055

218 16 2
                                    

CHAPTER 55: THE TRUTH AND LIES

Casianna Heartily Levesque

A years after.

Lumipas ang isang taon matapos ng panganganak ko. Hindi ko magawang umalis sa tabi ng anak ko.

Puro pahinga ang ginawa ko sa loob ng isang taon na iyon. Hindi manlang ako pinayagang magkilos kilos kahit ang maglakad sa buong mans'yon ay hindi ko magawa.

Pati ang pagsubo ng pagkain ay si Caden na ang gumawa. Hindi namin hinayaang ang mga maid ang magbantay sa bata.

Tanging si Caden at ang mga kapatid ko at kapatid niya ang nagbantay sa anak namin.

Nagbaba ako ng tingin at napabuntong hininga. Kuhang kuha niya ang mukha ko, gusto kong matawa nang maalala ang pag-aasik ni Caden dahil tanging ilong at bibig lang niya ang nakuha ni Arshianna.

Hindi ko akalaing ganito pala kabilis ang panahon. Kailan lang ay nawalan ako ng alaala at nag-iisip kung paano matanggal ang mga traydor sa mafia.

Kailan lang din ang muntikan ko nang ikaguho ang kawalan ng hininga ng aking anak.

Ngayon ay hihintayin ko na ang araw kung saan ihaharap ko na ang aking anak sa organisasyong pinamumunuan ko.

Isang taon palang ang nakalipas mula nang makabalik ako sa mans'yon pero ang laki na nang pinagbago nito.

Naging kampante ako dahil sa loob ng walong buwan kong pagbubuntis ay walang nangyaring masama sa akin.

Pero ang ayaw ko ay ang katahimikan ng buhay ko, tila nagwawala ang puso ko kapag naiisip na may panibagong kalabang darating.

Hindi ko kayang ipakita o ipakilala manlang ang anak ko. Kaya noon lang ay napagdesisyunan ni Suryxin na palitan ang pangalan, apelyido at pagkakilanlan ng anak ko.

Mula sa Arshianna Hashyl Levesque—Constello hanggang sa Laurene Chandria.

Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam nang baguhin niya ang pangalan at pagkakakilanlan ng anak ko.

"Aren't you happy?" hindi ko inaasahan ang paglapit sa akin ni Achlys.

"Don't let your guard down," natatawang sabi ko bagaman seryoso.

"Oh, you're scaring me.." kunyari ay natatakot niyang aniya saka sumeryoso. "I won't."

Tumango ako saka huminto sa paglalakad at pinagkrus ang braso. Iginala ko ang paningin sa pamilya ko.

Pamilya ko, ngayon lang ako nagkaroon nang matatawag na pamilya.

Tumango silang lahat nang makita ako. Lumapit ako kay Arshianna na ngayon ay hawak nina Cohen, nagagalak ko siyang tinignan.

Kahit ang mga ito ay hindi mabitawan ang kanilang pamangkin. "So cute," saad ko saka hinaplos ang mukha ng anak ko.

Nang tumalikod ako ay narinig ko ang pag-aagawan nila sa anak ko. Natawa ako saka sumeryoso.

"Magdahan dahan kayo, Constellos." seryoso kong tugon nang bahagya kong inilingon ang ulo ko.

"Oo naman, yes." nakangiti, giliw na giliw na anang ni Cain.

Napailing naman ako saka dumeretso kay Astriana. Ngayon lang ako lumapit sa kan'ya. Sa totoo lang, wala akong balak lumapit o kausapin manlang siya.

Gusto ko mang tanungin at alamin ang totoo mula sa kan'ya ay hindi ko magawa. Natatakot akong masaktan sa sasabihin niya.

Mas masakit pa ang katotohanan na sasabihin niya kaysa ang mabaril o madaplisan man ng kunai at katana.

"Come with us, Casianna. We'll tell you everything."

Napalingon ako kay Suryxin nang magsalita siya gilid ko. "About what? I don't want to know. I've done enough, Jang." mariin kong sabi saka siya tinalikuran.

Ngumiti siya. "It's all about you." sagot niya saka ako hinila papunta sa office ko.

"Why here?" malamig kong tanong.

"Wala ka pa talagang alam sa nakaraan ng Levesque." iiling iling na sabi ni Astriana.

Nagtaka ako saka siya sinulyapan. "What the heck are you talking about?" taka kong tanong saka siya pinaningkitan ng mata.

"I lied," seryoso at deretsahang sabi niya.

"I know." sabi ko saka umupo sa upuan ko. "I caught you on your lies."

"You're the real Astriene Zin Levesque." seryoso niyang dagdag.

Ngumisi ako. "You changed my name in order to protect me. Ginawa mo 'yon, ayon sa iyong plano."

Pagtataka at pagkalito ang agad na sumakop sa mukha nilang dalawa. "H-How did you know?"

"Ginusto mong protektahan ako, hindi si Lolo kung hindi ikaw ang nag-utos kay Suryxin para maging 'guardian' ko. Ginulo mo ang utak at pag-iisip ng buong mafia para lang maprotektahan ako."

Napabuntong hininga siya saka tumango. "Yeah."

"Pero ayon sa pagsasaliksik ko ay si Lolo ang nag-utos n'on. Hindi si Lolo ang tunay na mautak rito, kung hindi ikaw, Astriana."

Napangisi ako habang nagsasalita. "Dahil ikaw ang anak ni Austin, ang kaibigan ni Lolo, ang pinakatanyag na Mafia Boss sa kapanahunan nila. Hindi ko alam ang ginawa mo, Jousanne. Hindi ko alam kung paano kang naging si Astriana, ikaw si Jousanne Nixon, tama ba?"

Napangisi siya. "You're great. Nalaman mo ang pinakatago kong sekreto."

Nagtaka rin si Suryxin, hindi makapaniwala sa naririnig. "Was that true?"

"Of course, yes. Hindi mo alam, kung gan'on. Tagong tago ang pagkatao ni Jousanne. Kahit ang pinakamagaling na info seeker ay hindi alam iyon, dahil para ka lang nagtitinidor ng sabaw." saad ko saka sarkastikong natawa.

"You are the greatest Empress of all time, my daughter." saad ni Astriana saka lumuhod at tumango, napasunod naman si Suryxin dahil doon.

"You're not my mother, ginamit mo lang ang pangalan ng tunay ko ina para tumayong tunay kong ina. Si Mom, namatay siya kasama ni Dad," nakangising sagot ko kaya napataas sila nang tingin. "Hindi ko rin sila mga kapatid. Ako, si Adler at si Bleue na dapat ay si Achlys ay ang tunay kong kapatid." natatawang sabi ko.

Napatayo sila nang hindi namamalayan. "Tama ako hindi ba?" seryoso kong tanong.

Nagkatinginan sila, tila hindi gustong sumagot. Mas lalo akong nainis nang lumipas ang ilang minuto ay wala akong narinig na tugon.

Malakas kong hinampas ang table kasabay ng malakas kong sigaw. "Answer me!"

"Y-Yes,"

Napapikit ako sa inis at pinangiliran ng luha sa galit. "Why did you all lie! Why!" nanggagalaiti kong sabi.

"We're sorry," sinserong sabay nilang tugon.

"You made this more complicated! I’ve always wanted to end their lives! I’ve always wanted!" mariin kong sigaw saka napahawak sa sentido.

"But, this is the last time you'll lie to me, Jousanne." mariin kong sabi.

Kung kanina lang ay nakangisi pa ito, ngayon ay parang batang nangangatog na ito sa takot at kaba.

"There will be no next time." mariin kong sabi saka tumayo. "Now, get lost. And, take care of my daughter."

"We're alive because we need to protect the legacy of the Mafia Empress." magalang at nakatungong sabi nila saka tumalikod.


:)

Luminous BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon