058

188 15 2
                                    

CHAPTER 58: NO RETURN

Caden Constello

"HELLO?" sagot ko sa tawag ng hindi nakarehistrong numero.

"Kamusta ang pakiramdam?" sarkastikong tanong ng isang lalaki, sa tono n'ya ay nasisiguro kong nakangisi s'ya.

"Sino ka?"

"Kael Archimedt."

"What the hell do you want, Kael?"

"Kumalma ka, kaibigan." Humalakhak siya. Naikuyom ko ang aking mga palad sa galit. "Ano ang pakiramdam ng mawalan ng taong mahal?" sarkastikong tanong pa nito. Ungas! "Iyong anak mo'y dumedede pa, kaya huwag kang mag-alala,"

Pucha! Tumiim ang aking bagang. "Siguraduhin mo lang na katiting na sugat ay wala iyan, dahil ultimo lamok ay hindi ko pinadapo riyan." mariing sagot ko. "Binabalaan kita, Kael. Oras na marinig ko ang atumal n'yan ay sasaktan kita hanggang sa maubos ang tuwa ko." nangagalaiting banta ko.

"Tandaan mo na nasa akin ang anak mo, Caden. Mag-iingat ka sa mga salita mo." mariing sagot din nito. "Ngunit habang tinitignan ko ang hitsura mo'y natutuwa ako." saad nito at humalakhak

Nanlalaking mga mata kong sinuri ang paligid. Umiigting ang aking mga panga habang naghahanap ng ibang tao ro'n maliban sa akin ngunit wala akong nakita!

Tumawa naman ito nang malakas na naging dahilan upang mas higpitan ko ang hawak sa telepono. "Hinahanap mo ba ako? Narito ako kung saan wala ang mga mata mo,"

Tumiim ang bagang ko at kumuyom ang mga palad. "Ibalik mo ang anak ko!" nanggagalaiting sigaw ko rito.

"Why the hell I would do that?" Muli siyang humagalpak sa tawa. "Hindi kami tanga para ibalik ang pinaghirapan naming kuhanin. Kung gusto mong mabalik, kunin mo. Akala ko ba cum laude ka? Bakit napakapurol mo yata ngayon, Constello?"

"Damn you! Ibalik mo ang anak ko!"

"Face me, and I'll give her back."

"Where are they?"

"She's in splendid but filthy hands."

"Sabihin mo sa akin kung ano gusto mo, Kael. I will do everything just to have her back."

"Lumabas ka, sa 'di kalayuan ay makikita mo ang itim na sasakyan sa madilim na gawi ng inyong subdibisyon. Mag-isa ka lang, Caden. Naiintindihan mo ba?"

Hindi na ako magtataka kung narito sila at alam ang bawat kilos ko.

"Yes."

"Okay. Mag-iingat ka." tanging saad niya at humalakhak.

"Kael!" malakas na sigaw ko, umaasang naroon pa siya. Wala na akong pag-asa kung hindi ang aking sarili. Ang aking mga kapatid ay pawang mga nasa hospital samantalang ang mga kapatid naman ni Casianna ay puro mga nakaratay sa hospital kasama na siya.

Hindi ko na alam ang aking gagawin. Napasabunot ko ang aking mga kamay sa aking buhok. Nangingilid ang mga luha sa galit. Pagsisisihan mong dinamay mo ang anak ko.

Lumabas ako ng subdibisyon at pinaandar ang motorbike, sa 'di kalayuan nga'y nakita ko ang itim na sasakyan. Biglang nagsindi ang ilaw ng sasakyan na iyon.

Hinayaan ko itong mauna, agad naman akong sumunod. Pagdating sa kanto ay agad itong kumaliwa at batid kong tahimik na parte ng lugar namin ang punta nito. Sa isip ko ay naghahalo ang takot at galit. Takot para sa anak ko at galit sa mga taong gumagawa nito.

Nagiging mabilis ang pagtakbo nito, at kakatwang gindiy nasasabayan ko pa iyon. Nang muli kaming pumasok sa highway ay sandaling bumagal ang pag-andar na. Halos magpang-abot kami habang dumaraan sa tunnel.

Luminous BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon