Chapter 58

21 0 0
                                    

Daytime Firefly

Chapter 58

Mei Santiago POV

"Dagat! Swimsuits! White sand!" sigaw naming tatlo nina Lucy at Mary pagkalabas namin sa airport.

"Uy wag nga kayong maingay nakakahiya!" inis na sabi ni Emily.

Nasa Boracay na kami.

Ang kulay asul na dagat, ang putting buhangin, ang madaming tao at ang mainit na simoy ng hangin. Ito pala ang Boracay. Hindi ko aakalaing makakapunta ako dito.

Pagkadating namin dun agad kaming dumeretso sa hotel kung saan kami magiistay. Simple lang yung hotel pero para sa akin spbrang ganda na nito.

"Okay, halika na everyone!" sigaw ni Lucy sa amin.

"OKAY!!" sigaw ko din habang sinundan na si Lucy. Alam kong nakatingin si Adrian sa akin habang naglalakad ako pero hindi ako tumingin sa kanya kasi alam kong sasabihin niya hyper na naman ako.

Tama. Hyper ako ngayon!

Paano ako hindi magiging hyper? Ngayon lang ako nakakita ng ganetong kaganda na tanawin. Kulay blue yung langit tapos ang ganda nung dagat. Ngayon lang din ako nakakita ng white sand!

Sobrang saya!

Tulad ng plano namin para sa first at second day ay nagtrabaho kami doon sa café. Kahit nakakapagod masaya naman. Kaming mga babae sa casheir habang yung mga lalaki sa kitchen tumulong.

At nang natapos na ang dalawang araw na yun, dumating na ang pangatlong araw at sa wakas masusulit na din namin yung dagat!

"Magsu-swimming na tayo, magsu-swimming na tayo yey!" paulit-ulit kong sabi habang palabas na kami dun sa resort.

"Oi, ikaw. Okay lang na hyper ka pero anong nangyari dun sa binili nating mga damit?" inis na tanong ni Emily sa akin.

"Ang hirap kasing gumalaw kapag yun ang susuotin ko. Pero dala ko naman eh. Nasa bag ko." Paalala ko sa kanya.

"Ha? Kahit na! Sinusuot ang damit hindi tinatago sa bag!"

"Tama ka pero...makikita kasi yung strap nung swimsuit eh." paliwanag ko habang nakatingin sa suot kong damit. Pagkarinig ni Emi sa sinabi ko mas lalong naging nakakatakot yung mukha niya.

"Ikaw...huwag mong sabihin...sa ilalim niyan..."

Ngumiti ako at tumango. "Oo. Pumunta ako dito na suot-suot na yung swimsuit." Tinaas ko yung t-shirt ko at sinabi, "Eto oh."

Imbis na matuwa mas lalong nagalit si Emily.

"Ah, sasabog na si Emily." Pabirong sabi ni Mary kay Lucy.

"TANGA!! Second year high school ka na, kaya wag kang magsuot ng swimsuit sa ilalim ng damit mo! And it's the lamest swimsuit to boot!"

"Eh?....So-sorry..."

"Adrian suot na daw ni Mei yung swmisuit niya." Pagkarinig ko dito agad akong nahiya habang si Adrian naman binatukan si Luke.

Na-nakakahiya pala...dapat pala hindi ko na lang sinuot yung swimsuit...

Jake Santos POV

Natutulog ako ng biglang may tumawag sa cellphone ko. Dahan-dahan ko 'tong kinuha at saka sinagot.

"Hello...?" inaantok kong tanong.

[HELLO JAKE?!] halos mapatayo ako ng marinig ko yung boses ni Janet. [What's up? Kakagising mo lang, no?]

Daytime Firefly (completed)Where stories live. Discover now