Chapter 21: His Lolo's Approval

5 3 0
                                    

Tamara POV

"Are you okay?? You look tense" tanong Ni Reggie.

Napatingin ako dito.

Oo sobra sagot ng isip ko.

Ngumiti nalang ako dito para maitago ang kaba ko.Bago nagsalita..

"I'm okay Eggie Kinakabahan lang ako konti!"

Sabi ko nalang kahit sobrang kinakabahan talaga ako.

Ngayon lang kase ako makakapunta sa ganito kalaking event.

At puro mayayaman pa.

Nandito na kami ngayon sa harap ng isang malaking hotel kung saan gaganapin ang party ni reggie.

Hinawakan naman ni Reggie ang kamay ko kaya napatingin ako dito.

"Wag kang kabahan okay! Ikaw ang pinakamagandang babae na nakita ko ngayong gabing ito.Kaya walang panama ang mga babae dyan sa loob.." nakangiting biro nito sakin para mawala ang kaba ko bago nya ako inakay papasok sa loob.

Napangiti nalang ako.

Sweet!

May sumalubong samin na magandang babae.

Wait?

Sya yung babae na tumawag kay Reggie sa mall noong unang pagkikita namin.

"Reggie bat ang tagal nyo? Kanina ko pa kayo inaantay nandito na si lolo.." Nakakunot-noong sabi nito na kay reggie nakatingin.

"Sorry medyo traffic lang. And by the way Tamara. Si ate Bettina pala. Ate Betty si tamara future girlfriend ko"
sabi nito.

"Oh hi! You look beautiful tonight.
Kaya pala nainlove sayo ang brother ko.." nakangiting sabi nito bago lumapit sakin at nakipagbeso.

"Thank you"
nahihiyang sabi ko.

Ngumiti ito sakin.

"Let's go na"
Sabi nito bago nauna na samin.

Tumingin ako kay Reggie.

"Ba't wala kang sinabi sakin na you have a sister pala?"
Takang tanong ko.

"Ayaw nyang ipasabi eh." nakangiting sabi nito na napakamot sa ulo.

Iginiya na ako ni reggie sa may pinto pasunod sa ate nito. Isinuot na nito ang maskara nito kaya isinuot ko nadin ang akin.

Tumigil kami doon hanggang sa narinig ko ang emcee na nagsalita.

"Good-evening ladies and gentlemen.
I would like to introduce the new founder and brains behind ALLEJE EMPIRE , our new president. The only grandson of Mr. Rumualdo Alleje.
Mr. Reggie Alleje.."
Narinig ko ang palakpakan ng mga tao. At lalo akong kinabahan ng bumukas na ang pinto at tumapat sa amin ang spotlight.

Tumingin ako kay Reggie na nakangiti sakin.

Bago ako inakay nito..

Mabuti nakamask ako kaya hindi nakikita ang pagkasilaw ko sa ilaw na nakatutok samin ngayon.

"Wag kang kabahan nandito ako okay. Hindi ako papayag na kainin ka nila"
biro nito para mawala ang kaba Ko..

Nagtagumpay ito dahil nawala ang kaba ko dahil sa sinabi nya. At natawa sa biro nya.

Tumingin ako sa unahan kaya nakita kong may sasalubong samin na matandang lalaki.

"Mabuti naman at dumating kapa Iho. Akala ko hindi kana darating"
panimula nito..

MY LITTLE ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon