Chapter 36

41 1 0
                                    

Daytime Firefly

Chapter 36

Mei Santiago POV

[Hi, gising ka pa?]

Si Sir.

"O-opo. Pauwi pa lang po ako galing kayna Mary."

[Ganun ba. Then could you do me a favor?]

"Ano po yun?"

[I want to give your gift so can you come to my apartment? I'll send you the adress.]

Huh? Pupunta ako sa bahay ni Sir...

Tulad ng sabi niya, pagkababa niya nung tawag sinend na niya kaagad sa akin yung adress ng apartment na tinitirhan niya. Medyo hindi siya ganun kalayo sa lugar kung na saan na ako kaya nilakad ko na lang. Makalipas ng ilang minuto nakarating na din ako dun sa apartment niya.

Tinitigan ko yung pintuan ng apartment room niya at kinuha ang lahat ng lakas ng loob ko para pindutin ang doorbell.

Ding Dong. Pagkapindot ko nito mabilis na bumukas yung pintuan at bumungad sa akin si Sir. Jake na medyo magulo ang buhok at naninigarilyo. May gulat siyang expresyon, siguro dahil mabilis akong nakarating.

"Mai Mai, a-ang bilis mo naman..."

"Malapit lang po kasi ako sa lugar na 'to kaya nilakad ko na lang..."

Kinamot niya yung leeg niya at pabirong sinabi, "I see, ginulat mo ko akala ko lumipad ka papunta dito."

Akala ko kanina sa closing ceremony ko na ulit siya makikita, hindi ko ine-expect na papupuntahin niya ako sa bahay niya. Masaya ako pero...

"Ah, wait lang kukunin ko yung regalo mo." Pumasok ulit siya sa loob. At dahil iniwan niyang naka bukas yung pintuan, sinilip ko yung itsura ng loob ng bahay niya.

Hindi ko makita...akala ko pa naman makakapasok ako sa loob. Pero masaya na din ako kahit dito lang ako sa labas. Ang mahalaga nakita ko na si Sir.

"Hm, sino ka?" laking gulat ko na may biglang lumabas na ibang lalaki sa bahay niya. Siguro mga kaibigan ni Sir. kasi parang magkasing idad lang sila.

"Go-good evening po. Ako si Mei Santiago." Nahihiya at natataranta kong pagpakilala sa kanila.

"Wow, ang cute mo naman. Student ka ni Jake?" tanong nung isang blond na lalaki.

"Oi, kayong dalawa, anong ginagawa niyo?" inis na tanong ni Sir. habang hawak ang isang box, yung regalo ko siguro.

"Kinakausap ang cute, little student mo. Mei, maayos ba magturo si Jake? Pagpasensyahan mo na siya ah kung minsan tamad siya." Mas lalong nainis si Sir., kaya naisipan kong ipagtanggol siya.

"Hi-hindi po totoo yan. Masipag po siyang teacher saka sobrang maaasahan." Medyo napalakas yung boses ko kaya nagulat silang dalawa at pati na din si Sir.

Nakakahiya, ano ba 'tong sinasabi ko?

"Ahem, okay that's enough. Kayong dalawa pumasok na nga kayo sa loob." Inis na utos ni Sir.

"Eh~ nageenjoy pa kaming kausapin si Mei eh saka bibili kami ng alak." Pagrereklamo nung isa sa mga kaibigan ni Sir.

"Basta pumasok na lang kayo!"

Ahh...parang bata si Sir. kapag kasama niya yung mga kaibigan niya. Nakakatuwa naman na nakita ko ang ganetong side ni Sir. ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.

"Tama! Mei, bakit hindi ka pumasok sa loob at sumabay sa pagkain namin ng dinner?" masayang pagyaya nung lalaki sa akin.

Huh? halatang pareho kami ni Sir. ang nagulat.

Daytime Firefly (completed)Where stories live. Discover now