyedo ko. Pakiramdam ko hindi ko siya kilala.

Tiningnan niya ang test paper ko at ngumiti ng kaunti.

“Ikaw…galingan mo sa sususnod ah.” Binigay niya sa akin yung papel.

“10/30!? Anong klaseng score yan? Ano bang ginagawa mo sa probinsya mo?!”

“Nagaaral tapos nagkacutting classes, natutulog, tapos minsan naghahanap ako ng fireflies sa gubat sa likod ng school namin.” Sabi ko na parang normal lang na gawin yun.

IKAW.”

Napansin ko lang matagal na rin pala akong hindi nanghuhuli ng mga fireflies. Meron kaya akong mahahanap dito? Sabi ko habang nakatingin sa langit.

“Ah!” nagulat ako ng kaunti ng magsalita ulit si Emily. “Si Sir. Jake~ Binibigyan na naman siya ng pagkain. Third year ata yung babae.” Sabi ni Emily habang nakatingin doon sa kabilang building.

“Sikat siya no…” mahina kong sabi habang nakatingin rin doon sa kabilang building kung saan tanaw mo na may kausap si Sir. Jake na isang babae.

“Syempre magiging sikat talaga siya. Sa itsura at ugali pa lang niya eh. Well, hindi naman bago sa age natin ang magkacrush sa teacher nila.” Naglakad na ulit kami pabalik ng classroom. “Pero ayoko nun. Sobrang hassle, hindi ako mapapakali.”

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon