Chapter 39:Choosing Between The Two Person!

4 3 0
                                    

"Mahal mo paba sya"
Napapikit ako sa tanong ni reggie

Hindi ako makaimik agad dahil sa pagkalitong nararamdaman ko.

"Tamara please sagutin moko MAHAL MOPA SYA" sigaw na tanong nito.

"HINDI KO ALAM! Hindi ko alam reggie naguguluhan ako" umiiyak na sagot ko.

Natawa ito sa sinabi ko ang sakit lang na sa kabila ng tawa nyang yon yung sakit na ako ang dahilan.

"Hindi ka makasagot kase ano mahal mo pa sya" natatawang sabi nito.
"Mahal mo sya! Mahal ka nya ano ako kontrabida sa storya nyong dalawa"

"Hindi reggie mahal kita alam mong mahal kita" naiiyak na sabi ko

Pinipilit kong ang sarili ko na hindi mag breakdown sa sitwasyon pero parang hindi umaayon sakin ang pagkakataon dahil pag lumalapit ako sa kanya sya yung kusang lumalayo.

Halo- halong emosyon ang nababasa ko sa mata nya.
Sakit
Galit
Pagkalito
At sobrang nasasaktan ako dahil nasasaktan ko ngayon ang taong mahal ko.

"Paano mo nasabing mahal moko kung yung nararamdaman mo saken nararamdaman modin sa kanya" napangiti ito ng mapait
" hindi dalawa yang puso mo tamara iisa lang yan! Pero alam mo yung masakit ha! Pakiramdam ko mas lamang yung nararamdaman mo sya kanya"

Kita kong unti- unting tumulo ang luha sa mata nya.

"Kaya ngayon pala papipiliin na kita magpapakatanga padin ako papipiliin kita tamara sya na na iniwan ka o ako na nandito"

Napayuko ako.
Please not now reggie
I-i can't choose please not now.

"Okay sa tingin ko alam kona" mapakla itong natawa
"Alam mo tamara lahat ng tao nagpapaka tanga at isa ako sa mga taong yun" umiiyak na sabi nito.
"Mahal na mahal kase kita sobra na i can give up everything to make you happy kahit kapalit nun masaktan ako! Pero mas mahirap pala talaga na magpaka tanga at ipaglaban yung taong inaantay nalang na sumuko ka"

Tumalikod na ito pero hinabol ko ito yumakap ako sa likod nito ng mahigpit.

"Please reggie not now wag mo naman akong iwan oh wag ngayon please" pagmamakaawa ko.

Kailang kita reggie ikaw lang yung kanlungan ko sa lahat ng sakit na pinagdadaanan ko ngayon.

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya dahil pakiramdam ko any moment wala nadin akong lakas para habulin pa sya.

Naramdaman ko na dahan- dahan nitong kinalas ang yakap ko.

No please.

Humarap ito sakin at hinawakan ang baba ko kitang kita ko ang luhaang mata ni reggie na may pagmamahal na nakatingin sa mata ko.

"Siguro kailangan nalang nating tanggapin sa mga sarili natin na talagang hindi na pwede" malungkot itong ngumiti bago pinunasan ang luhang umaagos sa pisngi
"Sige na magpahinga kana gabi nadin nakakapagod yung araw nato para sa ating lahat! Pero sana paggising mo bukas marealize kong ako pala yung mas mahal mo hindi sya"

Unti- unti itong lumayo sa akin bago ako tinalikuran.
Nanlalambot na napaupo nalang ako sa lupa.

Bakit?? Bakit kailangan kopa makasakit?

Napahagulhol ako sa halo- halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Bakit ka umiiyak diba dapat masaya ka kase nakapili kana.
Bulong ng utak ko.

Masaya bakong talaga.
Masaya bakong mas pinili ko ngayon yung taong iniwan ako noon kesa sa taong tinanggap ako ng buo sa kabila ng nakaraan ko.

Ilang minuto ako na nasa ganung posisyon ng maramdaman Kong may tumabi sakin.

"Umiiyak ka na naman.. "
Napatingin ako Kay James na malungkot na nakatingin sakin.
"Nakita ko ko lahat at narinig ko Tamara!
Bakit hindi mo kayang mamili Tamara? O sabihin nating bakita sya yung pinili mo?"
Puno ng simpatya na tanong nito.

"Alam mo James Nung hinalikan ako ni Dominic kanina Parang bumalik yung nararamdaman ko sa kanya!
Pero nung nakita ko si Reggie Nahati yung nararamdaman ko!
Nalilito ako!
Ayokong mawala sakin si Reggie!
Pero ayokong masaktan si Dominic! Hindi ko na alam.."
umiiyak na sabi ko.
Napasabunot ako sa buhok sa halo- halong emosyon na nararamdaman ko.

Bumuntong-hininga si James dahil sa sinabi ko.

"Sana Tamara maisip mong wag pagsabayin ang dalawang tao na alam mong sa huli masasaktan sila pareho.."

"May nabasa akong sentence sa libro
Sabi nila Mali daw ang magmahal ng dalawang tao!
Dapat mamili ka
Pero paano ka pipili kung nanghihinayang ka sa tagal ng samahan nyo nung una Samantalang nahulog ka nang ganun kadali sa pangalawa
Ano ba ang mas matimbang yung matagal mo ng iniingatan o yung relasyon na pilit mong iniiwasan
Ang pagmamahal na dati at sya lang o ang kaligayahang nadama mo saglit lang pero ayaw mo ng wakasan!"
napatingin ako kay James na nakatingin sakin nginitian ako nito.
"Parang katulad ng sitwasyon mo!
Sino ba talaga ang pipiliin mo!
Yung taong mahal mo na iniwan ka noon at bumabalik ngayon O yung taong mahal mo na nandyan at minahal ka ng totoo na tinanggap ang nakaraan mo.."
Pinusan nito ang luha ko.

Lalo akong napaiyak.

Niyakap nya ako.

"Sshh!
Tamara nasa sayo kung sino talaga! Kung San ka magiging masaya nandito lang kami okay!
Para gabayan ka sa mga desisyon mo!"
sabay haplos sa likod ko.

Tama sya!
Kailangan Kong mamili!
Kailangan Kong pumili kahit alam ko sa huli!
May isang masasaktan.

MY LITTLE ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon