Chapter 11

118 5 8
                                    

Daytime Firefly

Chapter 11

Mei Santiago POV

Tapos na ang retreat namin at dahil puro sarili ko lang ang iniisip ko may isang importante akong bagay na nalimutan. Ang usapan namin ni Emily.

Napagusapan namin na tutulungan ko siya na mapalapit kay Adrian kaso hindi ko ito nagawa kaya nung pauwi na kami nasabi ko ito:

"Hindi ko pa alam pero akong bahala!"

Sinabi ko yan kahit hindi ko alam ang gagawin ko. Pero! Kusang lumapit ang sagot sa akin...

***

"Saan naman tayo magkikita-kita?" tanong ni Luke kay Saru.

"Hindi pwede sa bahay ko, nandoon lahat ng ate ko ngayon sigurado ako magkakagulo lang tayo..." nagaalala nitong sagot. Nagsimula akong maglakad papunta sa dereksyon nila.

"Eh~, edi saan tayo niyan pupunta?? Sa bahay ko na nga lang, tayong tatlo lang naman eh. Adrian dalin mo yung bago mong Playstation ah." Umoo lang si Adrian.

Nang maglalakad na sila papalayo hinarangan ko sila.

"Excuse me." tinaas ko yung kamay ko. "Pwede bang magdagdag kayo ng isa pang tao?"

Nagtaka silang tatlo.

Ugh...ang weird siguro ng tingin nila sa akin. Siguro nagtataka sila kung bakit ako nakikinig...T_T

"Eh? Ah...si-sige..." nagaalangang sagot ni Saru.


Sa huli, pumayag rin silang tatlo na sumama ako kahit medyo naguguluhan nga lang sila. Nang tinext ko si Emily nalaman ko na birthday pala ni Saru bukas at mukhang ang pinaguusapan nila na yun ay ang birthday celebration niya.

"Ah~okay...Nga pala, sinabi ko na sa kanila na magsasama ako ng iba. Ano? Sasa-"

Hindi na niya ako pinatapos kundi agad nang sumagot.

[Oo, sasama ako. Anong meaning nitong lahat kung wala ako, diba? Sige na, maghahanda pa ako.]

"Okay...bye." Binaba ko na yung tawag.

Sinubukan ko rin tawagan sina Mary at Lucy, tinanong ko sila kung gusto rin nilang sumama. Mabilis rin silang pumayag.

At dahil medyo madami na kami, sinabi ni Luke sa akin sa text na baka hindi kami magkasya sa bahay nila dahil meron din daw silang bisita bukas, kaya nagdesisyon ako na sa café na lang ni Tito kami pumunta.

Mabuti na lang mabilis na pumayag si Tito nung sinabi ko na may mga pupuntang classmate ko bukas. At dahil magkakabisita kami bukas mas lumala ang pagiging malinis niya. Kahit pinaka dumi sa gilid pinalinis niya sa akin. Pinatabi rin niya sa akin yung mga beer at alak na naka display sa may counter.

Ang dating bar/café ay naging normal na café na lang.

Mga 11:30 silang dumating sa café.

"Pasok kayo, pasok kayo. Stay as long as you like."

"Sorry sa abala." Sabay-sabay nilang sabi na may masasayang expresyon.

Pumasok na sila sa loob at halos lahat sila namangha sa itsura ng café na bar naman talaga dapat...

"Ang laki!"namamanghang sabi ni Luke.

"Umupo kayo kung saan niyo gusto umupo." Sabi ko sa kanila habang nilalagay ang mga baso ng juice sa lamesa.

"Eh? Okay lang ba...hindi ba nakakaabala kami sa trabaho ng tito mo?"

"Don't worry. Tuwing hapon pa dumadating yung mga regular customers." Mabait na paliwanag ni Tito habang binubuksan ang T.V. na nakatapat sa amin, malapit sa pinili naming puwesto.

Daytime Firefly (completed)Where stories live. Discover now