Chapter 24- A Man Who Gives Her Happiness

6 3 0
                                    

Reggie POV..

Pagkatapos Kong makipag kita kay aliyah.

Tumuloy na muna ako kay tamy.

Napahilot ako sa sentido ko kapag naalala ko ang conversation namin ni Aliyah kanina.

Alam kong Mali ang sinabi ko.

Kaya pupunta ako para malaman kung anong ginawa nya dito..

Pinapasok na ako ni Dina.

Pinuntahan ko sya sa veranda kung saan tinuro ni dina sakin.

Pero napatigil ako sa pinto ng marinig ko ang boses ni Tamara na umiiyak..

"Kuya tomy Hindi ko na alam ang gagawin ko! Kung kelan maayos na ang lahat babalik sila para guluhin na naman ulit ang buhay ko.."
umiiyak na sabi ni Tamara..

"Sshh!Wag kang susuko princess.
Alam ko na balang araw Sasaya ka din. Nandyan si Reggie kami ng pamilya mo at si marcky Para lumaban ka sa lahat ng ito hindi paba sapat ito sa ngayon?"
narinig Kong sabi ni tomy..

"Paano ako magiging masaya sa taong mahal ko Kung kalahati ng puso ko na kay marcky.."
sumisinghot na sabi ni Tamara..
"And why I feel this pain.. "

"Tamara Tell me? Naka move on kana ba talaga sa kanya O ginagamit mo lang na si Reggie para pagtakpan ang nararamdaman mo para kay domi.."

Napaatras ako sa tanong ni tomy.

Hinintay Kong sumagot si Tamara Pero wala akong nakuha.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Bago unti-unting sumilay ang mapait na ngiti sa labi ko.

Ang sakit.

Unti unti akong lumayo sa kinaroroonan nila tamara. Bago kopa di mapigilan ang sarili ko na makalabas at alamin ang sagot ni tamara.

Why tamara?

Bakit parang hanggang ngayon.
May kahati parin ako sa puso mo.
Na hindi mo kayang ibigay sakin ng buo.




Tamara POV

Natahimik ako sa tanong ni Kuya.

Naka move-on na ba talaga ako?

Mahal ko si Reggie pero laging may kulang.
May hinahanap ako sa puso ko na hindi ko matagpuan.

"Hindi ka makasagot dahil wala ka pang mahanap na sagot right?"
napatingin ako kay Kuya Tomy..
"Tamara! If you want to love again. Learn to forgive Patawarin mo ang mga taong nakasakit sayo para maibigay mo ng buo ang pagmamahal mo kay Reggie.."

"Paano ako magpapatawad.
Hindi ko alam"
umiiyak na sabi ko.

Kuya tomy hug me..

Hanggang kelan ko kakayanin lahat.


------》

Bettina POV

Napatingin ako sa may pintuan ng bigla na lang may kumalampag dun.

Nandito ako ngayon sa sala dahil hinihintay ko ang kapatid ko lang naman ang magaling kong kapatid.

At ang nakakainis..

Kanina pa ito wala.
Gabing gabi na.

Kinuha ko ang baseball batt ko ng marinig ko ulit yon.

Dahan dahan akong pumunta sa gilid ng pinto at hawak sa doorknob sabay bukas.

Ihahataw ko na sana yung batt na hawak ko ng makilala ko kung sino ang hahatawin ko sana..

Yung kanina ko pa inaantay.

MY LITTLE ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon