036

187 22 3
                                    

CHAPTER 36: CAN LOVE CONQUER ALL?

Sera Madrigal

"This is the 'Scien Virus Bomb'. Maaari kang atakihin ng matinding kawalan ng hininga kapag ito'y iyong naamoy pagkatapos nitong maglabas ng usok ay saka ito sasabog."

"Shit!!" narinig kong mura ni Caden pero bago pa man nito makuha ang bagay na iyon ay agad ko na itong ibinato nang ubod ng lakas sa labas ng restaurant.

Nabasag pa ang salamin ng restaurant sa lakas ng pagkakabato ko. At gaya nang nagflash na larawan sa isip ko ay naglabas ito ng usok saka ito sumabog.

Narinig ko pa ang sigaw ni Caden saka ako mahigpit na niyakap. Itinaob nito ang lamesa at ipinangsangga sa pagsabog.

*BOOM!

*BOOM!

Sa sobrang lakas ng impact ay napaurong pa kaming dalawa. Halos mabasag ang eardrums ko sa tindi ng pagsabog.

At nalantad sa harapan namin ang basag na mga salamin, sunog, at ang sumisigaw na mga tao na siyang umalingawngaw sa buong paligid.

"Caden," seryosong tawag ko sa kan'ya. "What was that?!"

"I don't know...I'm here to protect you no matter what." saad nito saka kumalas sa pagkakayakap.

"Are you hurt?" tanong ko nang maalalang niyakap niya ako maprotektahan lang.

"No," seryosong anang niya saka hinawakan ang kamay ko. "We better get out of this place."

Saka niya ako hinila palabas.

Caden Constello

I was amazed by her reflexes! Napatanga ako nang makitang Scien Virus Bomb ang naroon sa nagdudugong kamay niya. Akma ko itong kukunin nang hindi nito namamalayang naibato niya ito nang sobrang lakas na ikinabasag ng salamin.

Isa itong uri ng bombang naglalaman ng virus sa usok at sasabog matapos magpausok. Ito ang bombang ginagamit ng mga Constello at ng Shevria na galing pa sa mga Sullivan.

Tss! Mukhang seryoso talaga si Cai sa pagbabanta sa buhay ni Sera.

Damn it!

Nang makapunta sa parking lot ay biglang nagvibrate ang cellphone ko.

From: Unknown Number

"Nagustuhan mo ba ang mumunting regalo?"

Sino ito?

Mumunting regalo? Mula kanino? Alam kong hindi itetext ni Cai ang mga gan'ong bagay!

Agad kong tinawagan ang telepono ni Cai at nakailang ring pa ito saka nito sinagot ang tawag.

"Cai! Ikaw ba ang pakana nito?!" galit kong bulyaw sa kan'ya.

Tawa naman ang isinagot nito sa kabilang linya. Damn! [Caden, Caden, Caden. Mukhang hindi lang ako ang tutol sa pag-iibigan ninyong dalawa.]

Batid kong napapangisi na ito. "Damn it, Cai! Gawin mo na ang lahat, h'wag lang ang napakadelikadong pagbabantang ganito!"

[Sinabi ko na sa'yo. Mukhang hindi lang ako ang hindi pabor sa relasyon niyo.]

Sa galit ay pinatay ko ang tawag. Damn it! Muntik na nilang mapatay si Astrid! Kung sino ka man, magbabayad ka, asshole!

From: Unknown Number

I was amazed by your girlfriend's reflexes. Hahaha! No matter how much you want to protect your girl, Caden. You can't. You can only be there for her. You can't choose her path because it hers alone. It is her fight, not yours. Itinadhana siyang mamatay, habang kasama mo siya.

Luminous BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon