Chapter 3

295 10 7
                                    

Daytime Firefly

Chapter 3

Mei Santiago POV

“Tomorrow let me show you something.”

Ugh…dahil sa sinabi ni sir. kahapon may namuo tuloy na eye bags sa mata ko.

Niisang iglip hindi ko man nagawa. At ngayon naglalakad na ako papuntang school. Ihahatid sana ulit ako ni tito kaso sabi ko huwag na dahil kabisado ko na rin naman kung saan ako dadaan.

Katulad ng kahapon pinagbubulungan pa rin ako ng ibang estudyante, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Muntik na nga akong maligaw sa loob ng school, mabuti na lang may mapa sa may first floor ng school.

Pagkapasok ko ng classroom napansin kong wala doon yung mga babaeng kumausap sa akin kahapon. Siguro talagang set-up lang yung kahapon, siguro hindi ko talaga sila mga kaklase.

Puro ako “siguro”. Bakit ba parang umaasa pa rin ako na hindi totoo ang mga pinagsasabi ko?

Nang magpaflag ceremony na hindi ako pumunta sa quadrangel kundi sa library.

Hindi katulad kahapon merong librarian ngayon pero hindi ito naging hadlang sa akin. Nagpatuloy ako sa pagpasok sa loob at salamat namang hindi niya ako pinansin. Mukhang wala naman siyang pake kung magcutting classes ako.

Nang matapos ang flag ceremony sumabay ako sa agos ng tao para hindi ako mapansin na hindi ako umattend ng flag. Pagkabalik namin ng classroom pumasok na kaagad yung teacher namin sa unang subject.

Kahit keylan talaga mabilis ang oras dahil hindi ko napansin lunch time na pala. Kung kahapon sa may hagdanan ako tumambay para kumain ngayon sa rooftop ang venue ko.

“Oh. Mukhang lagi ata tayo nagkikita.” Sabi ni Sir. Jake na may gulat na expresyon. “Anong ginagawa mo dito Mai Mai? Hindi ba bawal umakyat dito. Paano ka nakapasok?”

“Sa bintana.” Sabi ko.

“Ano ka ba acrobat?” napakamot na lang siya ng ulo. “Don’t tell me you’re eating by yourself again?”

“…”

“Well it seems like you’re still making things complicated.”

“Huh?” tumingin ako sa kanya at nakitang may kinukuha siya sa bulsa niya. Isang sigarilyo. Sinindihan niya ito at naglabas ito ng maliit na usok.

“But I think it won’t be long until you make friends.” Sabi niya habang nakalagay ang sigarilyo niya sa bibig.

KRRRRRRRRRNG!

“Time na. Bumalik na tayo sa classroom.” Nagsimula na siyang maglakad paalis habang nakaway.

Naninigarilyo pala siya…

***

Uwian na at dahil isa akong “loner” hindi uso sa akin ang pag pasyal kasama ang mga kaibigan pagkatapos ng uwian.

Ano kaya ang ulam mamaya sa bahay? Pupunta kaya ulit siya?

Aalis na sana ako ng bumukas ng malas ang pintuan ng classroom. Ang bumungad sa akin ay isang lalaki na hinihingal. Hindi lang siya basta lalaki, siya ang teacher ko. Si Sir. Jake.

“Mabuti na lang di ka pa nakauwi.” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Bilisan mo.”

“Eh?”

Daytime Firefly (completed)Where stories live. Discover now