016

342 37 1
                                    

CHAPTER 16: SMILE

Sera Madrigal

Pagkatapos ng hapunan ay nagsipanhik na kami sa kan'ya kan'ya naming silid. Dumeretso ako banyo, habang naliligo ay napapaisip ako. Bakit gan'on magsikilos ang apat? Animo'y sanay na sanay at alam na alam ang gagawin? Sino ba talaga kayo? At sino ba talaga ako?

Matapos n'yon ay lumabas ako ng banyo at naghanap ng pantulog na damit. Kinalikot ko pa ang telepono nang may dumating na text. Nang tignan ko ang pangalan ay 'Restricted Number' ang nakalagay. Ano na namang pangtritrip 'to?

From: Restricted Number

Hi Ms. Face of the Night.

Wtf?

To: Restricted Number

Hello, who's this?

From: Restricted Number

A stranger who have a crush on you.

Hindi ko na ito pinansin at sa halip ay itinuon ang pansin sa panibagong notification.

@cainconsc: follow back, ehem, follow back

Napailing ako sa mensahe galing kay Cain. I visit his account. Uh, so private. I click the follow back button and then bumulaga sa akin ang napakarami n'yang posts. Puro 'yon tungkol sa party earlier.

I accidentally tapped the last post.

Liked by suryxin.j and 12,278 others
@cainconsc "Face of the Night."

suryxin.j nice camera man!

cap_tasha i saw this scene! kakilig!

yourgirlmagie oh this slut! she's not bagay with Caden kaya, what do you think Cain?

Woah! As if naman ginusto ko yung nangyari.

haven.constello he kissed a girl na pala? it's his first kiss diba, Cain baby?

Oh? First kiss. Cain replied to her Mom.

cainconsc yes mom i don't remember him kissing Cali. Hahaha.

So that what I saw in a comment section. Me and Caden slowly dancing and then nilipat ko at lumabas ang pagyakap nito sa akin. Inilipat ko ulit at biglang uminit ang pisngi ko sa nakita.

Waah! Iyong aksidenteng paghalik namin sa isa’t isa!

Ah, wait. It's not an accident because this two bloody morons planned it. Damn. Well, let me congratulate them, success.

astramadeo nice plan, you succeed.

cainconsc oh! 'di ko naman plinano 'yon, AKSIDENTE 'yon.

astramadeo malamang! ikaw pa ba? planado lahat 'pag ikaw!

cainconsc grabe kahit chat lang 'to parang naririnig ko boses mo. HAHAHA.

astramadeo timang!

cainconsc by the way, may bakasyon kami for two days sa Amadeo Gun Club and Firing Range, wanna join?

astramadeo yes, uhm pwede bang isama ko si Ryx?

cainconsc i already invited her.

Hindi ko na siya sinagot bagkus pinatay ko na ang telepono at nilapag sa side table. Saka ako tumingin sa kisameng puno ng alikabok, kidding. Maya-maya pa ay nadapuan din ako ng antok.

Caden Constello

"Nasaan na ba kayo? Tangina! Nagpahuli ba kayo? Dito na natin pag-usapan sa headquarters." inis na ani Cain sa telepono.

Palpak! Minaliit namin ang mga 'yon!

"Sabi na nga ba, hindi basta basta ang mga iyon eh!" padabog na aniya na hinampas pa ang counter ng bar sa loob ng headquarters. "Sa loob ng labing siyam na pamumuhay ko sa mundo wala akong nakilalang Silvenia. N'ong sinubukan ko namang maghanap ng informations about sa kanila ay wala akong nakuha." iiling-iling na aniya.

Tumikhim ako. "Nasaan na ba sila?" tanong ko. "Sure ba silang tama yung nasundan nila?" nag-aalinlangang tanong ko.

"Hindi—”

Natigil siya sa pagsasalita nang biglang may nagbusina sa labas ng headquarters.

Nang tignan ko sila ay sira sira ang mga damit. Nakahawak pa si Dash sa kan'yang dibdib. Habang si Daze naman ay bugbog ang mukha.

Agad na nilapitan ni Cain ang mga ito. "Kamusta ang pinapagawa ko?" Napayuko ang dalawa. "Palpak kayo, tama ba? Hindi ko matrace ang sasakyan ng mga iyon. Batid kong nalaman nilang nilagyan n'yo sila nang tracking device."

"Pasens'ya na, Cain. Hindi namin alam na magaling makipaglaban ang isang 'yon."

Napamaang kami at nagkatinginan. "Anong isa?! Apat ang pinapahabol namin! Apat! Natatanga ka na bang talaga, Dash?" naghuhurumintadong ani Cade.

Umangat ang kaniyang tingin. "Isa palang, Cade! Isa palang! Paano kung bumaba pa ang tatlo?! Paano? Lugi kami sa sitwas'yong iyon!" Nagngangalit ang bagang na aniya. "Ginawa n'ya pang katatawanan ang pagsaksak sa aking dibdib! Nakakatapak ng pagkalalaki!"

"Aba, teka teka. Ako boss mo rito ah, kung makasigaw ka." pagrereklamo pa ni Cade.

Una palang, dehado na kami. Napansin kong may nakalagay na maliit na bagay sa batok ni Daze.

Yumukod ako upang kuhanin ang bagay na iyon at laking gulat ko nang iyon ang tracking device na inibigay namin sa kanila. How the hell?

Agad na hinablot ni Cade ang tracking device mula sa aking pagkakahawak. "Sa atin ito, hindi ba?" aniya na tinignan pa kaming lahat. "Mukhang tayo ang naisahan nila ah."

Napailing ako sa nangyaring iyon. Hindi ko akalaing mauutak ang apat na iyon para maisahan kami nang gan’on gan’on lamang.

Mas’yado silang matatalino, pero mas madiskarte kami. Ain’t Constello for nothing.

"Tara sa loob—" Hindi pa natatapos ang pagsasalita ni Chase nang tumunog ang telepono ko.

Kinuha ko ito at nakitang may tumatawag. Tiningnan ko ang pangalan at restricted number ang nakalagay.

Nagkatinginan kami at patakbong pumasok.


THIRD PERSON'S POV

Kasalukuyang nasa loob ang magkakapatid na Silvenia para tiyaking ang mga Constello nga ang nagpasunod though tiyak na iyon nang dahil sa marka.

Kinuha ni Aeryn mula sa cabinet ang Dark Monarch's Mask na sinusuot nito sa tuwing may laban. Ginagawang brusko nito ang boses nang kung sino man ang sumuot nito. Sabay sabay namang kinuha ng tatlo ang kaniya kaniyang mga mask na gaya nang kay Aeryn, nagagawa nitong brusko ang boses.

Ang disenyo ng mga mask nila ay may pakalmot na bahagi sa mata nito. Pare-parehas ito ng disenyo upang lituhin ang mga kalaban.

[Hello?] tinig ni Cain.

Nagkatinginan sila at pare-pareho ang nasa isip.

"What are your intentions in following us? I had never thought that a Cain Constello is weak when it comes to technology. How come that you're the brain of Constello, huh?"

[Who are you?]

"Ask in hell, they know us there." sarkastikong ani Aeryn. Ang pinaka tanyag nilang linya.

[Damn.] mahinang ani Cain sa kabilang linya.

"Smile, the worst is yet to come." ani Aeryn saka pinatay ang tawag.

:)

Luminous BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon