028

239 24 2
                                    

CHAPTER 28: CONFUSED

Caden Constello

I really need to do my job, quickly. Ayoko nang napag-iiwanan, tss!

"Caden," tawag sa akin ni Cain.

"What?"

"Pansin mo, kanina n'ung nakasalubong natin sila sa locker, iniwasan nila tayo diba?"

"Yeah, pansin ko nga. Why?"

"Bakit naman tayo iiwasan ng mga 'yon?" tanong ni Cohen. "Wala akong makitang dahilan para iwasan tayo."

Napaisip ako. Kanina rin nang makasalubong ko si Seraphine sa hagdanan ay bigla siyang lumihis ng daan. Nagtataka ko pang sinilip yung tinalunan niya bago ako no'n magpatuloy.

Naikwento ko na rin yun sa kanila. Tss.

"Ano sa tingin mo?" tanong ni Cain sa akin.

"Hindi ko rin alam." Biglang nagliwanag ang utak ko sa naisip. "Eh baka naman yung tungkol sa inamin kagabi?"

"Ang babaw na rason 'yon. Psh!" reklamo ni Cade.

"Oh edi ikaw mag-isip," inis na saad ko.

By the way, narito kami sa canteen at kasalukuyang naglulunch. Mula sa kalayuan ay kita ko ang paglalakad nina Ryx at Seraphine papunta sa gawing Cafeteria.

Agad silang pumila sa counter. Nakita ko pa kung paanong inis na binato ng tindera ang card ni Ryx at nagtawanan naman ang mga tao.

Inis nitong pinulot iyon at tahimik na hinintay si Seraphine. Nagsalubong ang tingin namin ni Ryx at nginitian niya ako. Nakita ko pang kinalabit niya si Seraphine na inis namang lumingon sa kaniya. Agad niyang inginuso ang direks'yon ko at awtomatiko naman siyang napalingon.

Bahagyang rumehistro ang pagkagulat sa mukha niya at nag-iwas ng tingin. Agad nitong hinila si Ryx at akmang lalabas ng Cafeteria nang harangin sila ng Helios Monarchy.

"Hoy!" maangas na tawag ni Kev Vitrogue kay Seraphine. Oh!

"What do you want?" mariing tanong ni Seraphine.

"Tama nga ang bali-balita, matapang ka nga." nakangising saad nito at hinawakan nang mariin sa balikat si Seraphine. Bahagya akong napatayo sa ginawa niyang iyon. "Hanggang saan ba ang kaya mo?"

Ngumisi si Seraphine pero halatang naaasar. "Walang limitasyon ang kakayahan ko,"

"Mayabang, tss. Hindi mo ba alam kung sino ako?" iiling-iling na saad ni Kev.

"Kilala kita, anak ka ni Kevin Vitrogue, hindi ba? Ang kaisa-isang anak ni Kevin at Pearl Vitrogue. Brat!" maangas na saad ni Seraphine. "Paano ko nga ba makakalimutan kung gaano kapribado ang buhay ng pamilyang Vitrogue?" nakangising saad niya.

"How did you know that?!" nanggagalaiting saad niya at tila nagpipigil ng galit.

"Ako ba kilala mo?"

At do'n kami natigilan. Nananatili siyang walang emosyon at kasing lamig nang yelo nang sambitin niya iyon.

Hinila niya ang collar ni Kev at hinila palapit sa mukha niya. "Binabalaan kita, h'wag na h'wag kang susugod sa giyera na walang dala kahit ni isang bala." mariing saad niya at padabog na binitiwan iyon.

"Grabe! Ang lakas ng loob!"

"Now, she's dead!"

"Crazy girl!"

"Poor girl, tapang-tapangan kasi!"

Mukhang mawawalan nang katahimikan si Seraphine.

"Ang lakas din naman ng loob mong ganyan-ganyanin ang kaibigan ko ano?" sabat ni Kaius, ang lider ng Helios Monarchy, sabay tapon nito ng juice sa mukha ni Seraphine.

Luminous BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon