011

571 57 2
                                    

CHAPTER 11: GIRL RAISED IN FEAR

Aranea Levesque

Kasalukuyan kaming naglalakad sa mahabang pasilyo ng mans'yon. Habang naglalakad ay tinitignan ko ang bawat disenyo ng mans'yon. Nang makarating sa pinakagitnang bahagi ng pasilyo ay agad na huminto si Casianna.

Sinulyapan n'ya kami. "Narito na tayo, h'wag kayong mag-alala dahil malaki ang silid nito."

Yumuko ako para itago ang kalokohan sa mukha dahil sa balikong pagsasalita nito at halatang hindi siya mahusay sa Tagalog, maging ako ay gan'on din.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kan'ya. Sa loob ng dalawang taon ay namimiss ko ang sopistikadang tindig na iyan. Napakaganda niya pa rin, mas nagmukha itong diyosa. Hindi maipagkakaila na kamukha naming lima si Mom.

Mas nangibabaw ang ganda niya ngayon kesa noon.

Iginiya niya kami papasok at hindi maitatagong malaki nga at maganda ang pagkakadisenyo. Pagkapasok ay puno ito ng magagarbo at eleganteng mga damit.

Gumuhit ang pagkamangha sa aking mga mata. "Napakaelegante!" Isa-isa kong minata ang mga magagarang damit na nakalagay sa dresser. Iba-iba ang mga estilo at pawang mga pasok sa taste ko!

"Nagustuhan mo ba?" maya-maya'y tanong ni Casianna. "Lahat 'yan ay pagmamay-ari ni Mama." pormal nitong sabi.

"Hindi ko na ikinataka ang iyong sinambit," tugon ko. "Kung siya'y iyong titignan ay napaka-elegante nito. Hindi na nakakapagtaka." nakangiting saad ko at hindi nawawala ang pagkamangha. "By the way, may napili na ako."

Kinuha ko ang Luxury Gold Sequins Beading Dress Floor Length Long Mermaid Gown, I think it is worth of thousands.

Itinapat ko ito sa kan'ya. "It looks good on you, this will be your gown for tomorrow. What do you think, girls?" baling ko sa kanila.

Tumango-tango naman sila. "Yes, I agree." sabay na sagot ni Achlys at Aeryn.

"Me too, no doubt. She's a goddess!" pagsang-ayon ni Autumn.

"What about mine, Aya?" singit ni Achlys na nakanguso.

Inilibot ko ang paningin ko, at kinuha ang Diamond White Satin Thigh-slit Dress. Itinapat ko ito sa kaniya. "It's great! What do you think again, girls?" baling ko sa kanila.

"It suits on you, good." komento ni Astrid.

"Yes, I agree again." sabay na saad ulit nila Aeryn at Autumn na ikinahalakhak namin.

Umikot si Aeryn, "I got mine!" magiliw aniya na kinuha pa ang Asymmertical Draped Blush Satin Slit Party Dress worth of 149 dollars, I guess.

"Nice choice, Ae." komento ni Autumn. "And there's mine!" saad niya na itinuro pa ang Royal Blue Satin Thigh-High Slit Long Dress na nasa may dulo. "What do you think? Do you think it's suits me?"

"Hm... Great choice!" komento ko. Pumunta ako sa gilid ng pintuan at binuksan ang wardrobe. Sinilip ko pa ang iba at kinuha ang bet ko. "Off-shoulder Dark Red Sexy Slit Dress. Great!"

Tumango-tango naman sila.

"Ipapahanda ko ito para bukas." banggit ni Rid at binalingan ako. "Thank you. Hmm— What's your name again?" natatawang tanong nito.

"Aranea Demise, but you can call me Aya." tugon ko.

"Oh, thank you. Aranea."

"By the way, I'll introduce myself muna to you." singit ni Autumn. "Since you have an amnesia, and you couldn't recognize me... us." tumango-tango pa ito. "Autumn Sav, but please call me Sav. Masyadong mahaba ang Autumn." nakangiting saad nito.

"Aeryn Death, call me Ae." maikling pakilala ni Aeryn.

"Achlys Soleil, you can call me whatever you want, I am not maarte naman. Hahaha!" saad naman ni Achlys na sinulyapan pa si Autumn.

"Nice to meet you, Aya." saad ni Casianna na yinakap pa ako.

"My pleasure. ." tugon ko at gumanti ng yakap.

"You too, Ae." aniya at yinakap ito. "My pleasure." tugon ni Aeryn at gumanti ng mahigpit ng yakap.

"My pleasure, Sera..." natawa kami nang naunang magsalita si Achlys kaysa kay Astrid.

"Pleased to meet you all." nangingilid sa luhang aniya at niyakap kami ng mahigpit.

Matapos n'yon ay isa-isa kaming lumabas ng silid at iginaya pa kami nito sa silid na inilaan sa'min.

Autumn Levesque

"Ngayong nakita na nating buhay s'ya, babalik na ba tayo?" tanong ko pagkapasok sa kwartong inilaan ni Mom.

"Not yet," ani Aeryn, kahit ako ang mas nakatatanda ay siya ang nasusunod.

Napaisip ako. "Ibabalik pa ba natin si Casianna?"

Nagtaka sila sa aking kwinest'yon. "Hmm... Kung ako ang tatanungin ay mas nais kong manatili si Casianna kay Mom. Ayokong bumalik siya sa nakasanayang buhay." sagot naman ni Aya, gan'on din ang naisip ko. "Kung sa ngayon ay nakaligtas s'ya sa 'plane crash' kuno, pero sa iba pang mangyayari ay sa kasawiang palad ay hindi na siya makaligtas." mahabang aniya. "Alam kong hindi basta-bastang plane crash ang nangyari, alam nating napagplanuhan iyon ng kalaban."

Isa sa mga nagustuhan ko kay Aya ang mala-detective nitong utak at mata bagaman mahina sa pakikipaglaban. Lahat kami ay may kan'ya kan'yang kakayahan. Magaling ako sa technologies at sa panggagamot. Si Aeryn ay magaling sa pagpaplano, habang si Achlys ang pumangalawa sa magaling sa pakikipaglaban.

Ang lahat ng aming kakayahan ay nasa katauhan na ni Casianna kahit ang kayabangan sa kan'yang tindig ay hindi mawawala. Minsan iyon din ang ikinapapahamak namin, ang pagiging mayabang tuwing may laban pero may ibubuga naman.

Ang sarkastika, sopistikada at misteryosang katauhan niya ang pinakakatakutan ng lahat. Lalo na ang pagtingkad ng kulay pulang mata nito, ang legasiya ng angkan ng mga Levesque. Ang nag-iisang letrang C ng Levesque.

FLASHBACK

Iginala ko ang paningin sa paligid sa buong mans'yon. Naglakad-lakad ako hanggang sa marating ko ang hallway kung saan nadatnan ko si Master kasama si Casianna

"Master, can I be like you someday... to be as fearless as you..." inosenteng saad ng anim na taong gulang na si Casianna. Napadapo ang paningin ko sa kulay pulang mata nito. She's like an angel but her eyes... speaks the opposite.

Humalakhak si Master. "You'll be, Sia. No doubt about it. Paglipas ng panahon ay matutumbasan mo ang galing, lakas at tapang ko. Someday you'll be powerful and will be feared not only in whole England but also in the whole world. Your eyes speak of it, Sia."

Biglang lumamlam ang inosenteng mukha ni Sia. "My eyes?" inosenteng tanong nito. "They say that my eyes are like of demon's eyes."

"Don't you know that your eyes are the legacy of our family lineage?" He smiled at Casianna. "Your eyes makes you special or legendary rather. Whoever has this kind of eyes will obtain sovereignty, solemnity and prosperity. So do you." Sa sinabing iyon ni Master ay nalungkot ako, kung sakaling may gan'yan din ba akong mga mata ay sasanayin at pahahalagahan n'ya rin ako? "You must show no sympathy. . you must have a heart that is dauntless as a beast! Do you understand? That's why I named you, Casianna. No one can get rid of you."

Pagkatapos niyon ay lumihis na ako ng daan para hindi makaistorbo sa kanila.

END OF FLASHBACK

An innocent girl raised in fear, grows to become the most feared. A legendary red-eyed devil is really alive.

:)

Luminous BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon