031

221 23 0
                                    

CHAPTER 31: THE ONE WHO RULED

Kaius

"Hey, Kaius. What's wrong?" tanong sa akin ni Rai Calior.

"Nothing," tanging sagot ko.

"Snack or anything, what do you want?" pangungulit na tanong pa nito.

"No thanks. Wala pa akong gana," sabi ko. Nanatili pa ring nakasandal ang ulo ko sa malambot na sofa.

Matapos ko itong tanggihan ay si Kev naman ang inalok nito pero umayaw din.

"Hindi ako makapaniwala!" bulalas ni Kev. "Kung gan'un-gan'unin ako ng babaeng iyon! Nakakatapak ng pagkalalaki!"

"Ano ang gagawin mo? Paghihiganti?" takang tanong ko.

"Ano pa nga ba?!" tiim-bagang na sagot nito.

Napabuntong-hininga ako at yumuko, "Drop the idea, Kev."

"W-What?" nanggagalaiting saad niya.

"Hindi rin ako papayag na gagan'unin lang niya ang kaibigan ko, hindi p'wedeng pabayaan nalang natin ang nangyari," pagsang-ayon ni Summer.

"Hindi pwede! Malinaw ang pagkakasabi ko, hindi ko na uulitin pa."

"But, Kaius! Hindi p'wedeng gan'on na lang!" nagngangalit ang bagang na tanong ni Kev.

"H'wag mo'ng kwekwestyunin ang desisyon ko, Kev. Sa ikabubuti rin ito ng grupo." makahulugang saad ko.

"Naririnig mo ba ang iyong sarili!?"

"Summer, not—"

"So when?! Kapag naalis na tayo sa pwesto?! Ayokong dumating ang panahon na bumalik ang mga iyon at palitan tayo sa pwesto!"

Ngumisi ako. "Baka nakakalimutan mo, kayo ang nagsimula nito at tignan mo ang nangyari! Sila ang tumatapos, sa huli sila pa rin ang panalo!"

"Hindi kita nakikilala sa mga salita mo, Kaius! Hindi ka gan'yan 'pag naagrabyado ang mga miyembro mo!" panunumbat ni Kaius.

"Sinabi nang h'wag na h'wag mo'kong kwewestyunin! Magtiwala kayo, para sa ikabubuti rin natin ito."

Kung p'wede ko lang sanang sabihin ang dahilan, pero napakalaking kasalanan.

"Tama ba ang naririnig ko!? Naduduwag ka ba? Puros babae ang mga iyon!" panunumbat ni Kev.

Babaeng mas demonyo pa sa demonyo.

"Tigilan mo n—" nagtitimping saad ko.

"What the hell on earth? Are you out of your mind? What have Achlys had done to you and you're acting so fucking stupid right now?!"

Nagpanting ang tainga ko sa sinabing iyon ni Kev. Marahas akong tumayo at ibinalya ito sa sofa.

Napangiwi ito nang mas diinan ko ang paghawak ko rito.

"Kanina pa ako nagtitimpi sa iyo! H'wag mong sagarin ang pasens'ya ko! Ipapapaalala ko lamang sa'yo, baka nakakalimutan mo na. . . I'm still your superior, Kev!" nanggagalaiting saad ko.

Nang hindi ako makuntento ay sinuntok ko ang mukha nito.

"Tapos na ang usapang ito. Enough of this Summer and Kev." pagkasabi ko n'on ay lumakad na ako pataas.

Achlys Soleil. . .

For all this time, ikaw pala ang kinakalaban namin.  Kung isa palang ay tablado na kami, paano na kaya kung tatlo na?

Napangiti ako sa reyalidad.

Paano nga naman kami mananalo kung ang mismong mga kalaban namin ay minsan nang pinagharian ang buong gangster world.

Luminous BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon